HERA'S NAKABUKA ang aking bibig habang nakatingin sa kan'ya. Ngayong naalala ko na ang lahat ng pinag-gagawa ko ng gabing 'yon ay para akong biglang nahiya sa aking buong pagkatao. Nang dahil sa akin nagkanda leche leche ang aking buhay. Ako ang may kasalanan kung bakit ganito ang buhay ko. Ako ang nag intimate na gawin ang bagay na 'yon, at kung tutuusin ay rape ang aking ginawa. Napayuko ako, tila hindi na kinaya ng aking sarili ang mga nalaman ko. Ang mga nalaman ko tungkol sa'king sarili. Hiyang hiya ako, nahihiya. Hindi ko alam! Nahihiya ako sa sarili ko! Huminga ako ng malalim. Kaya ko namang tanggapin kung ipakukulong niya ako, handa naman akong pagbayaran ang kasalanan ko sa kan'ya, nguni't hindi niya na dapat sinira ng mas doble ng buhay ko. Ang pangarap ko, ang trabahong pinag

