Chapter 10 “What did Alejandro told you?” Napalingon si Hermiliah kay Alex nang pumasok ito sa kanilang silid. Nag-aasikaso na siya ng kanilang higaan nang gabing iyon. Hindi niya maikakaila na natakot siya sa sinabi ni Alejandro tungkol sa kasunduan niya at ng ama ng mga ito pero nasa dulo na siya, akhit anuman ang mangyari sa kaniya wala siyang pagsisisihan. Ngumiti siya at lumapit kay Alex, kumapit siya sa batok nito at mabilis na hinalikan ang mga labi ng asawa. Kahit kailan ay hindi niya naisip na mangyayari iyon sa kaniya, na makakalapit siya ng ganoon kay Alex at mahahalikan niya ito. Naramdaman niya ang mga kamay ni Alex sa kaniyang baywang, pumalupot iyon doon at mas inilapit siya dito. Nakita niya sa mga mata ng lalake ang pagmamahal sa kaniya at sapat na iyon. “Wala na

