HERA'S DAHAN dahan kong iminulat ang aking mga mata dahil sa malakas na pagyugyog na aking nararamdaman. Bumungad sa akin ang mukha ni Bituin na tila papikit pikit pa ang mga mata. Bumangon ako at kinuskos ang mga mata ko upang malinaw ko siyang makita. May hawak hawak siyang cell phone sa kanang kamay niya at nakatapat ito sa aking pagmumukha. “Blaze is looking for you.” usal niya at sapat na rin upang maintindihan ko kahit papikit pikit pa ang mga mata ko. Kinuha ko sa kan'ya ang cell phone at nagsalita. ‘Hello? Bakit?’ tanong ko gamit ang bagong gising kong boses. ‘Did you just wake up?’ bakas ang pagtataka sa kaniyang boses. ‘Yes, why?’ tumayo ako sa aking pinagkakahigaan at kinuha ang roba saka lumabas ng kwarto. Naiwan naman sa loob si Bituin, siguro inaantok pa siya. Sa ibaba

