Chapter 55 Tumayo si Marcus at nagulat si Robin nang lumuhod ito sa harapan ni Alex. “Hindi ako umaasa na mapapatawad mo, Alex, alam kong walang kapatawaran ang ginawa ko dahil pagtatraydor ito sa ating pamilya. Sa oras na malaman rin ito nila Khia tiyak kong— Napahinto si Marcus sa pagsasalita nang lumapit dito si Alex at kulweyuhan ito. Itinayo ito ni Alex. Naalarma naman si Robin ngunit bago pa siya makalapit para pigilan si Alex ay nasuntok na nito si Marcus. Bigla naman lumabas si Alejandro at si Xandro at pumagitna ito kay Alex at kay Marcus. Naroon na rin si Johnny at dinaluhan nito si Marcus. Awang-awa si Robin habang nakatingin siya sa huli. Naramdaman niya ang pagsisisi nito. “Alex,” sabi ni Xandro. Nang marinig ni Robin ang sinabi ni Xandro ay nilapitan niya si Alex at hi

