"Tingnan nyo ma'am Ysa ang saya po ng mga bata pati ng mga anak ko. Salamat po talaga sa pag invite dito." Wika ni Andy habang pinagmamasdan namin ang mga bata mula dito sa bahay kubo kung saan naroroon ang aming mga pagkain. Na ipinahanda ko pa sa mag-asawang caretaker dito sa farm.
Nakatutuwa naman talaga silang pagmasdan na masayang pumipitas ng strawberries and grapes, kasama nila Roxie at Fatima.
Kinarer na talaga ng mga anak ko ang pag-take ng photos. Nag - bi - video pa nga paminsan minsan ang mga ito, umaasabtalaga ang mga itong makikita ang kanilang ama someday.
Hindi niya naman siniraan ang ama ng mga ito sa kanila dahil alam ko din namang darating ang panahon na makikilala nila ang isa't isa ngunit pa ito ang panahong iyon.
There's a right time sa lahat ng iyon at ang Maykapal lang ang nakakaalam kung kailan ang araw na iyon. Sana lang pag nsa harap ko na ang panahong iyon ay ihanda niya ako sa lahat ng consequences ng mga naging decision ko. Dahil kung sarili ko lang ang aasahan for sure hindi ko kayang harapin ang lahat. At si Lord ang ang inaasahan kong magiging kakampi ko sa lahat. Sapagkat alam ko na kahit magalit man sa akin ang buong mundo at iwan nila ako, may nag - iisang Lord sa tabi ko na hinding hindi ako iiwan.
"Diba sabi ko naman sayo open kayong mag iina dito sa farm lalo kung papasyal lang naman kayo at hindi naman manginginain." biro kong natatawa at ikinatawa niya narin.
"Salamat nga pala sa pa Bunner idea, tuwang tuwa talaga sila." seryusong sabi ko. Ang galing mong mag edit edit ng pictures at gumawa ng layout, kaya naman patok talaga sa madla ang mga products natin. Hindi talaga kami nagsisising naging bahagi ka ng aming team.
"Deserved po nila yan ma'am sa pagiging academic achievers awardee. Ang galing galing po nila sa school.
Magagaling naman talaga ang mga anak niya, kahit hindi masyadong nag aaral ang mga ito likas talaga sa mga ito ang katalinuhang taglay. At isa iyon sa sa maraming bagay na ianagpapasalamat niya sa Diyos dahil hindi man niya masyadong natututukan ang pagtuturo sa mga ito dahil sa minsang pagka busy niya sa farm, ay hindi naman nagpapabaya sa pag aaral ang mga ito kahit hindi mo turuan ay kusang natututo kahit sa murang edad pa lamang.
"Mga anak mo rin naman magagaling din."
"Syempre po kailangan. Yan lang maipamamana ko sa kanila na maipagmamalaki nila someday dahil wla naman akong yaman, hindi kasi dumating ang prince charming kong hinihintay, anak ang dumating sakin sa panahong hindi ko inaasahan na hindi ko naman pinagsisisihan." Ibang klase din pala ang kwento ng love life ng graphic designer kong to pang KMJS.
"Kaya nga po blessing talaga ng nabigyan po ako dito ng opportunity na makatrabaho niyo. Sobrang lugmok po ako ng mga panahong inalok ako ni Roxie ng trabahong ito na kung iisipin ay too good to be true ang offer sa akin na inakala ko pang scam dati pero sumugal parin ako dahil kailangan ko talaga ng pera non. Pero heto ako ngayon handang magpascam pa sa inyo ma'am basta maganda ang balik."
"Sus wala yon masyado mo ngang ginagalingan sa pagtatrabaho eh.
Buti hindi ka nahihirapan sa mga anak mo."
"Naku maam sobrang thankful ko po kasi naiintindihan nila ang sitwasyon namin." may pagmamalaking niyang sabi.
"Hindi ba nila hinahanap ang ama nila." parang napasobra yata ako sa pagtatanong dahil natahimik siya. "Naku sorry naging madaldal na yata ako ng sobra, okay lang kahit hindi mo sagutin."
"No worries po ma'am, sa ngayon hindi pa naman po sila nangungulit ng tungkol sa ama nila. Pero sa totoo lang kahit naman ipilit nilang malaman kong sino ang ama nila, kahit tutukan pa po nila ako ng watergun. Wala rin akong maituturo. Eh ni ako nga po hindi ko rin kilala." Bahayang akong nangiti at pigil na matawa sa sinabi niya lalo na sa salitang watergun. Ang tapang nito, ang daming pagsubok sa buhay niya na dumating pero nakakayanan niya. Nakukuha paring magpatawa sa kabila ng malungkot niyang kwento.
"Ano? Paanong hindi mo kilala.?" Nahulog ako sa malalim na pag - iisip sa sinabi niya, ano kayang ibig sabihin niya sa hindi niya kilala ang ama ng mga anak niya? Na raped kaya siya?
" Basta mahabang salaysayin po. At hindi po ako komportableng ikwento sa iba. Pasensya na po."
Basta andito lang akong kong ready ka ng magkwento. Ibulong mo lang agad sakin. All ears ako sayo, nakakaintriga eh.
Charot.
"Marites lang ang peg ma'am Ysa? " nag peace sign pa ito sakin.
"Hoy, makamarites naman to, hindi ba pwede na curious lang?" depensa ko.
"Doblehin ko nalang kaya ang sweldo mo this coming month, kapalit ng pagkukwento mo?" panghihimok ko pa sa kanya.
"Hindi ka nga po talaga nakikimarites ma'am, umaandar lang po ang pagkanegosyante niyo, pwede po bang triplehin niyo na?"
"Ay sige sige game ako dyan, gusto mo idaan natin sa maboteng usapan mamayang gabi sa villa, isama mo na mga anak mo doon na kayo matulog."
"Si ma'am, seryuso po ba kau?"
"Oo nga. Bakit ikaw ba?"
"Joke lang po ang sakin ma'am. Pasensya na po hindi pa po talaga ako handang magkwento." siguro nga masyadong seryuso ang dahilan nito kaya hindi maipagpalit kahit sa pera.
"Sige na nga, kung hindi talaga kita mapipilit. Pero wag kang mag - alala same tayong shunga - shunga pagdating sa usaping pang puso. Kung ikaw hindi kilala ang ama ng mga anak mo. Ako naman hindi alam ng ama ng mga anak ko na nag exist sila dito sa mundong ibabaw dahil hindi niya rin naman alam na may nangyari samin."
"Hala seryuso po? Pano nangyari yon? Eh nature na yata ng lalaki ang s*x tapos sila pa ang hindi makakaalala?"
"Wag mo nang alamin Day ayaw mo rin namang magkwento kaya its a tie."
"Ay si ma'am gumaganti."
"Akala mo ikaw lang ang marunong mambitin ha, marunong din ako." sabay kaming nagtawanan.
"Oh baka naman nirape niyo ma'am habang nakapiring ang mga mata?"
"Oy, anong palagay mo sakin? Rapist? Wala s vocabulary ko yon noh."
"Okay sabi niyo eh."
"Talaga, itong hitsura kong to, mangre - rape? Never." sabi ko pa ng nakataas ang kilay "Ganito nalang barter system nalang tayo, kwento ko sa kwento mo plus tripleng sahod this month. Ano game?"
"Hala si ma'am ni re reverse psychology ako."
l
l
l
l
l
Pag - open ko ng aking G***l account bumungad agad sa akin ang tambak na messages ni kuya Migs at Mommy na nagpabilis ng t***k ng puso ko.
Hindi ko ito nabisita kahapon ngayong umaga nalang dahil sa mgahapon naming bonding ng mga bata. Mabuti nga at hindi na nila inungot ang pagtatanong sa ama nila.
Nakalimutan na marahil sa paglalaro at pag - iikot sa farm resort namin na tanaw lang naman mula sa bintana ng aming Villa pero parang miss na miss nila.
Umiskapo na nga lang ako papunta dito sa office na malapit lang naman sa villa kung saan kami nakatira habang tulog pa sila para ma pirmahan ang mga kailangan kong pirmahang documents dito sa office dahil katapusan na ng buwan.
Ayaw ko kasing dinadala sa bahay ang mga office works. I hate office works pero may pagkakataon talagang need ako sa office.
Hindi naman naputol ang komunikasyon ko sa aking mga magulang at kay kuya Migs. Regular paring kaming nagkukumustahan through sss nga lang.
Simula kasi ng malaman kong nagdadalantao ako deni activate ko na ang mga personal social media accounts ko para walang dahilan na maka - video call ko sila. Gumawa nalang ng bagong accounts para sa mga business transactions namin.
Nangangatog na dinampot ko agad ang cellphone kong nasa table katabi ng gianagamit kong laptop.
"Madam Ysa ang magandang dyosa ng sang kagulayan ay narito na po sa inyong harapan, ano pong maipaglilingkod ng isang dyosa sa inyo kamahalan? Ayyy ano bang problema sa akin madam at iniiyakan mo na ako, hindi pa naman ako matsutsugi."
"Im sorry, Roxie I dont need your jokes now. All I need is to come back in our home now as soon as possible." umiiyak na talaga ako hindi ko na mapigilan. Basta ang nasa isip ko makauwi na agad sa bahay.
"Come back? Our home? What do you mean, madam? eh, pwede naman po kayong umuwi anytime. Ang lapit lapit lang naman ng dream house mo. Let's go. I'll accompany you. Halatang hindi po kayo, okay?
"No, hindi hindi mo naiintindihan." nag - he - histirical kong sabi.
Naku madam pwede po bang ipaiintindi niyo sa akin at hindi ko din po talaga maintindihan sa totoo lang po, hindi ko na nga malaman ang nararamdaman ko kung na - je - jingle ba ko o na - e - ebak sa kaligaligan nyo madam eh.
May nangyari po ba sa mga anak niyo. Kaya gusto niyong umuwi. Gora na po, madam."
"Wala naman sa mga anak ko." tanging nasambit ko nalang halos wala ng lumabas na boses sa mga bibig ko dahil sa kinakapos na ako ng aking hininga. Nakita ko pang natataranta si Roxie habang unti - unting pinapanawan ako ng ulirat.
"Ay ay, ayyyyy, madam, what happen po ba? Jus ko, ano bang gagawin ng beauty ko dito?"