“Wala lang 'to Blaze. Hu'wag kang OA d'yan,” hasik ko sa kan'ya dahil akala mo malapit na akong mamatay dahil sa reaksyon niya. Poker face naman 'yung pagmumukha niya pero kung maka dial ng hospital number akala mo ay may nangyari nang masama sa akin. Buhay pa naman ako at humihinga at tsaka hindi na nga malaki ang bukol ko pero heto siya, poker face ang mukha at nagpapanic. “Ikaw rin, Harold. Promise, kailangan niyong kumalmang dalawa. Nauntog lang ako kaya nagkaroon ako ng bukol,” sumasakit talaga ang ulo ko sa dalawang ito, oo. Pumunta rito ng walang pasabi sabi, bigla na lang kumakatok sa pintuan ko na may dala dalang maraming first aid kit. Akala ko nga dadalhin na ako sa hospital dahil sa dami ng kit nila. Muntik pa akong maiyak dahil tumatawag na pala ng Doctor itong si Blaze hab

