CHAPTER 2

2241 Words
Pagdating niya sa kompya nila ay lahat ng nadadaan niya na mga empleyado sa kompanya nila ay binabati siya. "Good morning sir, nilagay ko na po sa table niyo ang mga papelis na kailangan niyong permahan." Bungad sakanya ng secretary niya at biglang tumigil sa paglalakad si Blaine at tinignan ng masama ang secretary nito. "Yan pa talaga ang ibubungad mo saakin?" Inis na sabi nito kay secretary Kim. "Sorry po sir, kahapon dapat yan kaso bigla kang nawala sa office mo." Paliwanag nito at nagsimula ulit maglakad si Blaine habang nakasunod ang secretary niya. "Wala parin bang nag investment sa kompanya natin?" He asked his Secretary. "Mayron na po sir." "Talaga at sino?" "Si mr. Montero po." Sabi ng Secretary niya. "Kaya pala nasa bahay ang babaeng yon." Bulong ni Blaine sa sarili. "Ano pong ibig niyong sabihin?" Tanong ng secretary niya nang marinig ang sinasabi ni Blaine. "Wala sabi ko mabuti kong ganon, pwede kanang umalis." Sabi nito sa Secretary niya. Nag-uusap ang dalawa habang pumipili ng bibilhin nang may biglang humarang sa bibig ni Ashley gamit ang panyo. "Hahahahaha." Malakas na pagtawa ng isang lalaki ang narinig nila. "Hayop ka!" Sigaw ni Ashley sa pagmumukha ng pinsan niya ng makita niya ito. "Hey relax kalma ka lang pinsan kong maganda." Natatawa nitong sabi kay Ashley. "Pinsan mo yang pagmumukha mo!" Mataray nitong sabi sa pinsan niyang si Luke. "Wow may kasama ka palang anghel." Sabi ni Luke ng makita si Bella. "Hi ako nga pala si Luke pinsan ng kaibigan mo." Pagpapakilala nito sabay abot ng kamay niya kay Bella pero nakatingin lang ito sa kamay ni Luke nang biglang humarang si Ashley sa pagitan nila. "Wag ang kaibigan ko, kilala kita Luke babaero ka." Sabi ni Ashley habang nakatitig ng masama sa kanyang pinsan at natawa lang si Bella sa reaction ng kaibigan niya. "Hoy besh wag ka namang ganyan sa pinsan mo, nagpakilala lang tapos nilabas muna ang baho niya." Natatawang sabi ni Bella. "Wag kang mag-alala besh hindi ako yong tipong babae na magpapa-uto sa pinsan mo kaya hayaan muna siyang makipag-kaibigan saakin." Dagdag pa niya na may kasamang pang-aasar. "Hay naku panira ka talaga ng moment Ashley." Sabi nito "Tara na nga besh." Sabi ni Ashley sabay hawak sa kamay ni Bella at nagsimula na silang maglakad. Pero sumusunod parin si Luke sakanila. "Sege na sama niyo na ako sa lakad niyo." Pagmamakaawa nitong sabi pero hindi parin nila pinansin. "Sege na please, please." Pagmamaka-awa nito at nang marinig yon ni Bella ay napatigil si Bella sa paglalakad at unti-unting humaharap kay Luke na para bang naiiyak. "Besh okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Ashley pero hindi niya ito pinansin. "W-wait, bakit ganyan ka makatingin saakin?" Curious na tanong ni Luke. "Bakit mo pinipilit na sumama sa amin, siguro manyak ka at siguro may masama kang balak tama ba ako?" Seryusong sabi ni Bella at bakas sa kanyang mukha ang pagkatakot at hindi nakapag salita si Luke. "Luke mabuti siguro kong iwan mo muna kami iuuwi ko na rin siya." Sambit ni Ashley ng mahalata na nawawala sa sarili si Bella. "Sandali b-bakit biglang nagbago ang mood k-kanina mukha namang maayos makipag-usap." Natataranta na tanong ni Luke. "Umalis ka nalang muna please." Sabi ulit ni Ashley at napilitan si Luke na umalis. FLASHBACK "Hello Bella." Sabi ng nasa kabilang linya." "Hello, napatawag ka sa ganitong oras?" Curious na tanong ni Bella. "Puntahan mo ako dito please." Diretsong sabi niya. "Lasing ka ba?" Tanong ni Bella ng mahalata ang boses ng fiance nito. "Puntahan muna lang ako." Sabi niya ulit. "Ayaw ko inaantok na ako." Sagot nito, bababaan na sana nito ni Bella ng telepono ng magsalita ulit ang nasa kabilang linya. "Sige ka hindi ko nalang itutuloy ang pag investment sa kompanya niyo." At nang marinig yon ni Bella ay hindi makapag salita, kailangan niya itong puntahan kong ayaw niyang bumagsak ang kompanya nila. "Sige papunta na ako." Naiinis nitong sabi, agad lumabas at pinatakbo ng mabilis ang sasakyan nito. Nang dumating siya sa condo ng fiance niya ay agad niyang nakita ang fiance niya na lasing na lasing habang naka-upo sa sofa pero hindi parin tumuloy si Bella sa loob, nakatayo lang siya sa tapat ng pinto at nang makita siya ng fiance niya ay agad itong tumayo at lumapit kay Bella habang ito ay nakangisi at nang makalapit na siya kay Bella ay hindi inaasahan ni Bella na bubuhatin pala siya nito ng fiance niya. "Ibaba mo ako!" Sigaw ni Bella. "Wag kang matakot Bella alam kung magugustuhan mo itong gagawin ko." Kaya ng marinig yon ni Bella ay naisip niya na may masamang binabalak itong fiance niya kaya agad niya ito kinagat sa taenga at nang maibaba siya ay sinubukan niyang tumakas pero naabutan parin nito sa pinto at agad siyang sinuntok ng fiance niya sa tiyan at nawalan ng lakas si Bella upang tumakas ulit. "Walang hiya ka!" Sigaw ng pamilyar na boses at nang marinig ito ni Bella ay pinilit niyang maimulat ang kanyang mga mata at nakita ang mommy niya na may hawak na malaking vase flower sabay hampas sa likod ng fiance niya. "Mommy!" Sigaw ni Bella at sinubukang tumayo upang makalapit sa mommy niya nang makita niya itong naka handusay sa sahig pero nang makalapit na ito ay nakita niya na may unti-unting lumalabas na dugo sa bibig niya. "Mommy! Mommy!" Sigaw ni Bella ng makalapit ito sa mommy niya "Mommy!" Malakas na sigaw ni Bella habang umiiyak at naramdaman niya na may umaagos sa tiyan niya at ng tingnan niya ito ay dugo. Nasaksak pala ito ng fiance niya ng tingnan niya ang fiance niya ay may hawak pala itong maliit na kutsilyo. "Hayop ka!" Galit na sigaw ni Bella at kinuha ang maliit na kutsilyo at isinaksak ito sa fiance niya. "Help! Tulungan niyo kami!" Sigaw ni Bella pero wala paring nakarinig sakanya. "U-um-ma-l-lis k-kana." Nauutal na sabi ng kanyang mommy at nagawa pa niyang ngumiti kay Bella kahit na hirap na hirap na itong huminga. "Mommy! Don't! Please mommy!" Pero walang nagawa si Bella kundi umiyak nalang ng malakas pagkatapos ay naramdaman niyang hindi na gumagalaw at hindi na rin humihinga. "Mommy wag kang bibitaw hihingi ako ng tulong." Sabi nito habang umiiyak ng malakas. Sinubukan parin nila itong dalhin sa hospital kahit na alam nila na wala ng pag-asa. "Where's your mom?" Tanong kaagad ng daddy niya na kakarating lang sa hospital. "Dad w-wal." "Shut up! Bella buhay pa mommy mo." Pagputol nito sa sasabihin ni Bella. "Dad sorry." Sabi ni Bella habang umiiyak. "Ma'am, sir kayo po ba ang mga kamag-anak niya? "Oo kami nga, kamusta na siya?" Diretsong tanong ni Jasper. "Sorry wala na po siya ng isugod niyo siya dito ay patay na pala siya." Paliwanag ng doctor ng makalabas siya galing sa emergency room kaya agad pumunta si mr. Lopez sa emergency room at nakasunod naman sakanya si Bella. "Hon tulog ka lang diba?" "Hon gumising kana!" Pilit niyang ginigising habang hinahagulgol niya ito. "Hon! Honey! Bat mo ako iniwan." Sigaw ni mr. Lopez habang nakahawak sa dalawang kamay ng asawa niya. "Dad, I'm so sorry it's my fault." Naiiyak na sabi ni Bella nang makalabas sila sa emergency room na kong saan nandon ang bangkay ng kanyang mommy. "Yes! It's your fault!" Sigaw ng daddy niya habang nakatingin ng masama kay Bella. Buong buhay niya ngayon lang niya naranasan na sigawan siya ng daddy niya mula pagkabata hanggang sa lumaki siya ay Princessa ang turi sakanya ng mga magulang niya. Kaya hindi makapaniwala si Bella na nagawang sigawan siya ng daddy niya. "S-sorry d-dad." Nauutal na sabi habang umiiyak pero hindi siya pinansin ng daddy niya at tinalikuran siya nito. END OF FLASHBACK "Besh mas mabuti siguro kong mag patingin ka sa doctor, parang lumalala na ang nararamdaman mo hindi ka naman ganyan dati diba?" Nag-aalalang sabi ni Ashley, simula kasi nang mangyari ang mga insendente na iyon ay nawawala sa sarili si Bella minsan pero ngayon parang lumala na kahit na maliit na bagay ay agad nawawala sa sarili si Bella. "Pero pano kong sabihin nila na baliw ako? Diba sa mental hospital nilalagay? Besh natatakot ako sa sasabihin saakin ng doctor kaya ayaw ko." Natatakot nitong sabi at bahagyang tumawa si Ashley ng marinig ang reaction ni Bella. "Besh hindi ka naman baliw, epekto yan ng pagka trauma mo." Paliwanag ni Ashley. "Ganun ba, sige susubukan ko magpa check-up." Sagot ni Bella. "Sabihin mo lang saakin kong kailan sasamahan kita okay, wag kang matakot." Nakangiting sabi ni Ashley. "Salamat dahil nandyan ka palagi." Naiiyak na sabi ni Bella, si Ashley nalang kasi ang naging sandalan simula ng mawala ang mommy niya. "Always welcome." Nakangiting sagot ni Ashley. Pagdating ni Luke sa isang sikat na bar na kong saan ay ito ang ginagawang tambayan nilang magkakaibigan. At agad niyang tinawagan ang isa sa mga kaibigan niya. "Hello dude, punta ka dito samahan mo ako." Bungad nito sa kaibigan niya na si Blaine "Nasaan ka ba?" Sagot ni Blaine sa kabilang linya. "Saan pa ba, ede sa paboritong tambayan ng mga pinapaiyak ng mga babae." Natatawa niyang sagot. "Gago wag mo akong idamay kahit kailan hindi ako napaiyak ng babae bagkus sila ang umiiyak saakin." Mayabang na sagot ni Blaine at bahagyang tumawa si Luke. "Malay ko bang pusong bato ka pala." Natatawang sagot ni Luke. "Tsk. Papunta na ako." Hindi pa nakapag salita si Luke ay binabaan na ito ng telepono ni Blaine. "Hayst gago talagang kausap hindi pa ako nakapagsalita ay binabaan na ako ng telepono." Bulong nito sa sarili. Sumalubong ang maraming babae kay Blaine na kakapasok lang sa loob ng bar at agad hinanap ang kaibigan niya ng biglang may kumalabit na babae nito sa leeg habang nakatitig kay Blaine gamit ang mapang-akit niyang mata. "Excuse me." Inis na sabi ni Blaine pero hindi parin kumakawala ang babae sakanya. "You want me?" Nang-aakit na sabi ng babae at akmang hahalikan nito si Blaine ay agad naitulak siya ni Blaine. "Sh*t get out of my way! I don't want you!" Sigaw nito sa pagmumukha ng babae at iniwan niya ang babaeng yun. "Hey! I'm here dude!" Tawag sakanya ni Luke habang kumakaway ito sakanya sa hindi kalayuan. Napairap naman si Blaine ng makita niya ang gago nitong kaibigan. "Nabitin ako kanina." Pang-aasar na sabi ni Luke nang makalapit sakanya si Blaine. "Ang alin?" Tanong ni Blaine habang naka kunot ang noo nito. "Yung kanina, kissing scene na sana yun kaso pakipot ka pa." Pang-aasar nito kay Blaine. "Ano ako ikaw na kung sino-sino nalang pinapatulan tsk." Inis na sagot nito kay Luke pero tumawa lang ito. "Cheer's!" Malakas na pagkasabi ni Luke. "No thanks ikaw lang." Seryusong sagot ni Blaine. "Wow good boy may sakit ka ba kaya ayaw mo nito?" Natatawang sabi ni Luke. "Tsk. By the way bakit mo naman ito ginagawa ngayon?" Curious na tanong nito kay Luke, ngayon lang ulit kasi nagpalasing si Luke simula ng lukuhin siya ng babaeng minsan lang niya sineryuso. "May nakilala akong babae ngayong araw." Seryusong sabi ni Luke at seryuso ding nakikinig sakanya si Blaine. "Oh tapos? Anong problema sa babaeng yun?" Diretsong tanong ni Blaine kay Luke pero tumawa lang ito ng nakakaluka. "Alam mo ba kong anong sinabi niya sa akin? Mukha daw akung manyak." At natawa ng malakas si Blaine ng marinig niya yun. "Aba wala naman pa lang problema sa babaeng yun dahil real talk yun para sayo dude." Natatawang sabi ni Blaine pero inirapan siya nito ni Luke. "G*go ka talaga kahit kailan, isa ka pa eh!" Inis nitong sabi. "Sandali, sino pala ang babaeng yun at nagawa niyang sabihin yun sayo?" Natatawa paring tanong ni Blaine kay Luke. "Bella ang pangalan niya imagine siya lang nakapag sabi sa akin non kaya hindi ko siya tatantanan hanggang sa hindi siya sa akin mainlab tandaan mo yan dude." Seryuso nitong sabi kay Blaine. "Baka kapag nakita ako ng babaeng yan ay baka ma love at first sight yan sa akin." Mayabang na sabi ni Blaine na nang-aasar. "Kala mo naman kung sino, ni isa nga wala ka pang napapasagot na babae si Bella pa kaya sa tingin ko never pa siya nagkaroon ng boyfriend kaya masungit." Seryusong sabi ni Luke. "Matino ang hanap ko hindi tulad mo, pero kong bibilangin mo ang babaeng mismo lumalapit sa akin ay hindi mabilang." Natatawa nitong sabi kay Luke. "Kahit kailan puro kayabangan lumalabas sa bibig mo." Natatawa nitong sagot. Mag-iisang oras ng palakad-lakad si Marga sa sala dahil hindi mapakali na hindi nakikita si Blaine. "Kanina lang siya wala sa bahay, saan kaya siya nagpunta?" Tanong nito sa sarili. "Marga? Anong ginagawa mo sa ganitong oras, akala ko tulog kana." Napatigil sa paglalakad si Marga ng marinig niya ang tita Flora niya. "T-tita a-ano kasi eh, hindi parin dumadating si Blaine." Nag-aalalang sabi ni Marga. "Hay naku Marga darating lang yun mamaya, siguro kasama na naman niya mga kaibigan niya kaya matulog kana okay." Paliwanag ng tita Flora niya. "Pero b-baka may mga kasama silang mga babae." Hindi maiwasang sabihin ni Marga. "Wala kang dapat ipag-alala dahil sayo parin si Blaine not now but soon okay." Nakangiting sabi ng tita Flora niya. "Sige po matutulog na po ako tita." Sabi nito at bumalik na rin sa kwarto na tinutuluyan niya pero hindi parin niya maiwasang magselos habang iniisip niya na may kasamang babae si Blaine. Matagal nang may pagtingin si Marga kay Blaine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD