1 YEAR LATER.. “Hershey, ano bang ginagawa mo d'yan? 'Wag kang magmukmok at dalhin mo itong pagkain sa labas. Pinaghihintay mo ang bisita.” sita ko sa kan'ya habang ibinibigay ang isang tray ng pagkain. Abala ang mga tao sa loob ng bahay dahil kaarawan ngayon ni Hershey. Nagtatampo siya dahil hindi makakapunta si Cassandra sa kaarawan niya. Knowing, Hershey. Popular siya sa kanilang university kaya may mga inimbita siyang mga tao. Maraming tao ngayon sa labas ng bahay, sa garden. “Herminia?” tawag ko sa kan'ya ng makitang nakasandal siya sa pinto ng kusina. “Ate.” pabalik naman niyang tawag sa akin. Saglit ko lang itinuon ang pansin sa kan'ya at tinulungan si Manang na kumukuha ng inumin. “There are two people waiting for you in the living room. I think you should see them because the

