Chapter 12 “Huwag mo naman ipakita masyado ang pagkamuhi mo kay Alexander sa harap ni Robin, mahal, nakita mo ba ang sakit sa mga mata niya? Kahit na ganoon ang ginawa ni Alex ay hindi mo mawawala na siya ang tumulong at nagprotekta kay Robin noong nasa mundo ito ng mga tao. Isa siya sa dahilan kung bakit ligtas ang kapatid mo at nakakasama mo ngayon.” Inilapag ni Zavia ang kaniyang hawak na pagkain sa lamesa at tiningnan ang asawa na nakaupos sa tabi ng bintana habang nakasalumbaba. Umagang-umaga ay sinesermunan niya ito. Hindi kasi ito natulog sa kanilang silid at alam naman niya ang dahilan. Takot ito sa mga sasabihin niyang salita, ngunit hindi ito makakatakas sa kaniya. “Huwag mo namana ako pagalitan, mahal, alam mo naman na kapag galit ako ay dire-diretso ang bibig ko. Hindi m

