Chapter 9 Napatigil sa pag-uusap si Alejandro at si Xandro nang makita nila ang kanilang ina na papalapit sa kanila. Napansin kaagad ni Xandro ang seryosong mukha nito habang papalapit sa kanilang dalawa. “Alejandro, saan ka nagpunta?” tanong ni Meredith sa anak. Hindi kaagad nakasagot si Alejandro dito dahil alam niya na kapag nalaman nito na nanggaling siya sa mansion nila Alex ay pagagalitan siya nito. Nang malaman ng kaniyang ina na ipinapahanap ni Alex si Robin ay isa ito sa mga nagulat at nang sabihin niya na kakausapin niya is Alex tungkol doon ay kaagad na umangal ito. Sinabi nito sa kaniya na huwag na siyang makialam pa doon at hayaan ang kanilang ama na magdesisyon at kausapin si Alex pero hindi na niya natiis. Alam niya kung anong hirap na ang pinagdaanan ni Robin nasa mu

