HERA'S PERSPECTIVE Nanlalamig ang dalawa niyang kamay habang nakaupo sa harap ng polis. Tahimik din si Thea sa tabi niya, nanlalamig din ang mga kamay at punong puno ng luha ang mga mata. Huminga siya ng malalim at kahit na nanlalamig ay hinawakan niya ang nanginginig na kamay ng dalaga. Tumingin ito sa kan'ya gamit ang pagod na pagod nitong mga mata. “Calm down, Thea.” nakangiting batid niya rito. “Patawarin niyo po ako, ate.” muling bumuhos ang luha sa dalawang nag-gagandahang mga mata ni Thea. Kanina pa ito umiiyak kaya namamaga na ang mata ng dalaga. “No, wala kang kasalanan sa nangyari. Hu'wag mong sisihin ang sarili mo, Thea.” mahigpit niyang hinawakan ang nanlalamig nitong mga kamay. “H-hindi, ate… May kasalanan ako sa nangyari.” pumikit si Hera at hinawakan ang magkabilang pis

