SOMEONE'S PERSPECTIVE “NASAAN na ba si Cedric, kahapon pa nawawala ang batang 'yon at nag-aalala na ako. Ni hindi ko alam kung sinong tao ang hihingian ko ng tulong Benjamin, hindi ko na alam ang gagawin ko. Nawawala na nga ang panganay nating anak, pagkatapos si Cedric naman itong nawawala.” naluluhang hasik ni Aunor sa kaniyang asawang si Benjamin. Kahapon kasi ng biglang mawalang parang bula ang kanilang anak, walang nakapagsabi kung nasaan ang binata, ni hindi 'to nagpa-alam sa kan'ya. “Kasalanan ko ang lahat ng 'to Benjamin! Hindi ko na inaalala ang mga nararamdaman ng ating mga anak.” naluluhang wika ni Aunor sa kaniyang asawa na miski namomoblema na sa kanilang sitwasyon. Hindi nila kayang hingan ng tulong si Mrs. Velasquez dahil hiyang hiya sila sa mga binitawang salita ng kanila

