“Best, sabay ka na sa amin. Ihahatid ka namin,” pag aya ni Jen sa kaibigan. “Hindi na, best. Hintayin ko si Kyre,” sagot ni Laarni. “Sigurado ka? Alas diyes na kaya,” sabi pa ni Jen. “Sige lang. Hintayin ko lang siya. Nangako naman siya na susunduin niya ako,” sagot ni Laarni. “Sige. Basta, sigurado ka ha? Kapag wala pa rin, tawagan mo ako balikan ka namin,” nag-alalang wika ni Jen. “Sige, Ingat kayo,” sabi ni Laarni sa kaibigan. Tumango lang si Jen at Racho at magkahawak kamay na umalis para makauwi na. Napa buga na lang ng hangin si Laarni. Kinuha niya ang cellphone niya para tawagan ang asawa. Ngunit nakailang ring na ay wala pa ring sumagot. Umupo na lang si Laarni sa bench na nakikita niya sa harap ng Arena. Muli niyang tinawagan ang asawa baka sa pagkakataong ito ay sumag

