Mabilis akong bumalik ng Casa Louisiana ng tawagan ako ng pinsan kong si Roxie. Nasa byahe na kasi dapat ako pabalik ng Manila, hindi na kasi ako nakauwi kagabi dahil sa pakikipaglaro sa mga inaanak ko sa simple party na inihanda namin ni Meisha para sa kanila dahil sa pagiging academic acheiver ng mga ito. They are now in kindergarten and incoming grade one sa susunod na pasukan at sa murang edad nila nakakaproud ang kabibohang kanilang ipinakikita manang mana sa mga magulang. Naabutan ko si Roxie na hindi mapakali sa pagkakaupo nito sa sahig habang may kung anong pinaaamoy sa kaibigan kong nakahiga sa couch at pinapaypayan ito samantalang ang lakas lakas naman ng aircon dito sa office. I checked on Meisha immediately when I arrived at her office. Okay, naman ng mga vital signs niya ma

