Chapter 32 Palakad-lakad at hindi mapakali si Hexus sa harap ng silid ni Robin. Si Zavia ay nasa gilid lamang pati na si Sayah at si Maxis. Ang nasa loob ng silid ay si Marliya at si Nathalia. Sila ang nagpapaanak ngayon kay Robin. “Hindi ba delikado na mas napaaga ang kaniyang panganganak, Maxis? Hindi ba at dapat isang linggo pa? pero bakit ngayon na siya nanganak?” tanong ni Hexus. “Huwag kang mag-alala, mahal na hari, magiging maayos ang kalagayan ng mahal na prinsesa. Tiyak na— Hindi naituloy ni Maxis ang kaniyang sasabihin nang makarinig sila ng iyak ng bata sa loob ng silid. Napalingon kaagad doon si Hexus at si Zavia naman ay lumapit sa asawa nito. Nakita niya ni Zavia kung paano manggilid ang luha sa mga mata ni Hexus kaya’t kaagad niyang hinawakan ang mga kamay ng kaniyang

