Chapter 13 Pagkatapos ng kanilang umagahan ay sinabi ni Sayah kay Robin na nais siya nito na kausapin. Nasa labas sila ng malawak na hardin ng verthron kung saan napakaraming iba’t-ibang klase ng mga bulaklak. Mayroong tatlong kawal na nagbabantay hindi kalayuan sa kanila. “Kailangan mo bumalik ng vantress? Bakit? May nangyari ba na hindi maganda?” nag-aalalang tanong ni Robin nang marinig niya ang sinabi ni Sayah. “Iba ang... pakiramdam ko kung bakit ako ang ipinadala para magbantay sa iyo dito sa verthron, Robin. Parang alam ni Zico na mas nararapat ako na manatili dito dahil nasa panganib ang buhay ko. Ayoko na malagay ang buhay nila sa alanganin ng dahil sa akin,” sambit ni Sayah. Nakikita ni Robin ang pag-aalala sa mukha nito habang nakatingin sa kaniya. Nang malaman nga niya na s

