HERA'S
PAGKAGISING ko kinaumagahan agad akong nagtungo sa banyo upang maligo. Isang oras akong nagtagal sa loob at lumabas na rin pagkatapos. They were enjoying breakfast when I happened to walk in on them. It's already 7:00 a.m., and I'm surprised I awoke this early after sleeping late last night. Agad nila akong binati at ibinalik ko rin ito sa kanila.
Hindi ko maiwasang mapabuntong hininga habang nagtitimpla ng aking gatas. Late na akong natulog kagabi dahil sa kakaisip ng solusyon na dapat kong gawin bukod sa advice na binigay sa'kin ni Raquel. Balak ko sanang mag stay kami dito in one week but mukhang hindi na matutuloy dahil sa natuklasan ko. Kasama ko ang family ko, mahirap naman kung may gawin siyang masama then kasama ko sila.
“Guys.” all of them were looking at me. Tinigil ang pag-uusap at tinigil ang pag inom ng mainit init na kape.
“I remember that I have important responsibilities this week, so we'll leave tomorrow morning. I also informed the resort that we would be leaving this morning. But if you insist, you can stay here.” uminom ako ng tsaa na aking tinimpla at tiningnan ang magiging reaksyon nila.
“If you say so. Wala rin naman kaming dahilan na magpaiwan pa rito lalo na't wala ka. We'll return home if you leave. I was somewhat satisfied with the three days we stayed here. Alam kong ganu'n din ang naramdaman nila.” nakangiting sagot sa'kin ni Mom. Hindi ko maiwasang mamangha dahil sa sagot niya sa'kin.
“Really?” tumingin ako sa tatlong katulong na nakangiti sa'kin. Tumango sila senyales na sang-ayon sila sa sinabi ni Mom.
Nakahinga ako nang maluwag nang marinig na sang-ayon sila sa'kin. Medyo kinabahan kasi ako kanina. Baka magtanong kasi sa'kin si Mom kung ano ang importanteng bagay ang dapat kong gawin. Wala naman akong gagawin, gusto ko lang silang ilayo rito. Maganda na ring ilayo ko sila kaysa hintayin ko pang gumalaw si Victoria bago ko kumilos.
I'm aware that I'm being overly suspicious. Others could think me silly if they discovered I was moving while Victoria did nothing. Pero iba ang dating niya sa'kin lalo na't na-meet ko na siya. Ibang iba ang aura niya kapag nakaharap mo na siya. Pakiramdam ko humarap ako sa anak ni Satanas dahil sa kan'ya.
Muli akong huminga ng malalim at pumunta sa labas upang magpahangin. Umaga at sobrang ganda ng sikat ng araw, kitang kita mo rin ang linaw ng tubig dahil sa araw.
Maganda ang panahon, nguni't hindi maganda ang araw ko.
Humiga ako upang magpaaraw. Pumikit ako at ninamnam ang init ng araw na tumatama sa aking katawan. Hindi naman ako takot sa araw. In fact I love sun! Some models keep their skin tones steady, but I don't. My skin tone remains the same. It hasn't changed its color. I'm not morena nor white. Para siyang pinagsamang brown and white.
“Uuwi na raw tayo bukas, ate?” napadilat ako ng mata ng marinig ko ang boses ni Hershey.
“Yes. But if you don't want to go home yet, just let me know.” I said.
“Ayoko nga! Ako lang ang matitira.” nakabusangot niyang tugon sa'kin. Tinawanan ko siya dahil sa reaksyon na pinakita niya sa'kin.
Nagpaalam siya sa'kin at may gagawin pa raw siya. Kaya ako na lang muli ang natira rito sa labas.
I decided to go for a walk after spending a few minutes outdoors enjoying the sun. Wala pang gaanong tao ang nakakasalubong ko rito. Mukhang nagpapaaraw din sila katulad ng aking ginawa kanina. Mabuti na lang at naisipan kong magdala ng camera for remembrance. Nanghihingi rin kasi sa'kin ng litrato si Raquel.
Picture of mine.
Sinimulan ko ng kumuha ng litrato nguni't hindi ang sarili ko. Ang ganda kasi ng paligid. Nakakaakit tingnan. Parang nawala bigla ang problemang dinadala ko dahil dito. It's really relaxing to live here because you can always enjoy such a lovely vista. Maybe rito ko balaking tumira kapag naisipan kong tumahimik at humiwalay sa aking family.
To be honest. I have no intention of getting married. I still have a lot of things to accomplish. My younger sisters have not completed their studies, and I still have things I want to achieve that nothing will be able to stop me from accomplishing. Alam kong masayang magkaroon ng pamilya. A happy big one family. Pero yung responsibilidad na dapat mong gawin ay hindi madali. Sobrang hirap magkaroon ng pamilya lalo na't hindi mo pa ito kayang panindigan.
That's my reason.
Malaking responsibilidad ang pagpapakasal. Malaking responsibilidad ang magkaroon ng anak. Kaya hangga't kaya ko pang tuparin ang mga bagay na gusto kong makamit. Gagawin ko ito sa dugo at aking pawis.
“Hi,” natigil ako sa pagkuha ng mga litrato at tumingin sa gilid ko. Doon ko nakita si Jaida kasama si Oh my f*****g hell. Is that Victoria?
Kumalma ka Hera! Kailangan mong kumalma.
“Oh? Do you enjoy taking pictures? Can you take a picture of me?” natigil ako sa pag-iisip ng marinig ang boses ni Jaida. How can I say no to her. Umagang umaga nguni't ang ganda ganda niya. At ang aga aga pero si Victoria kaagad ang aking makikita.
Hera, go with the flow.
Pumwesto ako at ganu'n din si Jaida. Para siyang anghel sa harapan ko. Nang matapos ko siyang kuhanan ay agad ko itong pinakita sa kan'ya. Todo puri naman siya sa aking kuha na walang halong kaplastikan. I really want to be friends with her. Hindi naman siguro by barkada ang pakikipag-kaibigan. What I mean is. Hindi ko sila kailangang kaibiganin lahat. Gusto kong pakisamahan yung taong gusto rin akong pakisamahan.
“Bruha ka! Nilalandi mo nanaman ang sissy ko?” pares kaming napatingin ni Jaida sa bagong dating. Its Neveah. Agad niya akong dinamba ng yakap mukhang silang tatlo lang ang nandito.
“Hoy Jaida!” sita ni'to sa aking katabi.
“Dont mind her.” natawa naman ako dahil sa binulong ni'to sa'kin.
“Aba! Bruha kumuha ka ng sa'yo ha? She's mine na kaya! Diba sissy?!” hindi ba uso kay Neveah ang huminahon kahit saglit lang? Like hu'wag niyang lakasan ang boses niya dahil sobrang lapit lang ng kausap niya. Pakiramdam ko sirang sira na ang eardrums ko dahil sa kan'ya.
“Don't mind her, dear.” nakangiting batid sa'kin ni Jaida. Natawa naman ako dahil sa expression ng pagmumukha ni Neveah.
Ipinagpatuloy ko ang pagkuha ng litrato sa kanila. Kasama na si Neveah doon dahil nag request siya sa'kin. Gusto niya raw na maalala ko ang pagmumukha niya kung sakaling madisgrasya ako at magkaroon ng amnesia. Todo sermon naman sa kan'ya si Jaida dahil kung ano ano daw ang pinagsasabi ni'to sa'kin.
“Oh?” parehas silang tumingin sa nagsalita habang patuloy naman ako sa pagkuha ng litrato sa kanila.
Calm, Hera. Act like you don't know her. Gawin mo rin ang ginagawa niya sa'yo.
“What are you doing?”
“Taking pictures. Gusto mo bang sumama?” bakit kailangan mo pa siyang ayain Neveah. Obvious naman na hindi ang sasabihin niya.
“Okay.” bigla akong napalingon sa direksyon niya dahil sa narinig. Doon nahuli ko siyang nakatingin sa'kin. Malinaw na malinaw ang kaniyang mukha at gusto kong mahimatay dahil dito.
Walang duda! Siya nga!
Yung freckles niya ang natatandaan ko sa lahat. Oh god. Para akong naiihi sa kaba. Gusto ko ng umalis dito.
“Bongga naman! Oh sissy kuhanan mo na kami. Laki ng improvement eh!” natutuwang hasik sa'kin ni Neveah. Wala akong nagawa kung hindi itapat sa kanila ang aking camera. Hindi ko rin tinitigan ang pagmumukha ni Victoria habang kinukuhanan ko sila ng litrato.
Matapos ko silang kuhanan ay agad silang pumunta sa akin para tingnan ang aking kuha. Nakahinga naman ako ng maluwag ng mapansin kong nanatili lang sa kaniyang pwesto si Victoria. I'm relieved that she seemed unwilling to approach me.
“Vy look!” mabilis kong nilingon si Jaida ng tawagin niya si Victoria. Mahihimatay ako sa baklang 'to.
Pasimple kong nilingon si Victoria at halos manginig ang buo kong katawan ng makita siyang naglalakad papalapit sa pwesto namin. What happened? Bakit hindi niya tinanggihan si Jaida? I'd rather she turned down Jaida than join us here. I'm not comfortable!
“Don't worry. She doesn't bite.” nakangiting batid sa'kin ni Jaida ng mapansin niyang nagulat ako sa paglapit ni Victoria.
“Kinausap niya kasi si Vy. Jaida approached her and told her that having you as a friend was fine. I think when you discover why she acting like that I bet you will understand her.” bulong sa'kin ni Neveah. Hindi ko naman maiwasang mapaisip dahil sa sinabi niya.
May nangyari ba sa kan'ya kaya siya nagkakaganyan?
Wala akong magawa kung hindi ipakita sa kan'ya ang litrato. Mabuti na lang at hindi halatang nanginginig ang dalawa kong kamay. Hindi ko maiwasang mapagmasdan ang kaniyang pagmumukha habang tumitingin siya sa litratong kuha ko. Oh f*****g hell. She's more goddess than Jaida!
Hindi ko gaanong natingnan ang mukha niya pagkagising ko noon. Ngayon ko lang siyang natitigan ng mabuti. At masasabi ko na ang ganda ganda niya. Siguro nga ang salitang maganda ay hindi pa sapat para ilarawan siya.
My jaw dropped wide when she suddenly moved her look to me. That caused our eyes to meet. Hindi kaagad ako nakaiwas dahil para akong hinihipnotismo ng kaniyang mga mata. Maya maya bigla niya akong nginitian at parang nag-away ang anghel at demonyo sa aking isipan.
What the hell.
“You took a wonderful shot of us.” kung natulala ako dahil sa biglaan niyang pag-ngiti sa'kin mas lalo akong natulala dahil kinausap niya ako.
Malapit na bang gumuho ang mundo?
Ano bang meron? Bakit bigla yata siyang naging mabait sa'kin?
May binabalak ba siya?
“Sissy! Sabi niya ang ganda raw ng kuha mo!” nagising ako bigla ng marinig ang boses ni Neveah. Gulong gulo ang isip ko pero tumingin ako kay Victoria.
“Ha? T-thank you.”
“She's beautiful right, Vy?” nilingon ko si Jaida. Ngiti naman ang sinagot ni Victoria sa kan'ya.
Muli niya akong nilingon at para akong natutunaw sa klase ng tingin na pinapakita niya sa'kin. Raquel was absolutely right. Victoria is a ruthless tiger who has no mercy. Naaamoy ko yon sa kan'ya. Amoy na amoy.
Maya maya naisipan na rin nilang umalis. May gagawin pa raw sila. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil maipagpapatuloy ko na ang pagkuha ko ng litrato at wala na rin sa paningin ko si Victoria. Sobrang hindi ako komportable kapag nasa paligid ko si Victoria. Pakiramdam ko mahihimatay ako kapag nakikita siya.
I was also taken aback by her sudden kindness toward me earlier. I have the feeling that she simply treated me nicely because of her friends. It's big deal to me. Kung ayaw niya sa'kin then stay with that, hindi yung makikipag-usap pa siya kahit na ayaw niya akong kausapin. Siguro maraming tumatakbo sa isip ko dahil pakiramdam ko may gagawin siyang hindi tama sa pagtrato niya sa'kin kanina.
I watch a lot of dramas, and once someone treats you nicely, they will do something awful to humiliate you. Ayun ang nararamdaman ko ng bigla siyang naging mabait sa'kin. Sana hu'wag muna niya akong tapakan. Sana.
Pagkatapos kong gawin ang mga bagay na gusto kong gawin sa labas ay bumalik na ako sa resort. Nakita ko sila Mom na nag-aayos na ng kanilang mga gamit.
Nagtungo ako sa living room kung nasaan sila. May nakita kasi akong tourist spot dito. Sobrang dinarayo siya ng mga turista and I want them to have fun. This is the last day after all.
“Let's go to vegan cafe later. Marami pa tayong pupuntahan bukod don. I know gusto niyo rin makatagpo ng guwapong foreigner.” natawa si ate Cora dahil sa sinabi ko habang ang dalawang maid naman ay kinikilig dahil dito.
Nagulat ako ng bigla akong dambahan ni Hershey ng yakap at nakatunog kaagad ako sa gusto niyang sabihin sa'kin.
“In this nearby area, I spotted a nightclub. So maybe... Uhm... Herminia and I might go there?” see? Matagal niya na akong inaayang pumunta ng mga nightclub. But, because she is still a teenager and not of legal age. I constantly decline her requests.
“No. You're still a minor, Hershey.” bumusangot siya sa'kin.
“Si Herminia lang ang puwede kong payagan but you? No. It's a big no. For a teenager like you, clubs are too risky. I can take you to clubs that are suitable for girls and to clubs that are secure.” batid ko. Ayoko siyang magaya sa'kin. Nakakatrauma ang karanasan ko sa nightclub na iyon.
Bukas pagkauwing pagkauwi ko pupuntahan ko ang police na pinaasikaso ko sa kaso. May lead na raw kasi sila kung nasaan ang mga lalaking bumastos sa'kin. Nagtatago raw ito ng malamang hinahanap sila ng mga polisya.
“So kung may teenager na club papayag ka?” tumango ako sa kan'ya.
Nagpaalam sa'kin saglit si Hershey. Tatawagan niya raw si Dad hindi niya raw kasi ito ma-contact kagabi. Gusto niya sanang kamustahin nguni't para bang busy si Dad sa trababo. Naisip niya na baka gising na si Dad kaya susubukan niya uling tawagan.
Lumabas naman ako at nahiga sa beach lounge chair upang magpaaraw.
Hershey is Papa's girl. I remembered when Hershey was super young, she was usually by our Dad's side. Si Dad ang lagi niyang kalaro dahil tahimik na bata si Herminia. Lagi silang magkasama kapag darating na ang araw ng sabado at linggo. Pahinga na kasi nila Mom and Dad sa kanilang trabaho.
Minsan umiiyak si Hershey kapag hindi niya nakikita si Dad at ako lang ang tanging nakakakita ng mugto niyang mga mata. Medyo hirap akong alagan siya dahil araw araw wala sila Mom and Dad sa bahay. Wala naman akong problema kay Herminia dahil sobrang tahimik niyang bata. Kung san mo siya iiwan, doon lang siya. Hindi katulad ni Hershey na para bang tinubuan ng bulate sa tiyan dahil sa kakulitan.
But it's amusing to watch them grow up and get to see how horrible the world is. Kailangan nilang malaman kung gaano kapangit, katakot, at ka-delikado ang mundong kanilang inaapakan. Hindi sila puwedeng maging inosente na lang habang buhay. Kapag tumungtong sila sa legal age marami na silang problema na kahaharapin. At sana bago pa man mangyari yon ay kaya na ni Hershey ang sarili niya.
Makalipas ang ilang minuto bumalik si Hershey at sinabing hindi pa rin sinasagot ni Dad ang tawag niya. Doon napagpasyahan kong kunin ang phone ko at tawagan si Dad. I couldn't hear anything when I called Dad's phone number. My call remains unanswered. It looks like Dad is busy with his work. Tumingin ako kay Hershey at umiling sa kan'ya.
“Anong oras ang pasok ni Dad sa work, ate?” takang tanong ni'to sa'kin.
“8.” tugon ko.
“Weird. Wala pa namang alas otso.” batid ni'to sa'kin at nag-paalam uli.
Muli akong binalot ng katahimikan. Tanging alon lang ng dagat ang aking naririnig. Muli kong tinawagan ang number ni Dad but still ganu'n pa rin ang kinakalabasan. Nanghihinayang ko itong binaba at tumingin sa nakakasinag na kalangitan. Halos mapapikit ako dahil dito.
Siguro busy si Dad kaya hindi niya nasasagot ang mga tawag namin. Huminga ako ng malalim at muling ipinikit ang dalawa kong mga mata.
Muli kong kinuha ang phone ko at tinawagan si Raquel. Nakalimutan kong sabihin kay Raquel ang nangyari sa'kin. Gusto ko uling marinig ang iilang payo niya sa'kin.
“Hera girl! Ang aga!” reklamo niya ng sagutin niya ang tawag ko. Hindi ko maiwasang matawa dahil dito.
“Pasenya na. May gusto lang akong i-kwento sa'yo, related kay Victoria.” nagulat ako ng bigla siyang tumili na para bang wala ng bukas.
“Dapat sinabi mo agad sa'kin! So what happened?” rinig sa kaniyang tono na excited siya sa kung anong ikwe-kwento ko.
“Lumabas kasi ako. Naglakad lakad para kumuha ng mga litrato rito. Then suddenly I met Jaida. You're familiar with her, right? You've seen her face before. Then nag-usap kami, kuhanan ko raw siya ng litrato then Neveah came too and kasama nila si Victoria.” batid ko.
“Expected ko naman na hindi lalapit si Victoria syempre hate niya ako halata naman. But I was shocked when she approached us after Jaida had invited her. Sobra akong nagulat. Like anong nangyari?” hasik ko.
Halos mabasag ang eardrums ko sa malakas na tili ni Raquel matapos kong ikuwento sa kan'ya ang nangyari. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa reaksyon niya o hindi. Parang hindi siya aware sa biglaang pag-iba ng ugali ni Victoria sa'kin.
“Baka nagustuhan ka na niya!” hindi ko maiwasang mapailing dahil sa sagot niya.
“No. Ang bilis naman magbago ng isip niya.” batid ko.
“Okay. Let's get real about this.” nakahinga ako ng maluwag ng sabihin niya yon. Senyales na seseryosohin niya na ang usapan na ito.
“So nabanggit mo kanina na biglang nagbago ang pakikitungo niya sa'yo right? At malakas ang kutob mo may binabalak siya sa'yo since hindi naman ganu'n kadali magustuhan ang isang tao.” tumango ako kahit na hindi niya ako nakikita.
“Right! Miski ako nagtataka dahil sa kinilos niya dahil sa'yo. Hmm and you also feel that she was friendly with you because her best friends were around? Hmm puwede. But she's not that kind of person... ” nagtatakang batid sa'kin ni Raquel.
“The other one is impossible since she's Victoria. So let's say na she's planning something against you.” napalunok ako.
Kung sa bagay ay may point siya. Sa tindig pa lang ni Victoria halatang hindi siya puwedeng utusan o puwedeng sumunod sa utos ng iba.
Pumikit ako at huminga ng malalim. Hindi ko naman siya napahiya hindi ba? Hindi ko nga rin siya hinanap dahil hindi naman ako buntis. Kaya ano ang rason niya para gawan ako ng masama?
“If ever na tama ang kutob mo. Go with the flow. Panoorin mo ang mga kilos niya hu'wag mong hahayaan na makawagli ka ng saglit. Every movement she makes is important. Isipin mo lahat ng 'yun ay kotektado sa buhay mo..."
Ilang oras na ang nakalilipas matapos ang pag-uusap namin ni Raquel. Sobrang dami niyang naitulong sa'kin. Susundin ko rin ang mga iilang advice niya. Kung haharap daw kasi ako sa isang bakla na may karanasan about dito na walang plano ay mabilis akong matatalo. Mabilis akong mababagsak ni Victoria. Baka bumalik daw ako sa dati kong buhay kung wala akong plano about dito.
Isa lang talaga ang pinapanalangin ko.
Sana hindi totoo ang kutob ko. Sana wala siyang gawin sa'kin dahil wala naman akong ginawa sa kan'ya noon. Hindi ko siya ginulo. Hindi ko siya pinuntahan dahil wala naman na akong kailangan sa kan'ya.
Ayokong makaharap ang taong katulad niya.
Ilang buwan na ang nakalilipas. Nakakatawa dahil ngayon lang siya nagpakita ngayong wala na akong balak na makilala siya.
Tumayo ako at pumasok na sa loob. Agad akong nagtungo sa aking kwarto at pumasok sa banyo upang maligo. Pumikit ako at ninamnam ang sarap ng mainit na tubig na humahaplos saking balat. Bumuntong hininga ako ng muling maalala ang mukha ni Victoria. Hindi ko akalain na ang isang mala anghel na pagmumukha niya ay may tinatagong sikreto na hindi alam ng iba.
Pagkatapos maligo ay agad din akong nagbihis. Tumuloy sa harap ng salamin kung saan nakikita ko ang aking katawan. Umupo ako at kinuha ang blower sa drawer. Habang pinapatuyo ang buhok napatingin ako sa aking phone. Ilang beses itong tumunog, hindi ko agad nasagot ang unang tawag dahil may hawak akong blower.
Saglit kong ibinaba ang blower at kinuha ang aking phone. Its Dad. Muling tumunog ang phone ko at mabuti na lang at hawak hawak ko na siya. Mabilis kong sinagot ang tawag ni Dad.
*pant*
“Dad?” batid ko.
“H-hera, darling?” sa wakas ay nagsalita na rin si Dad. Ipinagpatuloy ko ang pagblo-blower ng buhok ko.
“How are you? Tinatawagan ka ni Hershey pero hindi ka raw niya ma-contact, miski ako kanina.” batid ko sa kan'ya. Wala akong narinig na sagot mula sa kan'ya kaya tiningnan ko ang phone ko. De javu? Funny.
“Dad? Are you still there? Busy ka ba? Let's talk na lang later I can wait naman.” sambit ko rito pero wala naman akong natanggap na response sa kan'ya. Inisip ko na lang na nagloloko ang signal ni Dad kaya ibinaba ko na ang tawag.
Nag-iwan muna ako ng mensahe sa kan'ya bago ko itinuloy ang pagpapatuyo ng aking buhok. Makalipas ang ilang minuto ay humiga ako sa malambot kong kama upang manood ng mga pelikula na gusto kong panoorin. I love documentaries. I watch them every night when I'm not working and also when I'm bored. Pero hilig ko rin ang psychological movies. Nakakabilib kasi sila. As in!
But now I'm going to watch Thriller movie. According to the film's description, it's about a boy who have disturbing personality.
Makalipas ang ilang oras ay natapos ko na rin ang nasabing pelikula. Damn. It's freaking pretty gruesome. Nakakatakot! Oh god! Pero sobrang ganda ng kwento ng pelikula. Nakaka-amaze itong pelikula and nag-iwan din sa akin ng aral. Sobrang malaking tulong talaga ang ibang mga thriller movies.
Tumayo ako upang kumuha ng maiinom. Nauhaw ako dahil sa mga suspense scenes na nadaanan ko habang nanonood.
“Nakausap mo na si Dad, ate?”
“Ahh!! Help me, God! Ay! Ikaw lang pala 'yan.” batid ko ng makitang si Hershey pala ang sumulpot sa gilid ko. Mahina ko siyang hinampas na kaniyang ipinagtaka.
“Right! Nakausap mo ba si Dad? Till now kasi hindi ko pa rin siya ma-contact.” sinundan ako ni'to patungo sa kusina. Kinuha ko ang tubig at baso bago siya sinagot.
“Yes, but hindi ganu'n katagal. I think mabagal ang signal niya?” tumango si Hershey at mabilis na nag-paalam sa'kin.
Hindi rin naman ako nag-tagal sa kusina dahil agad rin akong pumasok sa loob ng aking kwarto. Nagtungo ako sa aking mini table at nilabas ang notebook at ballpen na nakatabi lang sa aking drawer. Wala akong gagawin today bukod sa lumabas mamayang gabi upang mag-enjoy.
Sinimulan ko ang aking pag-susulat. Lahat ng pumapasok sa isip ko ay nilalagay ko rito. Sa totoo lang limang storya na ang natapos ko nguni't lahat ng 'yun ay walang nangyari. Kumaba naka stock lang siya sa loob ng room ko, naka display as a book. Never ko ring pinapabasa sa mga friends ko 'yun miski sa family ko. Nakakatawa nga't gumagawa ako ng story but they never got a chance to read it because I wouldn't let them. Perhaps I'm worried they'll discover that the story is linked to my emotions. Since all of my stories are inspired by my thoughts and feelings.
Bumuntong hininga ako at binasa ang dialogue na ginawa.
“Hurt? I'm in a lot of pain.”
“You god damn destroyed my life, and you have the audacity to ask whether I'm all right?”
“You f*****g ruined me.”
Napapikit ako matapos basahin ang iilang dialogue na aking ginawa. Huminga ako ng malalim ng maramdaman ang pagbagsak ng luha sa aking dalawang mata. Nagpapaunahan na para bang kasali sila sa isang patimpalak. Tumawa at tumingin sa aking notebook.
Never.
Hindi mangyayari sa'kin 'to.
Muli akong huminga ng malalim at tumingin sa magandang kalangitan na nakikita ko dahil sa bintana na nasa aking harapan.
DUMATING ang hatinggabi at nandito kami ngayon sa Vegan cafe kung saan gusto kong pumunta. Nakailang order na rin ng pagkain sila Mom at tila tuwang tuwa sila sa mga iilang foreigner na nakakasalubong namin. Nagpapicture pa nga ang dalawang katulong sa isang Koreano. Akala yata nila ay artista ito.
Hindi ko maiwasang mapangiti habang nakatingin sa kanila. Mas nakakatuwa kung nandito si Dad. Bumuntong hininga ako at umiling. Hindi ko puwedeng sirain ang magandang araw namin.
Matapos kumain ay mabilis kaming pumunta sa mga lugar kung saan dinarayo ng mga turista. Habang nag-lalakad sa maingay at masiyang daanan ay nag-paalam sa'kin sila Mom. Hihiwalay daw sila sa'min. Tango lang ang sinagot ko kaya kaming magkakapatid na lang ang natira.
Tuwang tuwa naman si Hershey habang todo picture.
Kinuha ko ang phone ko at nag-iwan ng mensahe kay Mom. Magkita kita na lamang kami sa resort. Mukhang alam naman ni Mom ang lugar na ito kahit na hindi pa siya nakakapunta.
Matapos ang ilang minutong paglilibot at pamimili ng mga souvenirs at inumin ay naupo kami sa libreng bench. Marami ring tao rito. At may kaharap pa kaming couple sa kabilang parte ng bench.
“Ate wala ka bang boyfriend?” nilingon ko si Hershey dahil sa tanong niya sa'kin. Narinig ko naman ang mahihinang hagikgik ni Herminia sa tabi ni Hershey.
“Ewan. Siguro sobrang ganda ko kaya nahihiya silang lumapit sa'kin.” tinawanan ako ni Hershey at tumingin sa paligid.
“Ate siya kaya?” mabilis kong sinundan ang tinuturo niya.
“Guwapo naman siya but he's not my type.” bumuntong hininga si Hershey at muling naghanap ng lalaking para sa'kin. God! She's cute!
“What about him?” muli kong sinundan ang tinuturo niya at gusto ko na lang maging invisible dahil sa Neveah ang tinutukoy niya.
Bakit nandidito sila? Marami namang puwedeng lugar na puntahan bakit dito pa sila pumunta? Maliit ba talaga ang mundo? Mabilis kong iniwas ang tingin ko ng mapansing napatingin si Jaida sa direksyon kung nasaan ako. Pero huli na yata ako dahil sunod kong narinig ang pagtawag sa'kin ni Neveah. Hindi ko naman makuhang tingnan dahil lahat ng tao ay nagtataka kung sino ang tinatawag ni Neveah.
“Ate someone's calling you.” batis ni Herminia at tumingin sa gawi nila Neveah.
“Kilala mo ba siya? He's gay? Omg sayang!” nanghihinayang na batid ni Hershey.
“Sissy!” gulat akong lumingon ng marinig ko ang boses ni Neveah sa harapan ko. Nakangiti siya sa'kin habang kasama si Jaida na mukhang masaya rin na nakita ako. Tumayo ako at nakipagbesohan sa kanila.
“Mga sisters mo ba 'yan?” turo ni Neveah sa dalawa kong kapatid na nakaupo at nanonood lang sa'min.
“Mana sa ate ha! Ang gaganda ng mga sisters mo sissy!” batid niya.
“You're so beautiful, Hera.” nilingon ko si Jaida at hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa sinabi niya. Mahina naman siyang hinampas ni Neveah.
“Ikaw din! O'siya mukhang hinahanap na kayo ng iba niyong kaibigan. See you later na lang ha! Bye!” muli nila akong niyakap dalawa at saka nagpa-alam.
Nang makaalis si Neveah at Jaida ay inaya ko na ang dalawa kong kapatid na tila natulala sa ganda at guwapo ng dalawa. Nag-umpisa na kaming maglakad. Alam kong maraming tatanungin sa'kin si Hershey, kitang kita ko ang kinang ng mga mata niya habang nakatingin sa dalawa na nakausap ko.
Huminto kami sa isang tindahan dahil gusto raw ni Hershey bumili ng bag. Mura lang siya pero sobrang ganda niya! Mukha ring matibay dahil gawa siya sa mga materyales na alam mong hindi masisira agad agad.
“Ate sino sila? Okay sabihin na nating model ka kaya mo sila nakilala pero for sure bago bago mo lang sila nakilala 'no? They are not familiar with me. At first we assumed na nagkamali lang sila ng taong nilapitan since you haven't introduced us to any of your new friends, and as I previously stated, we are both unfamiliar with their faces.” mahabang lintaya niya sa'kin.
“Yes mga friends ko sila.” sagot ko sa kan'ya. Ngumiti si Hershey at tumahimik na.
Pagkatapos naming pumunta sa iba't ibang tindahan at magpakasaya ay naisipan na rin naming umuwi. Nakita ko na rin kasi ang message sa'kin ni Mom na nakauwi na sila. Nagsend pa nga siya sa'kin ng picture niya kasama si Manang at ang tatlo.
Habang naglalakad pabalik sa resort nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Victoria sa harapan ko. Agad akong umiwas ng tingin at nagkunwaring hindi siya nakita. Medyo hindi naman abot ng liwanag ang pwesto niya at baka hindi niya rin naman ako namukaan.
“Hera.” natigil ako sa paglalakad ng tawagin niya ang pangalan ko. Napatingin sila Hershey at Herminia kung nasaan si Victoria.
“Hello! Is it okay if I speak with you?” natahimik ako at nanlamig ang dalawang kamay dahil sa narinig. Tumingin sa'kin ang dalawa kong kapatid. Tila nagtatanong ang kanilang mga mata.
“Sige na mauna na kayo. Susunod na lang ako.” nakangiting batid ko sa kanila. Tumango si Hershey pero nanatili namang tahimik si Herminia. Tumingin ako sa kan'ya saka nagsalita.
“Don't worry she's gay.” bulong ko dito. Mukhang nagulat siya dahil agad siyang napatingin kay Victoria.
“Okay. Be careful ate ha?” tumango ako at naglakad na sila papaalis sa tabi ko.
Huminga ako ng malalim ng hindi ko na matanaw ang dalawang kapatid ko. Humarap ako sa kan'ya. Hindi ko makuhang lumapit dahil kami lang dalawa ang nandidito. Walang kasama. Wala si Neveah o miski si Jaida.
“Don't worry, I don't bite.” mabilis na pumasok ang lamig sa mga katawan ko dahilan para tumaas ang mga balahibo ko sa katawan.
“I would like to talk to you about our first meeting. It appears that you were traumatized by what I said at that time.” she said.
“At that time, I was frustrated. I apologize if I offended you with my words. So I'm hoping you'll just forget about it. And about the time when they invited you, and I behaved in that manner. It was normal for me to act like that. You don't have to know the reason gusto ko lang malaman mo ang point ko.” tumango ako. Hindi makapagsalita dahil sa pagkabigla.
“So friends?”