‘Anong nangyari d'yan sa ulo mo, anak?’ tiningnan ko si Mom sa screen ng laptop ko at nginitian siya ng malaki. Wala sana akong balak tawagan si Mom sa Stype nguni't nangako ako sa kan'ya sa sasabihin ko o ike-kwento ko sa kan'ya kapag may nangyari sa akin, pero syempre hindi ko na kinuwento sa dalawa ang bukol ko sa katangahan. Sapat na 'yung hiyang naramdaman ko sa nga friends at family ko. ‘Nauntog lang, Mom,’ hasik ko sa kan'ya. ‘Aba'y ano naman kasi ang ginagawa mong bata ka? Kay laki laki mo na ay talagang nauntog pa 'yang ulo mo? Aber, anong katangahan nanaman 'yang nagawa mo sa Paris, Hera?’ galit na sermon sa akin ni Mom. Sa tuwing ganito ang mangyayari sa akin naririnig ko ang mga talak niya sa akin, pero syempre namiss ko rin 'to, 'no! ‘Dad, pagsabihan mo nga si Mom. Pinapag

