"So... that was the main reason why you accepted my offer, huh?" natatawang sabi ni Mary Rose nang ikwento ko sa kanya ang mga pinagdaanan namin ni Scarlett. Tumango ako. "Uuwi na tayo ng Pilipinas sa Sabado. Baka naman maging magulo ulit ang isip mo pag nagkita kayo?" Nagkatinginan kami. Bago kami umuwi ng Pilipinas ni Mary Rose ay napagpasyahan kong i-kwento sa kanya ang lahat ng nangyari sa nakaraan. Handa na akong pag-usapan ito nang hindi nasasaktan. Tila alaala na lang ang lahat ng 'yun para sa akin. Mapait na alaaala na kahit kailan ay hindi na mauulit "Hindi na," umiling ako. "Si Ellie na lang ang mahal ko." Tumayo sa harap ko si Mary Rose. Inayos niya ang kwelyo ng suot kong damit. Ngumiti ako sa kanya. Ngumiti siya pabalik sa akin. "Finally..." marahan niyang sabi. Lumayo

