HERA'S “WHAT the f**k?” nagtatakang usal niya habang nakatingin sa taong bugbug sarado at duguan sa likuran niya. Galit na galit itong nagtungo sa lalaking halos hindi ko na yata makilala. Namamaga ang mukha at puro bahid ng dugo ang katawan. Napalingon ako sa dalawang lalaking katabi ni Victoria, nakatingin sila sa akin, malawak ang ngisi at para bang sila na 'yung Harold at Blaze na kilalang kilala ko. “What the hell is this!?” pagwawala ni Victoria. Nguni't bago pa man siya humarap sa akin ay mabilis ng kinuha ni Blaze ang kamay niya at pinosasan ito. Halos manlaki at mangalaiti ang mga mata ni Victoria. Wala akong alam sa nangyayari. In fact, parehas kaming nagulat ni Victoria. “Vy, vy, vy, wrong move.” bigla akong napalingon sa direksyon ng pintuan kung saan lumabas si Bituin.

