Hindi agad ako nagising kinaumagahan. Wala na sa tabi ko si Ellie nang buksan ko ang aking mga mata. Siguro'y kinuha na siya ni Mommy kanina pa. Hinilot ko ang gilid ng aking ulo nang maramdaman ang pagkirot mula dito. Hanggang ngayon ay pagod pa rin ang aking katawan dahil sa naging byahe namin. Pati ang mga damit ko sa maleta ay hindi ko pa naaayos. Bagsak na ang katawan ko kagabi pagakatapos naming mag usap ni Mommy. Ni hindi ko man lang napalitan ang suot kong damit. Bumangon na muna ako at naligo. Ang lamig ng tubig ay siyang nagpagising sa aking sistema. Iniisip kong ipasyal si Ellie ngayong araw. Matagal ko rin siyang hindi nakasama. Kailangan kong bawiin ang mga panahon na wala ako sa tabi niya. I want to spend more time with her. Iyong kaming dalawa lang. Pagkatapos kong malig

