Chapter 31 “Alex is acting weird! Paano kung nawawala na ang bisa ng mahika, Khalisa?! Paano kung maalala na ni Alex ng tuluyan ang tungkol kay Robin at paano kung balikan niya ito?!” Humarap sa kaniya si Khalisa at nakita niya ang iritadong mukha nito. Kailangan niyang malaman kung hanggang kailan ang bisa ng mahika. Iba na ang ikinikilos ni Alex at madalas na itong mamalagi sa opisina nito sa vampire’s haven kaysa ang umuwi sa kanilang mansion. Nagsimula iyon nang manggaling sila sa kastilyo ng lecius at nang muling magkita ito at si Robin. “Ano na naman kabaliwan iyang sinasabi mo? Ipinaliwanag ko sa iyo ang gamit ng mahika noong una pa lang, bampira, baka nakakalimutan mo na. Walang kahit na sino ang makakapagpawala ng mahika ko, hindi rin iyon basta-basta matutukoy ng kahit na

