Chapter 5

2498 Words
Pinapanuod ko ang asawa ko habang ginagawa niya ang kanyang trabaho. Nakatutok ang kanyang mga mata sa laptop. Malalim na ang gabi ngunit ayaw pa rin niyang tigilan ang kanyang mga ginagawa. She's finalizing her works and the blueprints. Tahimik lang ako sa kanyang tabi. Kung minsan ay hinahalikan ko ang gilid ng kanyang ulo. Titigil siya sa kanyang ginagawa, pagkatapos ay ngingiti sa akin. "Hindi ka pa ba inaantok?" tanong ko. Niyakap ko siya sa baywang at maingat na hinaplos iyon. "Hindi pa naman," iling niya. "Malapit na rin naman akong matapos dito. Ikaw ba, inaantok ka na?" saglit siyang tumingin sa akin bago ipagpatuloy ang kanyang ginagawa. "Hmm..." I sniffed her hair. "Hindi pa rin. Hihintayin na kitang matapos para sabay na tayong matulog." Tango lamang ang natanggap kong sagot mula sa kanya. Ang buong atensyon niya ay nasa kanyang ginagawa pa rin. One thing I found out about Scarlett is that she's really dedicated to her work. Noon, alam ko naman kung gaano niya kagusto ang kanyang trabaho. But now that we're married, I found out that she's in love with it. Ginagawa niya ang lahat para maging maayos ang kanyang trabaho at matapos ito ng mas maaga kaysa sa itinakdang oras. I'm really proud of her. Nagagawa pa rin niyang maging asawa sa akin at ina kay Ellie. Indeed, she's an amazing woman. "I'm done…" ani Scarlett. "I'll just check my emails. Then, we'll sleep." "Alright," pinatong ko ang aking baba sa kanyang balikat. She chuckled a little bit because of my stubbles. Mababaw talaga ang kiliti ng asawa ko. Maraming siyang mga emails na natanggap. Isa-isa niyang binasa ang mga ito. Pati ako ay nakibasa na rin. Humikab siya nang basahin ang pinakahuling email. It's an invitation. Kahapon lamang ito ipinadala sa kanya. Binasa ko ang nilalaman nito. "List of Top 10 Best Architects in the Philippines…" sambit ko. Binasa ko pa ang mga kasunod na nakasulat. "Kasama ako?" Scarlett asked, bemused. Hindi na niya kailangan malito o itanong pa ang bagay na iyon. Because she's one of the candidates. Nasa 3rd spot siya. "Wow…" sa sobrang pagkamangha ko ay iyon na lang ang tangi kong nasabi. "Timothy, kasama ako!" she exlcaimed. Namuo sa mga mata niya ang luha dala ng kasiyahan. Nagkatinginan kami. Mabilis kong pinalis ang mga luhang dumadaloy sa kanyang pisngi. "You deserve it," hinalikan ko siya sa noo. Tumulo ulit ang luha sa kanyang mga mata. "We'll go, then? Sasama ka sa akin… para tanggapin ang award ko?" "Of course," ngiti ko. "I will support you." Unti-unti kong sinara ang kanyang laptop. Nilagay ko ito sa mesang nasa gilid bago siya siilin ng halik. She responded immediately with my deep kisses. Mas mapusok ang kanyang isinukli. Niyakap niya ng ang aking leeg habang hinihiga ko siya. Her tongue seeks for entrance, I let her in without any hesitation. Sa bawat halik niya, para akong nagliliyab. Iniwan ko ang kanyang labi para bigyan ng pansin ang kanyang leeg. Bumibilis na ang kanyang paghinga. Ang aking mga kamay ay naglalakbay na sa iba't ibang parte ng kanyang katawan. Bawat dampi ng aking kamay ay umuungol siya. I parted her legs properly. I touched her dampness, she moaned again. Binalikan ko ang kanyang labi para bigyan ulit siya ng mainit na halik. Ang kanyang mga kamay ang nasa likod ko na. Hindi niya alam kung hahaplusin ba niya ito o ibabaon ang kanyang mga kuko rito. Mas lalo akong nabuhayan ng dugo dahil sa kanyang galaw. Miyerkules nang tumulak kami ni Scarlett papuntang Maynila. Kasama namin si Ellie. Tumuloy kami kina Mommy. Sa Biyernes gaganapin ang event na pupuntahan namin. Tuwang-tuwa si Mommy nang ibalita namin sa kanya ang tungkol sa award na matatanggap ni Scarlett. Panay ang yakap niya sa aking asawa. "Napaka galing mo talaga, Scarlett!" sambit ni Mommy. "Noon pa lang ay naniniwala na ako sa kakayahan mo." "Salamat po, Ma…" ngiti ng asawa ko. Muli silang nagyakapan. Natawa na lang ako at napakamot sa aking batok. Dahil mukhang abala pa sila sa pagkukwentuhan, napili kong puntahan na muna ang kambal. Kasama nila si Ellie. Kaninang pagdating kasi namin ay agad nilang kinuha ang aming anak. Sabik na sabik sila sa kanilang pamangkin. Pagpasok ko sa kanilang kwarto ay nilalaro nila si Ellie. Tawa siya ng tawa habang nasa kama ni Chelsea. Lumapit ako sa kanila. Tumingin sa akin si Cheska. "Huwag niyo siyang papagurin," paalala ko. Umupo ako sa paanan ng kama. "Oo, kuya…" ngiti ni Chelsea. Inayos niya ang kanyang salamin. Dalaga na talaga ang aking mga kapatid. Nasa kolehiyo na sila ngayon. Si Chelsea ay Accountancy ang kurso. Habang si Cheska naman ay HRM. Napakabilis talagang lumipas ng panahon. Lumakad si Ellie patungo sa akin. Umunan siya sa kandungan ko habang kinukusot ang kanyang mga mata. Sa bawat pagkurap niya, si Scarlett ang aking nakikita. Nakuha talaga niya ang lahat sa kanyang ina. Small version of my wife. Hindi na ako magtataka na magmamana rin siya sa kakayahan ng kanyang ina. "Ang galing ni ate Scarlett... 'no, kuya?" sambit ni Cheska. "Oo," sang ayon ko. "Kaya dapat ay mag-aral kayo ng mabuti para malayo rin ang marating niyo." "Syempre…" ani Chelsea. "Dati pa ako humahanga kay ate Scarlett. Kahit na noong bata pa kami ni Cheska ay siya na ang inspirasyon ko." I patted Chelsea's head. "Ba't ako ba? Hindi mo naging inspirasyon?" biro ko. "Pwede na," inalis niya ang aking kamay sa kanyang ulo. "By the way…" pag iiba ni Cheska sa usapan. "Kailan mo ulit balak magtrabaho, kuya?" "Pag malaki na si Ellie," hinaplos ko ang buhok ng aking anak. Humikab siya sa aking ginawa. "Wala naman kasing magbabantay sa kanya." "Pwede niyo naman siyang iwan dito, o kaya'y sa mga magulang ni ate Scarlett. Pag weekends ay doon niyo na lang siya sunduin." Tumawa ako sa suhestiyon ni Cheska. "Hindi naman ganun kadali 'yon," sabi ko. "Malayo siya sa amin. Mas mabuti pang isa sa amin ay tumigil sa pagta-trabaho. Kaya naman… ako na lang muna. Lalo na ngayon, hindi maaaring tumigil si Scarlett. Hindi ko naman siya pwedeng hadlangan sa trabaho." "Grabe, kuya…" ngiti ni Chelsea. "Mahal na mahal mo talaga si ate Scarlett, 'no?" "Oo naman. Mararanasan niyo rin ang ganyan. Pero sa ngayon…" inakbayan ko ang aking mga kapatid. "…mag-aral muna kayo ng mabuti. Bawal pa ang boyfriend!" "Kuya!" sabay na reklamo nila. "Bakit?" tawa ko. "Dadaan muna sa akin ang mga manliligaw niyo." Muli silang nagreklamo sa sinabi ko. Tinawanan ko na lang sila. Pagsapit ng Biyernes ay tumungo na kami ni Scarlett sa event na pupuntahan namin. I was stunned when I saw my wife wearing a red dress. Kung hindi lang nakaharap sa amin sila Mommy, baka hindi ko na napigilan ang sarili kong halikan siya. I can remove that dress in a swift motion. Or, I can take her right now… while she's wearing that dress. Napalunok ako. Tinanggal ko ang mga iyon sa aking isip. Nag ayos ako ng tayo at nilahad ang aking kamay. "Let's go?" "Tara na…" tinanggap niya ang aking kamay. I shivered when I felt the warmth of her palm. Damn it, Timothy. Huwag ngayon. May event pa kayong pupuntahan ng asawa mo. Paalala ko sa aking sarili. Hindi ako mapakali sa aking pagmamaneho. Hindi ko alam kung ididirekta ko ba ang aking mga mata sa daan o sa aking asawa. Mukhang napapansin na iyon ni Scarlett. "Ayos ka lang?" tanong niya. "Yeah…" paos na ang aking boses. Hinigpitan ko ang kapit sa manibela. I need to stay sane. Hindi ako pwedeng maging ganito hanggang mamaya. "Sigurado ka?" dumapo ang kamay niya sa aking hita. Napamura ako sa aking isip. Alam ko naman na hindi niya intensyon na akitin ako. But, I'm very seduced right now. My thoughts about her… are too naughty to ignore. "Ayos lang ako, Scarlett," mas hinigpitan ko pa ang kapit sa manibela. Muntik ko ng idiresto ang sasakyan sa isang hotel. Damn, Timothy! Focus! Kumapit sa aking braso si Scarlett habang papasok kami sa venue. The softness of her chest touched my arm. Sht! Hindi ko alam kung tuwid pa ba ang aking paglalakad o mukha na akong gago. Marami nang tao sa venue pagdating namin. Iba't ibang personalidad ang nandito. May nakita pa akong mga sikat na business tycoon. Nahagip rin ng mga mata ko si Macy, kasama niya si Wayne. Meron silang mga kausap. "Nandito rin sila Macy," sabi ko kay Scarlett. Tiningnan niya ang direksyon na tinitingnan ko. "Ah, oo. Gusto mong lumapit muna sa kanila?" tanong niya. "Kailangan kasi kami doon sa VIP table." "Oh…" sabi ko. "Sige." Humiwalay siya sa akin. Hinalikan niya ako sa pisngi bago tuluyang iwan. Pinagmasdan ko siya habang lumalapit patungo sa VIP table kasama ang ibang Architect na mabibigyan ng award. May isang lalaki pang humila ng upuan para sa asawa ko. Ngumiti si Scarlett sa lalaki. Damn, umiiral na naman ang selos sa akin. Kahit na nang magsimula na ang awarding ay hindi pa rin ako bumibitiw ng tingin kay Scarlett. Hindi ako umupo o lumapit kina Macy. Nanatili lamang akong nakatayo sa may bandang likuran. Isa-isa silang tinawag patungo sa entablado. Inayos ko ang aking tayo. Pinagmasdan ko si Scarlett habang umaakyat doon. Napangiti ako. That's my wife… "Is that…" sambit ng isang lalaki sa aking tabi. "Scarlett Dela Rama?" Naagaw niya ang atensyon ko nang marinig ko ang pangalan ng aking asawa. Palihim ko silang tiningnan. Ang lalaking nagsalita ay mukhang ka-edad ko lamang. Samantalang ang kanyang kausap ay may katandaan na. Umurong ako ng dalawang hakbang para mas makita at marinig sila ng maayos. I crossed my arms, trying to eavesdrop on their conversation. "Scarlett Serrano," pagtatama ng matandang lalaki. "Oh! She's married?" nanghihinayang na sabi ng lalaki. "Hindi ko alam na ikinasal na pala siya." "Yes. Dalawang taon na siyang kasal. May anak na rin siya, Mr. Esteban…" "Oh, I thought she's single? Wala namang balita noon na may kasintahan siya, ‘di ba?" "It was so sudden…" tawa ng matanda. "Napikot ata siya ng kanyang napangasawa." I clenched my fist. "Ano ba ang napangasawa niya? A Businessman or an Architect? What?" "Well," nagkibit balikat ang matandang kausap niya. "A Nurse…" "What?!" tumawa ang lalaki na tila isang malaking biro ang propesyon ko para sa kanya. Mas lalo kong ikinuyom ang aking mga kamay. Sabik na ako para bigyan siya ng isang malakas na suntok. "Nurse lang?" How dare you! You have no right to fcking underestimate my profession! "Ngunit ang balita ko ay hindi na nagta-trabaho ang kanyang asawa. Siya na ata ang nag aalaga sa kanilang anak." Tumawa ulit ang walang hiyang lalaki. "Damn… sana'y niligawan ko na si Scarlett noong naging kliyente niya ako. I tried to flirt with her, kaso'y hindi ako tumalab. Isang Nurse lang pala ang tatali sa kanya." "Baka naman kasi magaling mag alaga ang asawa niya?" anang matanda. "Kung pag-aalaga lang namang ang pag-uusapan Mr. Aguinaldo, kaya ko rin 'yan. Mapapasaya ko pa siya sa lalo na sa kama o kahit saan," tumawa ang lalaki. "Mukhang magaling pa naman siya… sa kahit ano." Tumawa sila na tila iyon ang pinaka nakakatawang biro ngayong taon. Tngina. Uminit ang ulo ko dahil sa aking narinig. Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili. Hinigit ko ang walang hiyang lalaki na bumastos sa asawa ko. Sinuntok ko agad siya. Dumapo ang kanyang likod sa sahig. Nakuha namin ang atensyon ng lahat. "What the fck?!" tumayo ang lalaki at hinawakan ang kanyang panga. "Anong problema mo?!" "Anong problema ko?" mas lalong uminit ang ulo ko. Hinigit ko ulit ang kanyang damit. "Ikaw ang problema ko, tngina! Huwag na huwag mong babastusin ang asawa ko!" "Asawa?!" "Oo, asawa! Asawa ko si Scarlett!" sinuntok ko ulit siya kaya muli siyang napa upo. "Tngina ka! Bastusin mo pa ulit ang asawa ko, hindi lang 'yan ang aabutin mo!" Lahat ng atensyon ay sa amin na nakatuon. Maraming camera ang nakatutok sa amin. Nagdidilim na ang paningin ko at wala na akong pakealam sa paligid. Damn it! Ayos lang kung ako ang insultuhin niya. Pero ang bastusin niya ang asawa ko? Ibang usapan na 'yun! Susuntukin ko pa sana siya ngunit may biglang sumigaw ng pangalan ko. "Timothy!" sigaw ni Scarlett. Lumapit agad siya sa akin. Nanlilisik ang mga mata niya sa galit. "Anong ginagawa mo?!" "Pinagtatanggol lang kita sa tnginang lalaking 'yan!" turo ko sa lalaking ngayon ay nakatayo na ulit sa harapan namin. "Timothy…" Mariin na bulong ni Scarlett. Hinila niya ang aking braso. "Calm down…" Umiling ako. "Sa susunod pipiliin mo ang babastusin mo!" hindi pa rin matanggal ang init sa aking ulo. Gustong gusto ko pa rin suntukin ang walang hiyang lalaking ito. "Timothy!" Saway ni Scarlett. Hinila niya ako palabas. Panay ang hingi niya ng paumanhin sa mga taong nadadaanan namin. Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa 'yon. Wala naman siyang ginawang kasalanan para humingi ng tawad sa kanila. "'Yan ang asawa ni Architect?" dinig kong bulong ng isang babae. "Mainitin pala ang ulo? Hindi na nahiya…" anang isa pang babae. "Dapat ay binigyan niya ng kahit na konting kahihiyan ang asawa niya." Tiningnan ko ang mga babaeng nag uusap. Napayuko agad sila nang makita ang aking mga mata. Ako pa talaga ang mali? Ako pa ang may kasalanan? Pinagtanggol ko lang naman ang aking asawa. Pagkatapos ay ako pa ang masama? "Anong ginawa mo dun?" kalmadong tanong ni Scarlett pagpasok namin sa sasakyan. Hinarap ko siya. Sinubukan kong hawakan ang kanyang mga kamay ngunit mabilis niyang iniwas ang mga ito. "Pinagtanggol lang kita, Scarlett," huminahon na rin ang boses ko. "Bastos ang lalaking 'yun, eh. Alam mo ba ang mga sinabi niya?" "Kahit na ano pa ang mga 'yun, Timothy… hindi mo pa rin dapat siya sinuntok," huminga siya ng malalim. Nagtagpo ang aming mga mata. Kinabahan ako nang makitang kasing lamig ng yelo ang kanyang mga tingin. "May tamang lugar para dyan sa galit mo. Dapat ay marunong kang magpigil. May mga media doon. Hindi mo ba naisip iyon?!" "Wala akong pakealam kahit na mapahiya ako sa maraming tao. Huwag ka lang mabastos!" "Magkadikit ang pangalan natin, Timothy!" sigaw niya. "Hindi mo ba naisip na pag napahiya ka ay mapapahiya rin ako? Sa bawat pagkakamali mo ay madadamay ako!" "At 'yun pa talaga ang iniisip mo?" natawa ako. "Ayos lang na sabihan ka nilang papasayahin ka nila sa kama at kahit saan? Ayos lang 'yun? Kaya mong palampasin?" tanong ko sa kanya. "Kasi ako, hindi ko kaya! Tngina. Ako na lang ang insultuhin nila. Huwag ka lang nilang bastusin ng ganun! Sana ay naiintindihan mo kung bakit ko ginawa 'yun." "At sana ay inintindi mo rin ako. This should be a night of celebration! Pero sinira mo!" "Kasalanan ko pa talaga?" tumawa ako ng sarkastiko. "Pag binastos ka ulit… ganun pa rin ang gagawin ko. Hinding hindi ako magdadalawang isip!" "Alam mo… umuwi na lang tayo," pumikit siya ng mariin. Nang imulat niya ang kanyang mga mata, halos hindi ko na siya makilala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD