HERA' S PERSPECTIVE HALOS hindi makapaniwala ang dalawa niyang tainga sa narinig. Ang sabi niya handa siya sa ganitong sitwasyon lalo na't may hinala sila sa kanilang ama. Ngunit hindi niya inaakalang mawawala lahat ng tapang mo sa katawan once na marinig mo sa mismong bibig ng taong minamahal mo na may iba na pala siyang minamahal. Hindi niya maigalaw ang dalawa niyang mga paa, akala niya makakapagpahinga na kahit papaano ang utak niya, akala niya mawawala kahit papaano ang sakit sa ulong nararamdaman niya. Pero akala niya lang pala 'yon. Hindi pala siya puwedeng magpahinga, ang akala niya kasi puwede na, eh. Sino ba namang magaakala na sa isang araw tatlong beses siyang namatay sa nasaksikan at nalaman niya. Gusto niyang umiyak, gusto niyang ibuhos ang sakit na nararamdaman niya pero

