Nakangiti akong nakatingin sa dalawang taong aking katabi, kanina pa ako nakangiti sa pagtataka. Anong ginagawa ko rito? Bakit ako nandidito? Bakit sila nandidito? Gusto ko mang tanungin ay hindi ko magawa. Nawalan yata ako ng dila o kaya nawalan ako ng karapatang magsalita. Huminga na lang ako ng malalim at muling tumingin sa kanilang dalawa bago ipinikit ang aking mga mata. Ni walang pumasok sa akin na gagawin nila ang bagay na ito. Anong pumasok sa kanilang kukote para iwan ang kanilang trabaho para lang sundan ako? Minamadali ba nila akong payagan ko silang manligaw? Sobrang gulo ng utak ko sa dalawang ito. Parang gusto ko na lang mag-dive sa himpapawid matakasan lang sila. Bukod kasi na nagulat ako na nakita ko sila, halos nagpapatayan sila noong pumasok ako sa eroplano. Para bang na

