HERA'S NANATILING nakatutok ang buong atensyon ko sa aking harapan. Laglag ang aking panga kanina nguni't sinigurado ko na hindi niya 'yon makikita. Mabilis ang t***k ng aking puso nguni't hindi niya 'yon mahahalata. Hindi pumasok sa aking isipan na isa siya sa posibleng taong pwedeng magpahirap sa aking buhay. Kaya pala familiar ang boses at pangalan niya sa akin, miski ang bansag sa kaniyang 'ruthless tiger' ay sobrang familiar para sa akin. Ayun naman pala kilala ko na ang taong nasa likod ng paghihirap ko simula pa lang. Umupo ako sa kaniyang harapan. Hindi ko tinatanggal ang tingin ko sa kan'ya. Inangat ko pa ang sunglasses na suot suot ko upang makita ng maayos ang kaniyang pagmumukha. Poker face ang kaniyang expression at ganon din ako. Alam kong masama siyang tao, marami akong n

