Napa buga ng hangin si Laarni ng nasa harap na siya ng hotel room na nakasulat sa text ni Gwen sa kanya. Oo, nasa hotel siya. Hindi siya mapakali. Ayaw siyang patahimikin ng isip niya. Kahit anong sabi niya na walang ginawa ang asawa niya ay ayaw na magpaawat ang isip niya. Kaya ito siya ngayon nasa harap ng hotel room. Akmang kakatok siya nang mapansin na bukas ang sinadora ng pinto. Napakunot ang noo niya. Ang reckless ng sinumang nasa loob. Hindi talaga nagsara ang pinto. Tahimik siyang pumasok sa loob. Dalangin niyang wala siyang makitang hindi kanais-nais. Ngunit para di yata dininig ang panalangin niya nang makitang may mga damit na nagkalat sa carpet. Oo, with carpet pa talaga ang room. Ito siguro ang pinaka mahal na room sa buong hotel dahil malaki at parang nasa bahay

