Agad na napatingin si Macy at Wayne sa akin, si Jude naman ay hinilot ang gilid ng kanyang ulo. Hindi ako nagsalita. Nanatili lang akong tahimik hanggang sa basagin na ni Macy ang katahimikan. "Sundan ko lang si Scarlett…" batid ko ang pagka ilang sa tono ng boses niya. Tumango ako. Ipinakita ko sa kanya na normal lang ang reaksyon ko sa mga nangyayari. But, I know, alright. What I said was a bit off. Kailangan ko ring aminin na hindi maganda ang mga sinabi ko, lalo na't nasa harapan namin si Scarlett. Ang tanging gusto ko lang naman ay malaman ni Jude na alam ko kung ano ang pinagdadaanan niya ngayon. Naramdaman ko ang sakit na nararanasan niya ngayon. Sobrang sakit kapag bigla na lang nagbago ang isip ng taong mahal na mahal mo. Paulit-ulit mong tatanungin ang sarili mo kung saan ka

