Chapter 14

2213 Words

May mga bagay na dapat nang bitawan kahit gusto mo pang hawakan. Sa bawat higpit ng kapit, sakit ang kabayaran. At kapag kaya na itong bitawan, doon mo lang malalaman na mas mabuti pang pakawalan kaysa panghawakan. Gusto ko pang ipaglaban ang relasyon namin ni Scarlett, pero hindi ko na kaya. Pati ang respeto sa mismong sarili ko ay nawawala na dahil sa pagmamahal ko para sa kanya. Hindi ko akalain na aabot kami sa ganito. Hindi ko lubos maisip na itutulak niya ako ng ganun kadali. Hindi pala sapat ang mga naging pangako namin nang ikinasal kami. Akala ko, kapag nangako na kami sa harapan ng Diyos, hindi na kami maghihiwalay. Ngunit, hindi pa rin pala... Hindi ako umuwi sa bahay. Hindi ko alam kung saan nga ba ako dinala ng mga paa ko. Ang tanging gusto ko lang ay mag isip. Gusto kong m

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD