CHAPTER 8

4999 Words
HERA'S “HAROLD, it's been a long time since we've seen each other,” hasik ko sa kan'ya. Nginitian niya lang ako at hindi binigyan ng kasagutan. Medyo nagtaka ako pero naalala ko ang pagiging kapilyuhan niya. Harold was Raquel's relative who used to court me, but I turned him down since I didn't want to have a boyfriend, and until now I still think that way. “How are you, Hera? Honestly, you looked gorgeous,” hindi ko maiwasang matawa dahil sa narinig ko galing sa kan'ya. Hindi ko rin naman maitatanggi na sobrang umangat ang kagwapuhan ni Harold ngayon, siguro ang pagpunta sa ibang bansa ang nagpabago sa kan'ya. He looked fine! Raquel told me that Harold loved me so much and that when I rejected him, it was the most painful thing for him. Ako ang dahilan kung bakit pumunta ng ibang bansa si Harold, to be honest sobra akong na-guilty sa ginawa ko. His radar looked to be powerful because he contacted me to tell me not to blame myself for what happened to him. Kagustuhan niya raw na mahalin ako, kaya kagustuhan niya rin na masaktan siya dahil sa'kin. Syempre I'm not like that, inisip ko pa rin na ako ang may kasalanan pero nagulat ako isang araw nasa harapan siya ng bahay namin. Doon in-explain niya na hu'wag ko raw sisihin ang sarili. He made me feel special, and that's why I enjoyed having him as my closest friend! “I'm good.” tugon ko rito saka muling nagsalita upang magtanong. "So anong ginagawa mo rito?” naningkit ang mga mata ko ng bigla niyang ipakita sa'kin ang naglalakihan niyang ngisi sa labi. “Willing naman akong ibalik ang pagmamahal ko sa'yo, Hera.” natahimik ako dahil sa narinig. Nagtataka dahil sa sinabi niya, ano ba ang ibig niyang sabihin? Nagulat ako ng tumawa siya at uminom ng mainit na kape. “Just kidding! I'm here for a business.” tumango ako bilang sagot. Nagkita na kaya sila ni Raquel? “Magkasama kami ni Raquel kanina, nagkita na ba kayong dalawa? For sure magugulat 'yon kapag nalaman na nandidito ka.” tumawa si Harold at kinuha ang kaniyang phone. Mukhang may tinatawagan siya. “Hi, bud!” biglang batid ni Harold at nagulat na lang ako ng biglang bumulaga sa screen ng phone niya ang pagmumukha ni Raquel. Nasa opisina siya tila busy sa mga papeles na nasa harapan niya. “Hera! Omg! Kasama mo si Harold?” biglang tanong niya sa'kin. Tiningnan ko muna si Harold bago ko sagutin si Raquel. Matapos niyang malaman na kasama ko ang favorite niyang pinsan ay halos lumabas na siya sa screen na parang si Sadako. “Harold, bakit hindi mo sinabi sa'kin na uuwi ka?” nagtatampong tanong ni Raquel sa kan'ya. Tinawanan siya ni Harold at saka nagsalita. “I am.” sagot naman niya. “I tried calling you today, but you didn't pick up. So I dialed Uncle's number, and he informed me that you were focused on work.” narinig ko ang napakalakas na pagsinghap ni Raquel. Pinanood namin siyang dalawa ni Harold na mabilis na kinukuha ang kaniyang phone. Matapos itong makuha ay halos pinagsakluban ng langit at lupa ang kaniyang pagmumukha. “See?” nakangising batid ng katabi. “Busy kasi ako kay Hera.” nakasimangot niyang tugon kay Harold. Tinawanan ko naman siya dahil sa sinabi niya. “Hoy! Alam kong ikaw ang favorite kong pinsan ha? But I'm not going to let you have Hera girl.” nagulat ako ng tumayo sa kinauupuan niya si Harold at lumapit sa'kin. Inakbayan niya ako at nakangiting tiningnan si Raquel na nakangiwi na ngayong nakatingin sa amin. “Hu'wag mong lokohin ang sarili mo, bro.” bawi ni'to. Tinanggal naman din agad sa'kin ni Harold ang kamay niyang nakaakbay sa'kin. Nagtagal pa sila sa pag-uusap hanggang sa naisipan na rin naming umalis ni Harold sa restaurant. He told me that he couldn't take me to my car any further since the person he was seeing had already arrived. I reassured him that I would take care of myself. Nang makapunta sa kotse ay agad akong sumakay at pinaandar ito pabalik sa bahay. Agad akong sinalubong ni Manang pagkapasok sa bahay medyo nagtataka nga ako dahil hindi niya makuhang makatingin sa'kin sa mata. Gusto ko sanang magtanong kaso naisip ko na baka pagod lang siya sa byahe. “Manang.” tawag ko rito. Tumingin siya sa'kin. “Kumusta na si Criselda? I advised her to relax a bit because she was unable to walk normally when I saw her.” hindi ko alam kung namamalikmata ba ako o hindi, pero nakita ko kung paano nagbago ang expression ng kaniyang pagmumukha ng banggitin ko ang pangalan ni Criselda. What's wrong? “Manang?” tawag ko sa kan'ya ng hindi siya mag response sa tanong ko. Agad agad itong tumingin sa'kin at sinagot na ang tanong ko na tila wala siyang balak sagutin. She stated, Criselda was still in the maid's quarters, hindi raw ito kumilos tulad ng sinabi ko. Sinabi pa ni Manang na tila lumalala ang pananakit ng puson ng dalaga, nalaman nila ito kanina ng mapansin nilang nakahawak sa kaniyang puson ang dalagita. When Mom heard about it, she instantly offered Criselda a ride to the hospital to be healed of her pain, but she turned it down, saying she didn't have to go. Hindi na raw napilit ni Mom si Criselda since may gagawin pa raw itong importante. I think tatlong oras na ang nakalilipas simula ng makaalis si Mom at tila kanina pa nagtitiis sa sakit ang dalaga. Nag-aalala akong tumungo sa maid's quarter, sinamahan naman ako ni Manang papunta don kahit na hindi siya makatingin ng diretso sa mga mata ko. Pansin ko rin ang pagdisgusto ng kaniyang pagmumukha habang naglalakad kami papunta sa maid's quarter. Ipinagsawalang bahala ko na lang ito, at mamaya ko na lang tatanungin si Manang tungkol sa nangyayari sa kan'ya. Kumatok muna ako bago ko naisipang pumasok, pagbukas ko ng pinto nadatnan ko ang kalagayan ni Criselda. Nakahiga siya sa kaniyang kutson habang hawak hawak ang kaniyang puson, tila hindi niya narinig ang pagkatok ko at pagpasok naming dalawa ni Manang. “Criselda.” agad itong lumingon sa'kin at mabilis na napaupo ng makita kung sino ang nasa harapan niya. Lumapit ako sa kan'ya at naupo sa kutson niya, habang si Manang naman ay nanatili lang nakatayo at hindi tinitingnan si Criselda. “Bakit tinanggihan mo ang alok ni Mom? You should let my Mom know right away if something is wrong with you. Sagot ka namin Criselda kaya hu'wag mong iisipin na pabigat ka.” batid ko sa kan'ya. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya pero kung iniisip niyang magiging pabigat siya ay hindi niya kailangang isipin 'yon. After all she's part of our family. “Let's go, pupunta tayong hospital. We need to know if you're actually okay, and after I confirm that your condition isn't serious, we'll return home.” nakatingin lang sa'kin si Criselda, walang lumalabas sa bibig niya pero kitang kita ng mga mata ko ang expression na pinapakita niya. Gulat, takot at pangamba. Saan siya natatakot? Saan siya nangangamba? Dahil ba sa sakit na matutuklasan niya na mayro'n siya? Well I understand her pero mas maganda na ang komunsulta sa doctor kaysa naman sa mahuli sa lahat. “Don't worry sagot namin ang bayad kaya let's go bago pa 'yan lumala.” “H-hu'wag na p-po, ate…” nanghihinang sagot niya sa'kin. Bumuntong hininga ako at tumingin kay Manang na nagpalit sa pag-aalala ang kanina'y lukot niyang pagmumukha. Bumuntong hininga ang matanda at sinaluhan ako sa pag-upo sa kama ni Criselda. “Criselda, anak…” may paglalambing na tawag ni'to sa kaharap ko. “Sumama ka na kay Hera, hu'wag kang mag-alala nasa mabuting kamay ka.” nakangiting batid ng matanda. Nginitian ko si Criselda upang kumalma ang kaniyang expression. Nag-aalinlangan itong tumango tila ayaw niya talagang sumama sa'kin. Matapos ang sapilitang pagpapapayag kay Criselda ay naisipan niya na ring sumama sa'kin. Sobrang lamig ng dalawang mga kamay niya, namamawis ang kaniyang makinis at magandang noo, tila kinakabahan sa mga mangyayari sa kan'ya. Hinawakan ko ng mahigpit ang isa niyang kamay at hinatak siya papunta sa sasakyan. “Don't worry, I'll be there for you, Criselda.” batid ko ng maibsan naman kahit papaano ang kabang nararamdaman niya. Habang nagmamaneho papuntang hospital ay hindi nagkaroon ng pahinga ang mga mata ko. Kanina pa pabalik balik ang tingin ko kay Criselda pakiramdam ko kasi kaunti na lang ay mahihimatay na siya. Ano ang nangyari sa kan'ya noong mawala kami? Wala naman akong natatandaan na hindi siya okay noong umalis kami, nakuha pa nga niya akong ngitian. At paano naman ang pagdalaw niya sa kaniyang magulang? Natuloy ba ito? Ilang araw na rin ba siyang may sakit? “Can you walk?” tatango na sana siya ng maisip ko na sobrang tanga ng tanong ko. Sinenyasan ko siyang hintayin ako rito, safe naman ako since tago pa rin ang identity ko sa mga tao. Agad akong nagtawag ng nurse upang isakay sa wheelchair si Criselda. Gusto niyang magprotesta noong kunin siya ng dalawang nurse pero hindi niya magawa dahil para siyang nanghihina. Sabay sabay kaming pumasok sa loob ng hospital at agad kaming sinalubong ng doctor na tinawagan ko kanina. “Let's go.” batid niya sa amin. Pumasok kami sa isang room at sinimulan na ni Dra. Gwen ang kaniyang pagche-check up. Lumabas ako saglit upang bigyan ng privacy si Criselda. Naupo ako sa bakanteng upuan at hindi maiwasang mapabuntong hininga ng maalala ang mukha na ipinakita sa'kin ni Criselda kanina. She appeared to be dead tired. What happened to her while we were on vacation in Palawan? Dad was the only one in the house with her for a few days. If she was damn sick during those days, Dad should have informed us sooner, but we didn't hear from her since we couldn't reach Dad. Imposible naman na hindi sabihin ni Dad sa amin na hindi na pala okay si Criselda noong sila na lang ang magkasama. Kinuha ko ang phone ko upang tingnan kung may message ba sa aking iniwan si Manang. Ibinalik ko ang phone ko sa bag at hinintay na matapos si Dra. Gwen sa pagtingin kay Criselda. Minuto ang lumipas at narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto ni Criselda. Doon nakita ko si Dra. Gwen tila iba ang expression ng kaniyang pagmumukha. Pakiramdam ko tuloy bad news ang maririnig ko mula sa bibig niya. “What's her condition, Dra?” umpisa ko sa katahimikan. Nakita ko ang pagbuntong hininga ni Dra. Gwen senyales na hindi maganda ang sasabihin niya. Never nagbubuntong hininga si doktora dahil hindi niya kayang pakabahin ang pamilya ng pasyente pero once na ginawa niya ito ibig sabihin hindi na ito kinaya ng dibdib niya. “She was violently raped.” napasinghap ako sa narinig. Hindi makapaniwala at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa doktorang kaharap ko na sinasabi sa'kin na totoo ang sinabi niya. Napaupo ako. Nanghina ang mga tuhod. Hindi alam kung anong reaction ang dapat kong ipakita matapos kong marinig ang kagimbal-gimbal na naranasan ni Criselda. “I observed her vaginal area and it was bleeding terribly and also destroyed. It seemed as if someone had pushed their way aggressively into her. I also noticed bruises on her body, particularly her back. Her left ankle was also beaten, which is why she has been unable to move properly. Lahat ng nararamdaman niyang sakit ay dala ng pagkawasak ng p********e niya, para siyang paulit ulit na ginamit at pinaglaruan.” pumikit ako dahil hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. Hindi ko alam kung bakit, o paano nangyari kay Criselda ang lahat ng ito. “A traumatized look was obvious on her. Sino ang huling nakasama ng pasyente? Perhaps that person has information.” hindi ko na naisipan pang mag-isip dahil ang kasama lang naman ni Criselda sa loob ng bahay ng ilang araw ay si Dad. Siya lang ang naiwang kasama ni Criselda kaya sobrang nakakapangilabot ang dinanas ni Criselda. Sino ang may gawa? Sino? “My recommendation is to wait for her to tell you who brutally raped her. You can't force the patient to say anything because her condition will just continue to worsen. Hintayin niyo munang maghilom ang sugat niya, then if she's okay then you can ask her.” nagpa-alam na si doktora na hindi ko man lang magawang tingnan siya. Nanginginig ang buo kong katawan, parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa nalaman. Hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap ko sa kan'ya dahil tiniis niya ang sakit para hindi namin ito makita. Tumayo ako at mahinang kumatok sa pinto. Pumasok ako pagkatapos. Doon nakita ko siyang mahimbing na natutulog, tila wala siyang dinadalang problema, para siyang anghel. Bumuntong hininga ako at hindi na napigilang tumulo ang luha sa mga mata ko. Lumapit ako sa kan'ya sa paraan na hindi siya magigising. Paano nangyari ito kay Criselda? Paano? Si Dad lang naman ang kasama niya sa bahay? Si Dad lang... “Criselda…” mahinang banggit ko sa pangalan niya. Nguni't hindi naman siya nagising na napagpasalamat ko. “Please tell me the truth…” “HOW are you?” bungad kong tanong sa kagigising lang na si Criselda. Mukhang gulat siya ng makita niya ako gayong kakamulat pa lang ng mga mata niya. Dahan dahan siyang umupo todo alalay naman ako sa kan'ya. Mukhang nagtataka ang kaniyang mga mata, nagtatanong kung bakit ako nandidito sa hospital, nakaupo at nagbabantay sa kan'ya. Wala pa akong tinatawagan sa pamilya miski sila Mom, hindi ko kasi alam kung paano sasabihin sa kanila ang nangyari. “How are you?” muling tanong ko sa kan'ya. Umiwas siya sa'kin ng tingin at nagpakawala ng malalim na buntong hininga. “O-okay na po ako…” nanginginig ang boses niyang tugon sa akin. Tumango lang ako at hindi na nagtanong pa, ramdam ko kasi ang pagiging hindi niya komportable sa'kin. Kaya mas pinili ko na lang na manahimik kaysa magtanong sa kan'ya, pero sinusubaybayan ko pa rin siya ng pasimple para malaman ko kung ano ang ginagawa niya. Minuto na ang lumipas nguni't walang nagsasalita sa aming dalawa, tila naging malayo ang loob sa'kin ni Criselda. Bumuntong hininga ako at tumingin sa orasan. Alas dos na pala ng hapon. Umangat ang tingin ko para tanungin siya. “Do you want to eat something?” tumingin siya sa'kin at maliit akong nginitian. “H-hu'wag na po, ma'am. Hindi naman po ako gutom.” sagot niya sa'kin. “No, kailangan mong kumain. So anong gusto mong kainin?” muli kong tanong sa kan'ya. Mukhang nagdadalawang isip siya na sumagot sa tanong ko. “K-kayo na po ang bahala, ma'am.” tumango ako. At least sinagot niya ang tanong ko. Kinuha ko ang phone ko at nag order na sa pinaka malapit na restaurant dito. Matapos umorder ay tumingin ako kay Criselda. Tahimik siya at nakatingin lang sa kisame, mukhang malalim ang iniisip niya dahil sa mukhang nakikita ko. Maya maya pa ay bumuntong hininga siya at inayos ang pagkakahiga dahilan para magtama ang mata naming dalawa. Nginitian ko siya para maramdaman niyang komportable ako sa kan'ya. “Gusto mo bang tawagan ko ang magulang mo?” umiling siya suot suot ang natatakot niyang expression. Para siyang nagtatago sa dilim na kahit sino ay hindi siya puwedeng makita. Gusto ko ng malaman ang nangyari. Nahihirapan ako kapag nakikita siyang nagkakaganito. “B-baka po mag-alala sila ma'am, kaya hu'wag na po. Kung maaari hu'wag niyo na rin pong sabihin kila ma'am at sir ang nangyari sa'kin.” kumunot ang noo ko. “A-ang alam po kasi ni ma'am ay maayos na ang lagay ko, pero hindi niya po alam na sinugod ako rito sa hospital. P-pinapanalangin ko na sana hu'wag na itong sabihin ni Manang kila ma'am.” rinig ko ang pangamba at takot sa boses niya. Bakit? “A-alam ko po na sinabi na sa inyo ng doctor ang kalagayan ko.…” umiwas siya ng tingin sa'kin at pinunasan ang mga mata. Doon nakita ko na may butil na palang tumutulo sa mga mata niya. Huminga ako ng malalim at hindi umiwas ng tingin sa kan'ya. “H-hindi—” “Criselda, it's okay. Hindi kita pipilitin kung hindi mo pa kayang sabihin sa'kin ang lahat. Kaya kong maghintay kahit gaano pa 'yan katagal.” batid ko dahil alam ko na agad ang sasabihin niya sa'kin. “Hahayaan kitang umiyak sa balikat ko.” tumingin siya sa'kin may bahid na luga ang mukha niya. Ngumiti ako sa kan'ya upang iparamdam na okay lang sa'kin na makita siyang ganito. Pakiramdam ko. May kasalanan din ako sa nangyari sa kan'ya. Pinunasan niya ang mukha niyang may bahid ng luha at nginitian ako ng totoo na aking ikinatuwa. Tumayo ako sa kinauupuan ko at mahigpit siyang niyakap. “Hu'wag kang matatakot na magsabi sa'kin ng totoo.” tumango siya sa ginta ng pagyayakapan namin. A few minutes later, the food I ordered was delivered. I picked it up and placed it on the table. Pagkatapos kong maayos ang kakainin namin ay kinuha ko ang tray at inilagay doon ang kakainin ni Criselda. I didn't hire a nurse to take care of her because I was here. Hindi naman ako sobrang tamad para hindi alagaan yung taong nag-aalaga sa amin. “H-hindi niyo na dapat 'yan ginagawa ma'am. Kaya ko naman po ang sarili ko, n-nakakahiya po.” batid niya ng maiabot ko ang pagkain niya sa kan'ya. Nginitian ko lang siya at pumunta na sa lamesa kung saan ako uupo. Hindi na ako kumuha pa ng pagkain na para sa'kin, sapat na ang mga kinain ko kanina para magtagal ako rito ng kahit ilang oras. Naalala ko bigla ang sinabi niya kanina. Bakit ayaw niyang malaman nila Mom na nasa hospital siya at hindi maganda ang kalagayan niya? Dahil ba malalaman ni Mom na nagahasa siya o baka mag-iba ang tingin sa kan'ya ni Mom? Napabuntong hininga ako. “You can't go home like this, Criselda.” huminto siya sa pagkain at tumingin sa'kin. Tumango siya senyales na naiintindihan niya ang sinasabi ko. Ayaw niyang malaman nila Mom ang kalagayan niya kaya ang the best na gawin para rito ay magsinungaling. I don't want to hide the truth to Mom, but if she insists, then there is nothing I can do. Other than that, I know how she feels. She's terrified and unsure of what to do. Hihintayin kong maghilom ang sugat niya na hindi ko alam kung sino ang may gawa. Sasabibin ko kay Mom na maagang umuwi sa kanila si Criselda, nagpaalam na rin naman na sa amin si Criselda about dito kaya I think hindi na magtatanong si Mom kung sakaling malaman niya ang biglang pag-alis ni Criselda. Manang is our only problem right now. I knew she'd inform Mom about anything that happened to us or anything inside the house. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ang phone number ni Manang. May sariling phone si Manang at ginagamit niya lang ito for emergency, ako ang nagbili sa kan'ya no'n para in case na may mangyari ay matawagan ko siya. “Manang?” batid ko ng sagutin niya ang tawag ko. “Oh? Kumusta na si Criselda? Maayos ba ang lagay niya?” hindi sana ako magtataka sa inasal ni Manang kung hindi ko napansin ang inakto niya kanina kay Criselda pero isinagi ko ito sa isipan at sinabi na sa kan'ya ang pakay. “She's okay, Manang but hindi pa siya puwedeng makauwi d'yan sa bahay. Kung puwede sana hu'wag ng makarating kila Mom ang nangyari sa kan'ya, let's say na may inaasikaso siyang importante sa kanila kaya matatagalan muna ang pagbalik niya.” isang minuto ang lumipas nguni't wala akong narinig na sagot galing sa kan'ya. “Manang?” “O-oh? Pasensya na, Hera. Sige kung ayun ang kagustuhan mo, hindi na ito makakarating pa sa Mom mo pero sigurado ka ba na maayos ang lagay niya?” tumingin ako kay Criselda na tahimik na kumakain ng pagkain niya. Huminga ako ng malalim at binalik ang tingin sa malayo. “Yes, okay lang siya. Thank you, Manang.” Nang maibaba ko ang tawag ay ipinagpatuloy ko ang pagtingin ko sa malayo. Naghahanap ng solusyon kung paano ko matutulungan si Criselda sa problema niya. Ako at siya lang ang may alam sa nangyari, wala sa tabi niya ang pamilya niya para bigyan siya ng lakas ng loob. Ako lang ang nandidito at wala ng iba. “Ma'am.” nilingon ko siya. “S-salamat po ulit, binigyan ko pa po kayo ng problema…” mahihinang batid niya. “No, it's okay. Also, you shouldn't have to be shy of me because you're part of the family. Think of me as your older sister.” nakangiting batid ko. Maliit akong nginitian ni Criselda na aking ikinatuwa. Paano niya nakukuhang ngumiti gayong brutal ang pangbababoy na ginawa sa kan'ya? Hindi ko lubos maisip na makakayanan niya 'to. Bumuntong hininga ako at binalik ang tingin sa kawalan. “Hindi mo kailangan matakot sa'kin, Criselda. Kakampi mo ako.” ani ko. “YOU may count on her to take care of you while I'm away or busy with other responsibilities. You can also trust her because she's Raquel's cousin and please let her know if you are experiencing any discomfort so that she can contact me and inform the doctor about your condition.” pagpapakilala ko sa pinsan ni Raquel na si Thea. Pitong taon na siyang nagtratrabaho rito bilang isang nurse, at siya lagi ang nurse na umaasikaso sa'min kapag wala si Theo ang kakambal niya. Tumingin sa'kin si Criselda, nanlalaki ang mga mata at parang hindi makapaniwala sa narinig niya. Ngumiti ako at hinawakan ang kamay niya. “Huwag mo na akong tanggihan, Criselda. Ang importante ay ang kalagayan mo, kailangan mong maging okay hanggang sa malaman ko kung sino ang bumaboy sa pagkatao mo.” nakangiting batid ko. Tumingin ako kay Thea at tinanguhan siya senyales na siya na ang bahala kay Criselda. Saglit akong nagpaalam kay Criselda hanggang sa itinuloy ko na ang paglisan ko. Alas nuebe na rin kasi ng gabi at alam kong hinahanap na ako ni Mom. Naglakad ako papunta sa sasakyan ko at pinaandar na ito. Minuto lang ang itinagal ko sa byahe dahil hindi naman gaanong traffic sa dinadaanan ko. Pinark ko ang kotse ko sa parking lot namin at pumasok na sa loob ng bahay. “Hera, saan ka nagpunta?” salubong ni Mom sa'kin. Sinalubong ko naman siya ng yakap at saka nagsalita. “Hinatid ko lang si Criselda sa kanila.” batid ko at tiningnan ang reaksyon sa kaniyang pagmumukha. Nakakunot ang kaniyang noo habang nakatingin sa'kin, hanggang sa nagbago ang expression ng kaniyang pagmumukha. “Oh, right. Okay, that's good.” pagkatapos niyang sabihin 'yon ay nag-paalam na siya sa'kin. May gagawin pa raw kasi siya at naudlot lang 'yon dahil sa pagdating ko. Dumiretso na ako sa kwarto at agad na hinubad ang saplot sa katawan. Hubo't hubad akong pumasok sa loob ng banyo at binuksan ang shower upang magising ang natutulog kong utak. Hindi pa rin ako maka get over sa nalaman ko, pakiramdam ko ako ang may kasalanan kung bakit nangyari kay Criselda ito. Isa pa sa prinoproblema ko ay Dad. Siya lang naman ang kasama ni Criselda noong nasa Palawan kami. Bumuntong hininga ako at ipinikit ang mga mata dahil hindi ko na alam kung anong gagawin. Sunod sunod na dumarating ang problema, parang buhos ng ulan. Damn it. Pinatay ko na ang tubig at binalot ang sarili ng roba. Sobrang bigat ng mga paa ko habang naglalakad palabas ng banyo, pakiramdam ko pasan ko ang problema ng pilipinas, pumikit ako at dumiretso sa balcony nitong kwarto ko. Gusto kong makalasap ng sariwang hangin, gusto kong lumagay muna sa tahimik ang isip ko, gusto kong manahimik muna kahit saglit. Tumingin ako sa madilim na kalangitan na parang kaunti na lang ay bubuhos na ang ulan. Sobrang lakas din ng hangin at para akong tinutulak papasok sa loob ng kwarto. Muli akong bumuntong hininga. “I don't f*****g know what to do…” bulong ko. Sampung minuto akong nakatayo sa balcony, hindi ko alam kung kailan huhupa ang bigat na nararamdaman ko. Gusto kong lumagay sa tahimik kahit sandali lang pero hindi ko magawa dahil binabagabag ako ng isipan ko. Sinasabi ni'to na kailangan kong mahanap ang taong gumawa ng kababuyan kay Criselda, bawal akong mag-relax lang dahil ako rin naman ang may kasalanan kung bakit siya nagahasa. Pero may parte sa'kin na hu'wag kong sisihin ang sarili ko sa nangyari dahil hindi ko naman alam na mangyayari ito. Sobrang gulo. Naguguluhan na ako. Oh god. Pumasok ako sa loob para kunin ang phone ko, tatawagan ko si Thea para malaman ang kalagayan ni Criselda. Nang makuha ay muli akong nagtungo sa balcony at tinawagan na siya. “Ate!” magiliw na bati sa'kin ni Thea. “Good evening, Thea. Kumusta na si Criselda? Uhm, anong nararamdaman niya? Is she acting weird or something?” mabilis kong tanong sa kan'ya. “Yes, ate. She's not acting weird, okay siya.” napangiti naman ako dahil sa narinig. As long na okay siya ay okay na rin ako. “Okay, thank you, Thea. Alam kong ikaw talaga ang maaasahan ko pagdating d'yan, sabihin mo lang sa'kin kapag may nangyari kay Criselda, huh? And when she's okay na I'll buy you that instrument you keep mentioning.” narinig ko ang pagsinghap niya na aking ikinatuwa. “Ate naman! Hindi mo na kailangang gawin ko. Trabaho ko naman ito and hindi mo naman 'yon tungkulin.” napangiti ako dahil sa sinabi niya. Ilang beses ko na siyang inalok noon na bibilhin ko ang favorite niyang guitar pero lagi niya akong tinatanggihan, sapat na raw yung mga tinulong ko sa kan'ya at hindi niya na raw kayang abusuhin pa ang kabaitan ko. Napakusot ako sa aking mata ng may pumasok na dumi mula rito. “You keep rejecting me and say that you are abusing my kindness, despite the fact that I am glad to help you as long as you achieve your goal.” narinig ko ang mahinhin niyang tawa. Bagay na bagay sa kan'ya ang tawa niya dahil para siyang anghel na assistant ni San Pedro. “Ate, naman… Naabot ko na kaya ang mga pangarap ko dahil sa'yo. Siguro kung hindi mo ako tinulungan ay baka wala ako rito sa pinagkakatayuan ko kaya salamat sa'yo, ate. Promise hindi mo na kailangan pang bigyan ako dahil sapat na yung mga binigay mo sa akin.” napangiti ako dahil ilang beses ko na itong naririnig sa kan'ya. Galing sa mahirap na pamilya si Thea, pinsan siya ni Raquel pero nahiwalay sila sa kanilang ama na uncle ni Raquel noong mga bata pa sila. Nakilala ko siya noong nasa daan ako, sobrang init kasi ng wig na sinusuot ko at konti na lang ay mahihimatay na ako, mainit pa ang panahon no'n kaya pakiramdam ko mamamatay na ako. Mabuti na lang at siya ang nasalubong ko at binigyan ako ng maiinom. Wala ring kasing lumalapit sa'kin dahil para akong mangangain ng tao dahil sa hitsura ko. Pinaupo niya ako at pinagpahinga sa libreng bench sa park at doon nag-umpisa ang pag-uusap namin hanggang sa nalaman ko na pinsan siya ni Raquel dahil noong sinama ko siya rati sa bahay ng magulang ni Raquel ay agad siyang nakilala ng uncle ni Raquel na saktong nando'n. “Nakumbinsi mo ako ngayong araw pero kukulitin pa rin kita ng kukulitin. Good night, Thea.” “Good night din, ate.” Nang maibaba ko ang tawag ay pumasok na ako sa loob at nagsuot na ng panjama. Matapos kong mapatuyo ang buhok ko ay lumabas ako ng kwarto para kumuha ng salad na nakita kong ginagawa kanina ni Manang. Speaking of Manang bakit niya kaya iniiwasan ang tingin ko kanina? Parang takot na takot siyang magtama ang tingin naming dalawa. Umiling ako at ipinagpatuloy ang paglalakad papuntang kusina. Wala ng tao sa loob ng kusina, kaya agad akong kinuha ang salad na nasa loob ng ref. Nagsalin ako sa plato at naupo sa bar stool at sinimulan ang pagkain ng salad. Habang kumakain biglang may nahagip ang mata ko na parang may naglakad patungo sa hagdan. Tumayo ako upang tingnan kung sino ito at napangiti ng mapagtanto na si Dad ang taong nasa hagdanan. “Dad.” nilingon niya akong may bahid na pagod at frustration ang pagmumukha. Mukhang nagulat siya dahil bigla nagbago ang expression ng kaniyang pagmumukha. Nakangiti na siyang bumababa papunta sa direksyon ko. “Hera.” agad kong sinalubong ang yakap niya at napakunot ang noo ng makaamoy ako ng hindi familiar na pabango. Mabilis akong ngumiti ng bitawan na ako ni Dad. “What are you doing here? Kumakain ka ba?” tumango ako. “Nagpalit ka ba ng pabango, Dad?” tila nagulat siya sa tanong ko at nagmamadaling inamoy ang damit. Tumingin siya sa'kin ng mapagtantong iba ang amoy niya. “Perhaps your uncle's wife's scent lingered on me?” ngumiti na lang ako sa kan'ya at hindi ipinakita na nagdududa ako sa tugon niya, at sa kan'ya. “Sige aakyat na ako.” tumango ako at pinanood siyang maglakad papunta sa kwarto nila ni Mom. Naningkit ang mga mata ko ng mawala na sa paningin ko si Dad. Umiling iling ako at muling binalikan ang naiwan kong pagkain sa loob ng kusina. Hindi ko na siya nakuhang tanungin tungkol kay Criselda dahil sa pabango na nakakapit sa damit niya. Napatawa ako ng mahina at tumingin sa kawalan. What the are he doing? May ginagawa ba talaga siyang hindi kaaya aya kay Mom? Sinasaksak ba niya patalikod si Mom? I don't know what to do. Nasisiraan ako nang bait sa nangyayari!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD