Mas lalo kaming nag iwasan ni Scarlett dahil sa mga nangyari. Hindi na ako humahanap pa ng pagkakataon para kausapin siya. Wala rin namang kwenta para sa kanya ang mga sinasabi ko. Mas mabuti pang manahimik na lang ako. Hanggang ngayon ay malinaw pa rin sa isip ko ang mga sinabi niya. Hanggang ngayon ay dinadala pa rin niya ang ginawa kong panloloko noon. Hindi pala ganun kadaling kalimutan ang lahat. Kahit matagal na kaming nagsasama ay nakatatak pa rin pala sa isip niya ang mga ginawa kong pagkakamali sa nakaraan. Hanggang kailan ko hihintayin na mabura ang pangyayaring iyon sa kanya? Iniisip ba niya na lolokohin ko ulit siya? Wala ba siyang tiwala sa akin? Kaya ba ganito ang ginagawa niya sa akin ngayon? Isa ba itong parusa? Ginawa ba niyang kaparusahan ang kasal namin para makabayad

