CHAPTER 7

5000 Words
HERA'S HALOS hindi makapaniwala ang tainga ko sa narinig. Hindi ko rin siya makuhang tingnan dahil halos lumabas ang puso ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong reaksyon ang dapat kong ibigay sa kan'ya dapat ba akong malungkot? O dapat ba akong maging masaya dahil gusto niya akong kaibiganin? Hindi ko alam. Nakakabigla kasi. “Sa tingin ko nabigla ka lang.” batid ko rito. Ngumiti siya at umiling. Ibang iba siya sa unang Victoria na-meet ko. Ibang tao ang nasa harapan ko. Anong meron? Anong nangyari? Bakit gusto niya na akong maging kaibigan? Gulong gulo talaga ang isip ko sa nangyayari. Gusto kong magtanong pero ayaw ng utak ko. “No I'm not. If I'm not interested in becoming your friend, I won't even talk to you.” natahimik ako, napalunok, at natulala dahil sa kaniyang sinabi. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi. Pumikit ako at pinakalma ang nagwawalang puso ko sa kaba. Ngumiti ako sa kan'ya. “Okay.” batid ko rito. Ngumiti siya sa'kin ng pagkalaki laki. Kung titingnan mo parang totoo ang sinabi niya sa'kin pero alam kong hindi. “Cool. Can I get your number?” hindi na ako nagsalita at binigay na sa kan'ya ang number ko. May plano na rin ako kung sakaling may gawin siyang masama sa'kin. Medyo kinakabahan ako pero para naman ito sa sariling kapakanan ko. Maya maya ay nagpaalam na siya sa'kin. May gagawin pa raw siya at kinausap niya lang ako para humingi ng pasensya sa mga inakto niya sa'kin. Syempre hindi ako naniwala doon. Sobrang hirap niya kasing paniwalaan lalo na sa part na humingi siya ng despensa sa ginawa niya at sa gusto niya akong maging kaibigan. I actually want to trust her and forget about my accusations against her. But I realize that it's funny if I choose to believe in someone like her. Bumuntong hininga ako at naupo sa buhanginan. Madilim na ang kalangitan. Huni ng mga ibon at alon na lang ng dagat ang aking naririnig. Sobrang tahimik sa parteng ito at sobra itong nakakatulong sa'kin. Hinawakan ko ang aking dibdib na hanggang ngayon ay hindi pa rin kumakalma. Ano ang plano niya? Hindi ko maiwasang tanong sa sarili habang nakatingin sa kawalan. Hindi ko siya kilala. Ang hirap ding basahin ng isip niya. Miski mga mata niya hindi ko mabasa. Sobrang lalim niyang tao na para bang isa siyang dagat na kapag nilangoy mo ng sobra ay malulunod ka. Napatampal ako sa aking noo hindi dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Kundi dahil ang hirap niyang basahin para siyang aklat na sobrang lalim ng mga salita. Tumayo ako ng mapansing gabing gabi na. Kinuha ko ang aking phone at doon nakita ko ang maraming message ni Hershey at Herminia. Napatawa ako at sinimulan ng maglakad pabalik sa resort. Nang makapasok sa loob ay agad akong dinamba ni Hershey ng yakap mukhang masaya siya ayon sa ningning ng kaniyang mga mata. “Ate! Si Victoria ba 'yon?” kinikilig niyang tanong sa'kin. Kumunot ang noo ko dahil sa tanong niya pero agad ding nakabawi ng mapagtanto ang kaniyang tanong. Hinaplos ko ang kaniyang buhok saka dahan dahang tumango. Nagtatalon siya ng makita ang sagot ko at lumapit kay Herminia na nasa couch katabi si Mom. I walked up to them and greeted Mom. I'd want to hear about her vacation experiences in this place. Umupo ako sa tabi niya at hindi pinansin ang ingay na ginagawa ni Hershey. “Aren't you smiling?” tinanggal niya ang kaniyang tingin sa phone at tumingin sa'kin. Nginitian niya ako at pinakita sa'kin ang picture nila ni Manang. Napangiti ako ng makitang may nakaguhit na ngiti sa kanilang mga mukha. Kahit papaano pala ay maiibsan ang kalungkutang nararamdaman ko. Akala ko forever na lang akong malungkot dahil sa problemang dinadala ko. “Herminia! Sabi ko sa'yo eh! Si Victoria yung nakita natin kanina!” napatingin ako kila Hershey. Rinig na rinig kasi ng kaluluwa ko ang mga pinagsasabi niya. Tumingin sa'kin si Herminia mukhang gusto niyang makasiguro kung totoo na ang sinasabi ni Hershey. Mukha ring hindi niya nakita ang pagsagot ko kay Hershey. I gave her a gentle nod and smiled. Her eyes slowly widened as she saw my response. Tumingin ako kay Heshey pagkatapos. “Right! Sabi sa'yo eh! Ayaw mo pang maniwala sa'kin!” hinampas niya ng malakas si Herminia na tila hindi pa rin makapaniwala. Maya maya bigla itong lumapit sa'kin at niyakap ng mahigpit ang aking braso. “Really?” tinanguhan ko uli siya bilang tugon. Hindi ko akalain na tagahanga pala siya ni Victoria. Herminia is a low-key person because she is the type of person who will not express her desires to others. But once you've asked her, she'll tell you without hesitation. But I didn't have to since the shine in her eyes told me everything I needed to know. Hinaplos ko ang malambot niyang buhok. “Hindi mo naman sinabi sa'kin na fan ka pala niya. How about me? Nasa harapan mo na ako.” lumayo siya sa'kin at mahinang hinampas ang kaliwang braso ko. Hinaplos ko ito at kunwaring nasaktan. “Ate hindi bagay sa'yo.” batid ni Hershey habang nakakunot ang kaniyang noo. Tinawanan ko siya dahil hindi ko rin naman alam kung anong ire-react ko sa kan'ya. Maya maya ay nakita ko sila Manang at ang tatlong katulong na lumabas sa kanilang kwarto. Sama sama kasi sila sa iisang kwarto tutal dalawang double deck ang nasa loob ng kwarto. Sapat na raw ito sa kanila dahil mas gusto raw nilang sama sama. Binati ko si Manang ng makita ko siyang papalapit kay Mom. Kumunot naman bigla ang aking noo nang makalapit siya kay Mom at may binulong na hindi narinig ng dalawa kong tainga. Hindi ko sana ito papansinin ng makita kong tumayo si Mom sa kaniyang kinauupuan at naglakad ng mabilis papunta sa kaniyang kwarto. I turned to Manang, but she turned away when she noticed I was staring at her and then she headed straight to their room without saying anything. Mas kumunot lalo ang aking noo dahil sa kanilang inakto. Anong nangyari? Anong sinabi niya kay Mom? Bakit niya iniiwasan ang mga mata ko? Pumikit ako at tinapik ang dalawa. “Go to your bedroom, maaga pa tayo bukas.” batid ko sa kanila. Sabay silang tumango. Sumunod rin ang tatlong katulong sa kanila kaya ako na lang ang natira sa sala. I brushed my hair with my hand. I took out my phone and dialed Mom's number, but she didn't respond after my five attempts. I inhaled deeply and stared into the room she had entered. Tumayo ako at mabilis na naglakad papunta sa kaniyang kwarto. Alam kong hindi pa siya tulog. Hindi ko alam kung anong sinabi ni Manang kay Mom para umakto siyang gano'n kanina. “Mom?” tawag ko sa pangalan niya habang kumakatok pero walang sumagot sa'kin kaya muli kong tinawag ang pangalan niya. “Are you okay? Anong nangyari?” tanong ko rito pero wala pa ring response katulad kanina. God! What's happening? Pakiramdam ko mawawalan ako ng ulirat dahil sa nakita ko kanina. “Mo—” I paused when the door suddenly opened. Si Mom! Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa at napatampal ako sa aking noo ng makita siya. It looked like she had just finished taking a bath because of her wet hair and the robe wrapped around her body. “Oh? Bakit anak?” takang tanong ni Mom sa'kin. Napakamot ako ng ulo at tumawa. “Oh, I assumed you were sick since you left without saying goodbye.” nakangiti kong batid sa kan'ya. Tumawa naman si Mom at sinabing tinawag daw siya ng kalikasan kaya hindi na siya nakapag-paalam sa'kin. Nang maisara na ni Mom ang kaniyang pinto ay hindi ko pa rin maiwasang mag-isip. I'm not sure if Mom answered the question that had been worrying me. Bumuntong hininga ako at pumasok na sa sarili kong kwarto. “KUMPLETO na ba ang mga gamit niyo?” tanong ni Manang sa mga katulong. Tumango naman ang mga ito kaya napanatag si Manang. Nasa loob na kami ng eroplano. Hindi ko alam ang purpose ng pagtatanong ni Manang gayong lumilipad na sa himpapawid ang aming sinasakyan. Siguro antok pa si Manang kaya nakapagtanong siya ng mga bagay na magpapasakit ng ulo mo. “Ate sayang! Hindi kami nakapagpa-picture kay Ms. Victoria! Kilala pa naman siya sa iba't ibang bansa! Then I lost the opportunity to take photos with her! I'm disappointed.” rinig kong sambit ni Hershey. Hindi ko naman siya magawang sagutin dahil hindi ko naman kalapit masyado si Victoria. I welcomed her friendship, but it does not imply that I trusted her. Hindi ko alam kung saan ang patutunguhan ng pagkakaibigan naming dalawa gayong wala siyang interes about dito. I don't want to underestimate what she did, but isn't that a bit old-style? Umiling ako. Hindi ko dapat kinukwestiyon ang plano niya dahil wala naman akong alam about dito. Mahirap din siyang basahin kaya nahihirapan ako sa kan'ya. Damn! Pinikit ko na lamang ang aking mga mata. Hindi sapat ang tulog ko dahil marami akong iniisip kagabi. Pakiramdam ko nasa likod ko ang mundo, pasan ko ang lahat ng problema ng mga tao. Makalipas ang ilang oras ay nakarating na rin kami sa airport. Habang naglalakad palabas ay agad kong napansin si Dad kumakaway sa direksyon namin. Kaya agad kong tinawag si Mom upang sabihin sa kan'ya na nandidito si Dad para sunduin kami. Mabilis na tumakbo si Hershey kay Dad at agad naman siyang niyakap ni'to. Gano'n din si Herminia. Nang makalapit ako sa kan'ya ay pinaunlakan ko rin siya ng yakap. “I miss you, girls!” batid ni Dad sa'min. “Hon,” tawag niya kay Mom. Tumingin sa kan'ya si Mom at maliit siyang nginitian. Nagkatinginan kaming tatlong magkakapatid. Pinapakiramdaman ang bawat isa. Lumapit sa kan'ya si Mom at nagyakapan sila. Hindi pa rin namin tinatanggal ang mga tingin namin sa kanila. Hanggang sa makapasok kami sa kotse ni Dad. Nasa kabilang kotse sila Manang at si kuya Lito ang nagdri-drive non driver namin. Gusto ko sanang matulog pero hindi ako hinayaan ang mga mata ko. Dilat at mulat ang mga mata ko habang sinusubaybayan ang mga kilos nila Mom and Dad. So far nag-uusap sila. Like parang nawala sa isip nila na noong isang araw lang ay hindi sila okay. But now they're acting like nothing happened between them. Gusto sana naming maniwala kaso iba ang nakikita namin sa mata ni Mom. Nandoon lahat ng kasagutan pero sobrang hirap unawain. Tumingin ako sa aking phone ng maka-received ako ng message mula kay...Jaida? Mabilis ko itong binuksan at binasa ang kaniyang message sa'kin. Hindi ko maiwasang matawa dahil sa dito. Pinaparamdam talaga sa'kin ni Jaida na parang sobrang tagal na naming magkakilala. Mas lalo ko tuloy siyang nagustuhan dahil dito. “May boyfriend ka na?” gulat kong nilingon si Hershey at hindi maiwasang mamula dahil sa tanong niya. Mabilis ko tuloy tiningnan sila Mom at nakatingin sila sa'kin ni Dad. Agad kong hinampas si Hershey dahil sa ginawa niya. “Mom! Wala.” panguna ko sa kanila dahil mukhang uulanin nila ako ng tanong dahil sa sinigaw ni Hershey. Hindi na sila nagtanong kaya nakahinga hinga naman ako ng maluwag. Masama ko namang tiningnan si Hershey na tinatawanan lang ako pero kalaunan ay nanahimik ng mapansing nakatingin lang ako sa kan'ya at hindi nagsasalita. Tiningnan kong muli ang aking phone at nag-reply aa text message sa'kin ni Jaida. Matapos magawa ay inilagay ko na sa loob ng bag ko ang aking phone at tumingin kila Mom and Dad na maayos na nag-uusap. Tumingin ako sa katabi ko ng marinig ko ang boses ni Herminia na tinatawag ang pangalan ko. “Do you think their okay?” she mouthed. I made it clear to her that I had no idea what was going on. Dahil sa totoo lang hindi ko talaga alam kung paano siya sasagutin. Tumango siya sa'kin at nagsabi na pareho lang daw kami ng iniisip. Wala rin daw siyang idea kung ano ang nangyayari. “I think I know,” pareho kaming napatingin kay Hershey. Nakangiti siya katulad ng ginagawa niya noon. Nagkatinginan kami ni Herminia at hindi maiwasang mapabuntong hininga. Nang makarating sa bahay ay agad kaming nagsipasukan sa kan'ya kan'ya naming kwarto. Umupo ako sa sofa at kinuha ang aking laptop. Pumikit ako at huminga ng malalim bago ko sinagot ang tawag sa'kin ni Hershey. We have a group, kanina lang ito ginawa ni Herminia. Magpapalitan kami ng information hanggang sa mabuo namin ang problema na nangyayari sa pamilya namin. “Ate!” bati ni Hershey ng makapasok ako sa room. Nakita ko rin si Herminia na nando'n. “Did you know anything?” I got out of my seat to go to my mini bar and get a soda. Naririnig ko pa naman ang mga boses nila dahil gumamit ako ng airpods. May sinasabi si Herminia pero parang lutang ako at hindi siya maintindihan. “Ate, what do you think?” bumalik ako sa pinagkakaupuan ko at nagtataka silang tiningnan. Seryoso ang kanilang mga mukha habang hinihintay ang sagot ko. “Pardon?” I asked. “Herminia felt confident in her guess, which she proved after witnessing Mom and Dad's actions” tumango ako at ibinaba ang hawak hawak kong lata ng soda. Napaisip ako at muling inalala ang nangyari kanina. “Maybe, her guess is right. What is it?” tumingin ako kay Herminia. “I'm not sure if you two noticed, but Dad's perfume went from a strong male aroma to a sweet vanilla scent. It smells like a woman's scent, and I think Mom has noticed it as well,” what? Hindi ko ito naamoy kanina. Tumingin ako kay Hershey para malaman kung may naamoy ba siya at mukhang hindi ko na kailangang magtanong dahil kitang kita ko sa mga mata niya na may naamoy siya. “Wala kang naamoy, ate?” umiling ako. “Right! Noong niyakap ko si Dad kanina may naamoy ako na sweet aroma sa kan'ya. I thought kay Mom 'yun, but napaisip ako na she's not using that kind of perfume” tumango ako. Hindi mahilig si Mom sa sweet na pabango, sumasakit daw kasi ang ulo niya. Nahihilo raw siya sa amoy ni'to. “Hershey, I don't want to upset you. I also don't want you to accept everything you see, but are you ready to hear the truth when we discover what's Dad doing?” ayokong masaktan si Hershey, pero gusto kong ipamulat sa kan'ya ang nangyayari. God I don't know what to do. “Sinabi rin sa'kin 'yan ni Herminia since I'm the youngest daw. Puwede raw akong mag back up at hintayin ang resulta ng information na makukuha niyo, but I refuse. I'm the family's youngest member, but that doesn't imply I'm clueless. I was prepared from the start, even though I knew I'd be crushed and my trust in Dad would be shattered. Hindi mo na kailangang mag-alala sa'kin, ate. Handa ang puso ko sa mangyayari,” natahimik ako, napalunok dahil sa narinig. Gusto ko siyang pigilan, gusto ko siyang ilayo sa trahedya pero hindi ko magawa. Bumuntong hininga ako at tumingin kay Hershey. “I'm impressed, Hershey” nakangiti kong sabi sa kan'ya. “Wala na akong magagawa kung 'yan ang desisyon mo, right? Basta kung hindi mo na kaya yang bigat na nararamdaman mo you can approach us” tumango siya habang nakangiti sa'kin. Natapos na rin ang usapan namin at masasabi ko na hindi ako natutuwa. Sinong anak ang matutuwa sa pinaggagawa ng ama? Gusto kong magtanong kay Dad, gusto kong itanong kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito, pero hindi ko 'yon magawa. Hindi pa sapat ang ebidensyang hawak namin at hindi pa ako handa. Pumikit ako, pinipigilan tumulo ang luha sa mga mata ko. I walked into the bathroom to wash up when I had calmed down a bit. I'm meeting Rachel today to talk about what happened to me. Nang matapos ay kinuha ko ang aking bag at phone. Habang pababa nakasalubong ko ang isa naming katulong na si Criselda. Tila hirap siyang maglakad kaya hindi ko maiwasang magtanong dahil sa pag-aalala. “Criselda,” tumingin ito sa gawi ko tila nagulat pero biglang nagbago nag expression ng kaniyang pagmumukha. “Are you okay? It appears that you're unable to walk properly,” naging malikot ang mga mata niya hindi makatingin sa'kin ng maayos. Kumunot ang noo ko dahil doon. May masakit ba sa kan'ya? O baka naman may sakit siya pero hindi niya makuhang umalis dahil siya na lang ang inaasahan ng pamilya? “Y-yes po Ma'am. O-okay lang po ako,” pilit ang ngiti ni'to. Gusto ko pa sanang magtanong pero mukhang hindi siya komportable sa'kin na mas lalong ipinagtaka ko. “Are you sure? If you're in an awful condition, don't force yourself to get out of bed and move. Go to your room and rest. If someone wonders why you aren't working, simply say my name,” batid ko at tumuloy na palabas ng bahay. Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa cafe na pagkikitaan namin ni Raquel. Tumakas lang daw siya sa kaniyang sekretarya at sinabing magba-banyo lang. I suggested she meet me the next day if she was busy, but she persisted on meeting me and stated she couldn't wait any longer. Kaya heto kahit ayaw ko mang pumayag sa gusto niya ay wala na rin akong nagawa. I can't say no to her after all. “Hera,” batid niya ng makalapit ako sa table kung nasaan siya. Hinalikan niya ang pisngi ko at mahigpit akong niyakap, pabalik ko rin itong ginawa sa kan'ya. Nag-order siya ng maiinom para sa amin. Nang mawala na ang waiter ay bigla niyang hinawakan ang dalawa kong kamay. Hindi ko naman maiwasang matawa dahil don. “Omg! Patingin,” tukoy niya sa mga litratong kinuha ko noong nasa palawan pa ako. Kinuha ko sa bag ang camera na dala dala ko kahapon at inilapag ito sa kan'ya. Hinintay ko siyang magsalita habang tinitingnan niya ang mga litratong kuha ko kila Jaida. Kitang kita ko ang amusement sa mukha niya kahit hindi na siya magsalita siya. Mukhang tuwang tuwa siya sa pagmumukha ni Victoria samantalang ako hindi—well hindi ko maitatanggi na sobrang ganda at guwapo niya. Ilang minuto yata siyang tahimik at hindi nagsasalita. Nakatingin lang siya sa litrato na kumikinang ang dalawang mga mata. Dahil hindi ko na nakayanan ang katahimikan ay tinawag ko siya. “Raquel, wala ka bang balak kausapin ako?” umangat ang tingin niya at umiling ng tatlong beses sa'kin. Napangiwi naman ako dahil dun. “Are you a fan of hers?” natawa ako ng tumango siya ng ilang beses. Hindi ko alam kung bakit ko pa naitanong ang bagay na ito kung alam ko rin naman ang kasagutan sa huli. Maya maya ibinigay niya na sa'kin ang camera at biglang naging seryoso ang kaniyang pagmumukha. “You mentioned she asked to be your friend when we talked, right?” tumango ako bilang sagot. Ngumisi siya at tumingin sa'kin ng nakakaloko. “What?” takang tanong ko rito. “Nothing I just find her interesting,” mahina kong hinampas ang balikat niya ng tumawa siya habang sinasabi 'yun. Minsan lang may makapukaw ng atensyon kay Raquel at masasabi ko na ang malas ni Victoria. Hindi siya tatantanan ni Raquel hanggat hindi ni'to nalalaman ang kahinaan niya. “I don't want to ruin my life. I'm familiar with her fighting style and can definitely say that she's a real jerk” madiin niyang sambit. Oh? Wala pala siyang balak patulan si Victoria. I'm glad, mabuti na lang. “You, don't ruin your life okay? Alamin mo lang ang galaw niya, but please be careful. Hindi ka pa nagkakaroon ng asawa,” muli kong hinampas ang braso niya dahil sa kapilyahan niya. Sino naman kasi ang magsasabi na mag-aasawa ako? “Kidding aside, babe” batid niya. “Are you sure about your decision? I mean, I'm not against it. At ako pa ang nagbigay sa'yo ng payo kung paano mo siya gagawin. I want to say sana na joke lang 'yon at nadala lang ako sa nararamdaman ko. But I know you won't think about it because you're concerned about the fact that your life is in danger when you're near Victoria” natatawa niyang batid habang kamot kamot ang kaniyang batok. “Wala naman masamang umaksyon ng maaga, Raquel. Hindi rin ako makapag-isip ng maayos kaya nakatulong ka talaga ng sobra sa'kin,” nakangiting batid ko. Alam kong nag-aalala siya sa'kin, nakikita ko sa mga mata niya na gusto niya akong pigilan. “Right, don't blame yourself if something happens to me. Wala kang kinalaman doon, may sarili akong desisyon, Raquel,” bumuntong hininga siya habang nakatingin sa'kin. Muli niyang hinawakan ang dalawa kong kamay. Mahigpit parang ayaw pakawalan. “Hindi ko alam kung maipapangako ko 'yan but be careful, babe. Ibang kalaban si Victoria. Sigurado akong may pinaplano siya sa'yo, because she didn't approach you and then quickly changed her attitude towards you kung wala siyang binabalak sa'yo” tumango ako. Ayun din kasi ang iniisip ko. Malakas ang kutob ko na kilalang kilala ako ni Victoria. “God! Stress ako sa'yo lalo na kay Victoria,” uminom siya ng kapeng in-order niya at kumain ng isang slice ng cake. Chocolate cake. Maya maya ay naisipan na rin naming dalawa na umalis at pumunta sa mall para tumingin ng mga bagay na mapapakinabangan habang buhay. Actually, siya lang itong sinamahan ko. May nagustuhan daw kasi siyang bag na matagal niya ng gustong bilhin. But, due to her hectic schedule, she was unable to purchase it. Ngayon niya lang ito nakuha dahil free siya even though she's not. “May balak ba silang contact in ka rito?” bigla niyang tanong habang naghahanap ng mga bag na gusto niya pang bilhin. “I think yes? Minessage ako kanina ni Jaida at sinabing may balak daw siyang ayain akong maglunch kasama ang friends niya” tumango siya at biglang humarap sa'kin. “Friendly si Jaida?” tumango ako. “I think? Dalawa sila ni Neveah ang close ko. Well yung iba rin naman but not as much like them” tumango siya at nginitian ako. “Paano nila natitiis ang ugali ni Victoria?” takang tanong niya. Sa totoo lang ayan din ang tanong ko sa sarili. Hindi ko rin alam kung paano at kung bakit nila napagtitiisan ang pag-uugali ni Victoria. Base pa lang noong una ko silang nakasama halatang takot sila kay Victoria pwera lang kay Jaida. “Hmm, I think—” natigil sa pagsasalita si Raquel ng marinig namin ang tunog ng aking phone. “Wait,” tumango siya at pinanood akong sagutin ang tawag. “Neveah?” nanlaki ang mga mata ni Raquel at sinesenyasan akong loud speaker ang aking phone. Ginawa ko naman ang sinabi niya at siniguradong kami lang ang makakarinig. “Merlat! Where are you?” nagkatinginan kami ni Raquel. Nagtataka yata siya sa tanong sa'kin ni Neveah. Hindi ko na kasi sila nasabihan na uuwi ako dahil nakalimutan ko at hindi na pumasok sa isip ko. “Nasa mall, Neveah” narinig ko ang halakhak ni'to. “God ang boba ba ng tanong ko sa'yo? Nevermind, so umuwi ka na ba hindi kita nakikita rito sissy!” nakita ko ang maliit na ngisi sa labi ni Raquel ng marinig niya ang huling sinabi ni Neveah. “You never told me Neveah is your sister,” she mouthed. “Yes, Neveah. Sorry kung hindi ko nasabi sa'yo nakalimutan ko na kasi,” tumawa ito. Mahinhin. “It's okay babalik na rin naman kami sa Manila so kitakits na lang there ha? Do you know what? Vy looks curious about you,” muling lumaki ang ngisi sa labi ni Raquel tila alam niya ang dahilan kung bakit naging curious sa'kin si Victoria. “Cool? See you soon, Neveah,” Nang maibaba ko na ang tawag ay agad akong inulan ng tanong ni Raquel. Halos hindi ko na nga maintindihan ang iba niyang tanong dahil sa bilis niyang magsalita. Wala tuloy akong ibang nagawa kung hindi salpakan ng pagkain ang bibig niya kaya ngayon ay tahimik na siya. “Nakita natin si Neveah sa bar, right?” tumango ako. Himala at naalala niya pa 'yon, akala ko hindi niya nakilala si Neveah. Pero salamat na rin at hindi niya ibinuka ang bunganga niya dahil baka isipin ni Neveah na ang creepy kong tao dahil nang-i-stalk ako ng taong hindi ko naman kilala. “I find her interesting,” bulong niya. “What?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kan'ya. “What? Alam mo yung nangyari sa pagitan naming dalawa right? Nako Hera binasag ng bruhang 'yon ang trip ko sa buhay! Kaya hinamon ko siya sa halikan, since she's gay and I'm girl humanap kami ng lalaking magpapatunay na who is the best kisser between the two of us.” hindi ako makapaniwalang tinitigan siya. Alam ko naman na she's wild but, betting on who is the best at kissing is a real shock. “I think I won?” hindi sigurado niyang batid sa'kin. “I told her I really didn't mind if she really was gay as long as I knew who was great at smooching between the two of us. But since babae raw siya at magkalahi kaming dalawa ay tinanggihan niya ang alok ko. Medyo badtrip ako kasi ngayon lang ako tinangihan and ang worse pa is gay!” umikot ang dalawa nitong mga mata. “Miski ako tatanggihan kita,” masama niya akong tiningnan. “What? There's nothing wrong with that, at tsaka wala rin namang malisya sa'kin 'yon as long na malaman ko lang kung sino sa aming dalawa ang magaling humalik” tango na lang ang sinagot ko kay Raquel dahil mukhang ipinaglalaban niya talaga ang gusto niya. “I'm pleased that Neveah is the gay person you spoke with, because if she's not, your gorgeous face might have suffered because of a wound,” umirap siya sa'kin at uminom muli ng kape. “Anyway, itutuloy mo ba ang pakikipagkaibigan kay Victoria?” ngumuso ako. Nakalimutan ko bigla ang purpose ko kung bakit ako nandidito. “Yes,” sagot ko sa kan'ya. “Goodluck, babe!” aniya. Matapos naming bumili ng damit at kung ano anong gamit at naisipan naming pumunta ng museum. Lahat ng mga pinamili ni Raquel ay naiwan sa kaniyang kotse, at dahil wala naman akong binili ay wala akong iniwan sa loob ng kotse ko. Raquel and I are visiting the National Museum of Fine Arts in Manila. Raquel and I both appreciate painting, but I haven't taken up the hobby while Raquel is good at it. She is not only attractive, but she also holds a ton of talent that she can put to good use in the near future. Pinagpala nga talaga siya dahil marami siyang talent na magagamit niya, kaya proud ako sa kan'ya. “Hmm I like this one,” batid niya sa isang painting it's Spoliarium by Juan Luna. The paintings conveyed tragedy and suffering. I can see the fresh blood of every person being dragged by the soldiers in one spot. “Ang detailed ng pagka-paint sa kan'ya right? I like this!” muling sambit ni Raquel. Naglakad lakad kami at nagtingin sa iba't ibang paintings na gawa ng iba't ibang artist. For sure may idea nanaman si Raquel kung ano ang isusunod niyang ipa-painting. Nakakainggit siya sa totoo lang. I'd like to try painting. I even went to an art class only to learn, but it appears that the arts don't like me, which is sad. One time nahiya ako dahil yung sarili kong instructor ang sumuko sa'kin. Sabi niya pa hu'wag ko na raw pilitin ang sarili ko kung hindi naman ito kayang gawin ng mga kamay ko. Maraming pumapasok sa isip ko kung anong kwento ang nasa likod ng painting na ginuhit ko. Pero hindi ko akalain na hanggang isip lang ako, dahil ayaw talagang gumalaw ng mga kamay ko, para silang hirap na hirap na gumalaw. Naalala ko noon na naiyak na lang ako sa frustration na nararamdaman dahil dito. Hanggang sa sumuko na lang ako, tinanggap ko na sa sarili ko na hindi para sa'kin ang painting. Dalawang oras din kaming nagtagal ni Raquel sa loob hanggang sa maisipan niya ng umuwi. Tumatawag na raw kasi ang sekretarya niya sa kan'ya. Kanina pa raw siya hinahanap ng Dad niya, pero dahil siya si Raquel ay mas binagalan niya pa ang pagkilos niya. Nakakatawa pa nga siya dahil may balak pa siyang mag rebelde sa edad na ito. “See you later, babe!” niyakap ko siya at hinalikan ang kaniyang pisngi. Gano'n din ang ginawa niya sa'kin hanggang sa mauna na siyang umalis sa'kin. Nagpaiwan muna ako saglit upang magpahangin. Kinuha ko ang phone ko at nag take ng pictures sa sarili ko. Walang gaanong tao rito sa pwesto ko kaya medyo nakakahinga ako ng maluwag. “Hera?” gulat akong napatingin sa lalaking bagong dating. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa, at unti unting nanlaki ang mga mata ng marealize ko kung sino siya. “Harold?” dahan dahan niyang ibinaba ang kaniyang salamin at sinalubong ako ng yakap at halik. Agad ko itong tinugon at malakas na hinampas ang kaniyang likuran dahil sa pagkabigla. “God! Kailan ka pa nandito?” tanong ko habang yakap yakap siya. “Yesterday. I was planning on heading to your house, but your cousin informed me that you are not at home and are on vacation” bumitaw ako sa pagkakayakap sa kan'ya at nginitian siya. “What are you doing here pala?” takang tanong ko sa kan'ya. “Because of you.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD