Kakalabas ko lang ng Hospital ng tinakas ko ang sasakyan ni Mama. Pupunta ako sa dating bahay nina Mommy La at Daddy Lo.
It's been a years nung huli akong pumunta sa Zamboanga. Sa shortcuts ako dumaan para hindi mahuli. I'm only 17 years old and 21 pataas ang pwedi lang lumabas.
Bakit nga ba ako pupunta sa bahay nina Mommy La. Simple gusto kong mapagisa. Gusto kong makapagisip, gusto kong magmuni-muni.
After 3 hours na pagdridrive finally I'm here. May kalumaan na din ang bahay nila Mommy La pero may nag-aalaga naman dito.
"Gwen!" tawag sa akin ni Manang Lita.
"Manang kamusta na po kayo?" tanong ko dito.
"Ayos naman ikaw iha kamusta kana ang tagal mong hindi dumalaw dito," ngumite ako sa kaniya.
"I'm okay Manang Lita,"
"Ikaw talagang bata ka hindi ka pa rin nagbabago tuwing tinatanong kita kung kamusta yan lagi ang sagot mo," nakapameywang na sabi niya napatawa ako ng mahina at napailing na laman.
"Kasi po yun ang totoo I'm oka-Aray Manang naman eh," napaaray ako dahil kinurot niya ako sa beywang ko.
"Ewan ko sayong bata ka kahifmt hindi ka okay sinasabi mo na okay ka. Halata sa mata mo," napangiti ako ng mapakla.
"Ayos lang po ako, by the way manang dito po muna ako bukas na po ako uuwi," sabi ko sa kaniya.
"Ah ganoon ba gusto mo ba sabihan ko si-"
"Manang hindi na po kaya ko po. At isa pa gusto ko din mapagisa," agad kong pinutol ang sasabihin niya kasi kilala ko na yung tutukuyin niya sana.
"Sige iha pupunta ako dito mamaya nang mapaghandaan kita,"
"Manang okay lang po I can cook naman eh remember kayo po ang nagturo sa akin gumawa ng gawaing bahay,"
"Kahit na at alam kong pagod ka sa biyahe,"
"Manag please," ngumiti ako sa kaniya.
"Sige kung yun ang gusto mo," niyakap ko siya.
"Thank you Manang," bumitaw ako sa pagyakap sa kaniya "At pwedi po ba na wala po kayong pagsasabihan na andito po ako,"
"Sige makakaasa ka. Paano at mauuna na ako dadaan pa ako sa palengke,"
Umalis na si Manang binaba ko na yung mga dala ko at pinasok sa loob. Ibinaba ko yung mga dala ko sa kusina at pumunta sa sala. Agad kong nakita yung mga pictures namin kung saan masaya pa kami.
"Hanggan picture na lang tayo,"
---
"Oh f**k! Gwen stop crying hindi ka pa nagsasawa?" sabay bato nang bote na iniinom ko.
Hindi ko na alam gagawin ko sabay-sabay. Pagod na ako pagod sa lahat. Pero pinipilit kong lumaban kahit alam kong talo na ako.
Ginagawa ko lahat para maging enough. Hindi ko na alam uunahin ko. Sabay-sabay kay Mama, sa studies ko, sa sarili ko at sa taong mahal ko.
Gusto ko siyang kausapin pero mukhang ayaw niya akong kausapin kaya hindi ko siya ginugulo kahit na gustong gusto ko na siyang kausapin. Si Mama hindi kakatigil mag compare sa akin. Hinang-hina na ako hindi ko na alam gagawin ko.
----
Gabi na at wala parin laman ang tiyan ko kaya naisipan kong pumunta sa 7/11 ng tumawag si Faith isa sa mga kaibigan ko.
'Napatawag ka,'
'Kakausapin ka ni Tita and don't you dare na ibaba ang tawag,' sabi niya.
'Tsk,"
'Gwen si Gino wala na,'
'What?! Anong nangyari?'
'Umuwi ka na lang bukas," sabi ni Mama.
'No, uuwi ako ngayon,' pinatay ko na yung tawag.
Dali-dali akong pumanik at kinuha ang susi ng sasakyan. And f**k kung minamalas naman oh. Biglang umulan ng malakas, lalakad na ako ng biglang sumakit ang ulo ko at nakita ko na naman yung aksidente. Aksidente na dahilan ng pagkawala nina Mommy La at Daddy Lo.
Umuulan din ng malakas noon ganito kalakas. Pero kailangan kong umuwi. Si Gino ay kapatid ko sa ama, 11 months palang siya. Kahit naman may galit ako sa magulang niya pupuntahan ko siya. Mahal ko ang kapatid ko pero hindi ko lang napakita kasi inunahan ako ng pride at galit.
Pinaandar ko na ang sasakyan at mabilis na pinatakbo. Kasabay ng pagbuhos ng ulan ang pagbuhos ng aking mga luha. Bakit hindi man lang akong hinayaan na maging masaya kahit konti lang.
"s**t!" napamura ako dahil muntik na akong mabangga ng malaking truck.
"Ahhhhh! Ang tanga tanga mo Gwen muntik ka ng mamatay," sigaw ko sa loob ng sasakyan ko.
Tumunog ang cellphone ko nakita kong tumatawag si Mama. Pinatay ko iyon at tinignan ang oras 8 pm na. Pinaandar ko ulit ang sasakyan. At pinagpatuloy ko ang pagdridrive ko.
---
9:00 pm nang makarating ako sa bahay nina Papa. Halos 2 oras ang naging biyahe ko dahil sinadya kong binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan. Nakita agad sila sa garden. Oo, sa garden nila nilagay ang kabaong ng aking kapatid.
"Gwen," tawag sa akin ni Mama tinignan ko lang siya.
Lumakad ako palapit sa kabaong ng kapatid ko. Habang lumalakad ako patuloy ang pagtulo ng aking mga luha. Nang nakarating na ako nanghina ako buti na lang at nahawakan ko ang kabaong ni Gino.
"B-Bakit ka umalis agad? A-Ayaw mo bang m-makita si a-ate? Kasi si a-ate gustong-gusto k-kang m-mayakap at m-mahalikan," iyak na sabi ko sa kaniya. Alam kong hindi na niya ako maririning.
Naramdaman ko na lamang na may yumakap sa akin. Si mama ang yumapakap sa akin.
"Shhh enough Gwen baka may mangyari sa'yo,"
"G