♥Flashback.♥
"Rinne pwede ba kitang makausap? I have something for you... from your mother..."
Lumingon ako saglit kay Heiden na ngayo' may halong pagtataka ang mga mata niya. Tumitig ako sa kanya upang humingi ng permiso. Tumango ito bilang sinyas.
"Okey. Take your time" saad niya bago ppumasok s aloob ng kotse niya.
Humarap ako sa babae at malamig lang ang pakikitungo ko sa kanya.
"Gwapo ng boyfriend mo ah, no doubt maganda ka naman, like mother like daughter" puri niya na may kislap sa kanyang mga mata at panay din ang sulyap niya kay Heiden.
Akala ko ba ako ang gusto niyang makausap pero nasa kay Heiden ang atensiyon niya?
"Hindi ko po siya boyfriend. He's my Boss" malamig kong saad.
"Ayy, sayang naman. Hindi pala umubra beauty mo sa kanya'' may halong pagka-dismayado ang boses niya "Nga pala Rinne may gusto akong ibigay sayo" nabaling ang atensiyon ko sa isang bagay na inaabot niya sa akin na nagmula sa loob ng bag niya. Envelope?
"Bakit mo ako binigyan nito?" tumaas bigla ang kilay ko.
"Kakauwi ko lang galing America at kinausap ako ng Mama mo kung pwede niya umano to ipadala sa'kin para ibigay sayo" nakangiti nitong usal.
Napako lang sa envelope and tingin ko at habang patagal na patagal ang paninitig ko sa bagay na 'yon ay nakaramdam ako ng kirot. Bumabalik ang lahat ng sakit after 8 years. Yung mga masasakit na dinaanan ko noon, yung mga paghihirap at ang pagiwan nila sa akin.
Bakit ngayon lang ulit siya nagparamdam sa'kin pagkatapos ng ilang taon? Sila ang dahilan kaya ako nakagawa ng desisyon kaya naging miserable ang buhay ko noon hanggang ngayon.
"Wag kana daw mag-alala sa kanya, iyon ang habilin ng Mama mo. She's fine and happy now with her new family in America. May number siya diyan na nakalagay sa folder. Tawagin mo siya kapag may problema ka" sabi pa niya.
Hindi ako umimik at nakatulala lang ako sa kanya. Hindi ko maiwasan hindi magalit kay Mama. Bakit ang sakit parin?
"Tita Jhai, sa tingin mo namimiss din ba ako ni Mama?" wala sa sarili kong tanong na may halong pananabik.
Kahit galit ako sa kanya, Nanay ko parin yun. Si Tita Jhai ang nag-iisang bestfriend ni Mama kaya palagi niya itong karamay sa lahat. Lumapit siya sa'kin at nilagay sa kamay ko ang envelope.
"Oo naman Rinne, hindi niya 'to ipapadala sa'kin kung hindi kanya naalala. Syempre may Ina bang hindi namimiss ang kanyang anak? Ikaw talaga kaya tanggapin mo na 'to okey?" nakangiti niyang saad.
Tumango nalang ako at bahagyang dumaloy sa pisnge ko ang mga luha.
"S-salamat" saad ko sabay punas sa luha ko.
"Walang anu man Rinne, your Mother is my bestfriend at kung kailangan mo ng tulong, andun lang ako sa loob" saka niya tinuro ang restaurant kung san kami nanggaling kanina ni Heiden. So sa kanya pala ang Jhai's fine dining restaurant.
Ngumiti naman ako ng tipid sa kanya. "Maraming salamat"
"O, siya mauna na ako sayo baka nainip na sa kakahintay sayo ang boyfriend ay Boss mo pala" natawa ito sa huli niyang saad. Tumango nalang ako sa kanya bago niya ako tinalikuran.
End of the flashback.
Magara at magarbo ang buhay ko noon dahil sa utang ni Papa at Mama. Habang lumalaki ako, mas lumubog at lumaki ang interest nila. Dahil nasa legal age na ako, ako ang hinabol ng banko na pinag-utangan namin at yun ang isang dahilan kaya ako naghiram ng 5 million kay Heiden. But more than 2 million pesos was spend on Ameerah's surgery. My parents are both running away that time at iniwan nila ako kay Lola Maring hanggang sa mag-college ako. It really breaks my heart that time when my parents left me behind like just their pet.
"Hey"
"Hey are you listening?"
"Love?"
May nagsasalita ba sa paligid ko? Nakaramdam naman ako ng maiinit na kagat ng bubuyog sa labi ko. Napakurap ako nung Iginiya nito ang dila dahilan kaya ako humalik pabalik. Mas lumalim ang halik niya naging mapusok at aktibo rason upang mas uminit ang katawan ko.
Teka sino siya? Namilog ang mata ko nung napagtanto kong si Heidenn ang humalik sa'kin. Pareho naming hinahabol ang hininga nung nagkahiwalay ang mga labi namin.
Tumawa ito ng mahina. "Halik lang pala ang paraan para makuha ang atensiyon mo"
I gulped at umiwas ng tingin. Geez. Ang pisnge ko nagiging kamatis na at saka halos na hindi ako maka pagsalita.
"I don't fully understand it . Normal lang mag-over thinking ang isang tao kapag my problema sila pero Ikaw? bakit para kang abnormal diyan?" may halong pagmamaktol ang boses niya.
Loading. . .
Hindi ko talaga gets sinabi niya.
"Anong pinag-sasabi mo dyan?" nagtataka kong tanong. Hindi parin ako nag-iisip ng tama ngayon, pati ako rin di ko alam kung bakit.
He only shook his head at saka inayos ang sarili niya. Mukha din siyang badtrip na hindi ko maintindihan.
"Nothing. Well, I just wanna ask you If may plano ka pang bumaba sa sasakyan ko or I
iuuwi nalang kita then I'll continue eating my dinner?"
Ano? kumunot ang noo ko pagkatapos kong marinig ang sinabi niya. Tumingin ako sa labas ng bintana niya at nagmasid sa paligid. Tanga, naka park na pala kami sa harap ng bahay namin.
Sumulyap ako sa kanya pero nakatitig lang sa akin si Heiden.
"Kanina na ba tayo dito?"
"Just a while" tugon niya naman.
"Ahh, so sa tingin ko mauna na ako sayo" medyo nag-iwas ako ng tingin.
"Wag kang magpaalam baka hindi kita papayagan" tinaasan ko siya ng kilay pero naging chilli na ang pisnge ko sabay talon pa ng puso ko.
"O-key goodbye nalang and maraming salamat sa dinner" I said as I not try to show how happy I am though my day is a little bit rough.
"You don't have to thank me. Okey see you tomorrow" he smiled after saying that.
Tinanguan ko muna siya bago ako bumaba mula sa loob ng kotse niya
"MAMASHIIE!!!!"
Mabilis naman akong napalingon sa may gate. jusko! gabi na ah, bakit nasa labas pa si Ameerah? Naramdaman ko nalang na yumakap na pala sa tuhod ko si bulilit.
"Mamashie bakit ang tagal mo? kanina pa kita hinihintay Mamashie" ngumuso ito na may halong pananabik. Kinarga ko naman siya sa aking mga braso.
"Pasensiya na baby, marami kasing dapat tapusin si Mamashie" malumanay kong sabi at hinalikan siya sa kanyang noo. "Ikaw? bakit nasa labas kapa? gabi na oh"
Ngumuso lang sa akin si Ameerah.
"Hinihintay po kasi kita----"
"Was she your youngest sister?"
Napahinto kami pareho ni Ameerah. Lumingon ako sa gawi ni Heiden na ngayo'y nakatayo at nagmamasid sa amin dalawa ni Ameerah. Halos hindi ko nga mailunok ang mga nanuyo kong laway.
Akala ko ba nakaalis na siya?
"Hello Po" masiglang bati kaagad ni Ameerah at kumaway-kaway pa kay Heiden.
Heiden waved back to Ameerah. Kunot noo akong napatitig sa kanya at kay Heiden kaliwa't kanan. Punong-puno ng pagtatanong ang Isip ko kung paano sila nagkakilala.
Gumuhit sa labi ni Heiden ang isang matamis na ngiti saka lumapit sa gawi namin habang nakapamulsa. Oh God! ngayon ko lang siya nakitang ngumiti ng ganun.
Halos hindi ko mahabol ang t***k ng puso ko nang naramdaman ko na ang pag-buo ng pawis ko sa noo.
"Hello too baby girl" hindi parin umaalis sa labi niya ang matamis na ngiti.
Baby girl?
Bigla siyang sumulyap sa'kin dahilan kaya ako napalunok ng wala sa oras. Nagtama ang mga titig namin na hindi ko alam kung ano ang maramdaman na tila bang nagpapahiwatig ito na gusto niya ng kasagutan.
"Was she your-----"
"Mamashie!" masayang lumingon sa'kin si Ameerah na may kislap sa mga mata. "Siya po yung kumampi sa'kin kanina Mamashie nung inaway ulit ako ni Tobi sa school" pagsumbong ni Ameerah saka ngumuso pero hindi parin mawawala ang ngiti niya.
Sumulyap ako kay Heiden at sapilitan ngumiti sa kanya. Bakas sa mukha nito ang pagtatanong at pagtataka. Tumikim ako. Nasusuffocate ako ngayon. Halos hindi pa ako makahinga.
So ibig sabihin kanina lang sila nagkakilala ni Ameerah? Pinilit ko nalang pakalmahin ang sarili kahit may namumuong takot na sa aking isipan. I gulped at umiwas ng tingin mula kay Heiden.
"A-aah inaway ka ba ulit ni Tobi?" pag-iiba ko nalang ng tanong at iniwasan ang nagtatanong na titig ni Heiden.
"Opo Mamashie. He's so bad roster Mamashie, inaway niya ako palagi at kinuha pa niya yung kendy ko mamashie" lukot mukhang sumbong ni Ameerah sakin at ngumuso.
Napakurap ako ng Ilang beses dahil hindi ko masink-in sa utak ang mga sinasabi ni Ameerah dahil abalang abala ang diwa ko sa presensiya ni Heiden.
Sinikap ko talaga maka-buo ng salita sa bunganga.
"Ahh ganun ba baby?" masuyo kong tanong nalang kay Ameerah. Ilang beses naman tumango si Ameerah.
"Opo, Mamashie! at kinampihan po ako ni," lumingon ito kay Heiden na agad naman niyang tinugon ng masuyong ngiti.
"Hello po, pwede ba kitang tawaging Papabee?"
Namilog ang mata ko! anong Papabee? Walang humpay kong tinakip ang bunganga ni Ameerah. Nagulat naman siya sa ginawa ko. Jusko Nakakahiya.
"Baby, be quite na okey?" malumanay kong suway kay Ameerah habang sinusubukang alisin ang kamay ko.
"Hmmmm" sikap na sambit ni Ameerah habang umiiling.
"Remove your hands Love, hindi siya makahinga" seryoso ang baritonong boses nI Heiden na may halong authoridad.
Nagtitigan kaming dalawa saglit bago ko inalis ang pagtakip sa bunganga ni Ameerah.
"Sorry baby, wag na mag-talk please?"
Kaagad naman nilingon ulit ni Ameerah si Heiden at binaliwala ang sinabi ko.
"Pwede ko po ba kayong tawaging Papabee? wala po kasi akong Daddy e" napasimangot si Ameerah at bakas sa boses niya ang lungkot
Wala po kasi akong daddy? That line felt like a stab in my heart. Akala ko sa mga panahong lumipas, hindi nagrereklamo at naghahanap ng tatay si Ameerah pero habang lumalaki siya mas lalo pala itong nanabik sa kanyang Tatay.
Nag-iba ang aura ni Heiden na ngayo'y titig ng titig kay Ameerah. Bigla akong naalarma nung binaling niya sa'kin ang mga mata niya. I'm into another trouble.