Hindi ako pinapansin ni Benj. Kanina pa ako dumating dito sa kaniyang condo. "Nandito na ang food," sabi ko sa kaniya. Ano kaya ang trip niya at hindi man lang niya ako iniimik. Wala naman pala siya sa mood, sana nagsabi na lang siya. Oh, baka ayaw niyang magmulta at magbayad kaya pinilit na lang niyang magpunta. I sighed. Ayaw kong ganito kami. For the past few months, naging maayos kami. Kaya ewan ko ba kung ano na naman ang problema niya. O kaya plano na niya akong hiwalayan? Isang sem na lang, magtatapos na ako. Matagal-tagal na din pala kami sa ganitong set up namin. Ilang beses na din kaming nakapag-oug of town. Milyones na ang nabigay niya at hindi na magkasya sa dorm ang mga gamit ko dahil masipag siyang magregalo. Lumipat kami ng bahay ni Kamielle. Lumapit ako sa kaniya.

