RINNE's POV
"Pasensiya kana sa kanya madaldal kasi 'to masyado. Wag mo nalang pansinin yung sinabi niya" sabi ko kay Heiden at binaba ang tingin ko kay Ameerah na ngayo'y magkasalubong at napasimangot sa akin.
"Mamashie gusto ko ng Daddy!" pagmamaktol naman ni Ameerah. Alam ko 'yan baby pero hindi talaga maari.
"Sssssshhh" suway ko sa kanya.
Napapitlag na lamang ako nung naramdaman ko ang brasong kumuha kay Ameerah mula sa akin. Natameme ako at para bang statwa. Hindi ko alam kung bakit nagpaubaya ang mga braso ko para pakawalan si Ameerah. Hindi ko namalayang lumapit na pala sa amin si Heiden.
I watched him as he embraced Ameerah in his arms. Walang halong takot at pagtataka ang nakaguhit sa mukha ni bulilit ngunit mas nasisiyahan pa nga ito sa bisig ni Heiden.
"Please po, pwede ba kitang tawagin Papabee?" pacute namang sambit ni Ameerah kaagad kay Heiden. Sumulyap naman sa gawi ko ang titig ni Heiden.
Napalunok ako at nakaramdam na naman ako ng maiinit na dugo sa pisnge ko, hindi ako nakapagsalita kaya tumahimik nalang ako sa tabi. Bahagya itong ngumiti na nagpalambot lalo sa puso ko.
"Sure, you can call me Papabee or Daddy, anything you want to call me" muli siyang sumulyap sa'kin "Pero parang ayaw naman ata ni Mamashie mo" may halong panunudyo ang baritonong boses nito na nauwi sa isang ngisi.
"Mamashie, payag kana po please?" bakas sa mukha ni Ameerah ang kislap at pananabik na magkaroon ng Daddy.
"Look Mamashie I have Daddy now" nakangiting sabi sa akin ni Ammerah. Napayakap siya sa leeg ni Heiden at napatawa ng mahina.
Napaiwas ako ng tingin dahil sa nakita ko ngayon. My heart almost crash when I realized the truth.
Akala mo naman ganyan lang kadali ang lahat? we're not a big happy family Ameerah para tawagin siyang Daddy. Most I scared of is that, the temporary happiness that you feel calling him Daddy when the truth is always true. That himself being your Daddy will never be happen.
Kalaunan ay napabuntong hininga nalang ako. Wala sa sarili akong tumango.
"Yeheeey may Papabee at Mamashie na ako!" masayang sigaw kaagad ni Ameerah. "Pero kailan po ako magkakaroon ng baby brother Mamashie?" napasimangot at inosenteng tanong ni Ameerah dahilan kaya ako napangaga.
"Ano?" pakiramdam ko natakasan ako ng kulay jusmiyo. Ano bang pinagsasabi mo dyan bulilit ka?
Nagtitigan lang kami ni Heiden ng ilang segundo. Ang mga titig naman niya ay nauwi sa isang nakakalokong pangingisi.
"You want to have a baby brother?" tanong ni Heiden kay Ameerah na mabilis naman niyang tinanguan.
"Don't worry baby girl, your Mamashie and I are still working on it" bahagya akong kinindatan ni Heiden kaya mabilis na tumatambol ang puso ko.
"Talaga po? gusto ko ngayon nyo na po gawin yung baby brother ko. Sige na po Papabee gusto ko na kasi ng kalaro, please Mamashie" at Inosente akong nilingon ni Ameerah na kasalakuyang nanunuyo ang lalamunan.
Ano? ano sasabihin ko? takte ka talagang bata ka.
Mahinang tumawa si Heiden. Sinimaan ko naman siya ng titig si Heiden saka pinandilatan but evenually he don't mind it.
"Baby girl, hindi ganyan kadali gawin si baby boy okey? pag-uusapan pa kasi namin iyan ni Mamashie mo" masuyong pagpapa-intindi ni Heiden kay Ameerahsaka niya ako nilingon na may halong kapilyuhan.
Mabuti naman nakuha niya ang ibig sabihin ng titig ko.
"Ayy, ang tagal naman nun Daddy e!" mataray na asik ni Ameerah. Daddy? I admit it.
Maganda siya sa tenga. Sounds almost perfect. At this moment, I suddenly forgot that he was my boss. I glared at him.
"What are you saying?" I said with full control of my voice not to volume up.
"Don't ruin the moment" he said instead.
Umiling nalang ako at bumaling kay Ameerah.
"Ameerah, tama na yan okey? ang daldal mo na masyado" malumanay kong pagsuway sa kalokohan nilang dalawa.
Lumapit ako sa kanila upang kunin ko sana mula sa bisig ni Heiden si Ameerah pero bahagya niya itong inilayo mula sa akin.
Tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Hep" sabi niya saka may kinuha ito sa bulsa niya.
"Ano 'yan?" tanong ko kaagad nang inabot niya sakin ang cellphone.
"Hindi ba obvious? It's cellphone"
"I know pero ano naman gagawin ko sa cellphone mo?" nagtataka kong tanong sa kanya.
"Take us some picture"
Magpapa-picture?
"Bakit naman?" kaliwa't kanan namang tumitig saamin si Ameerah.
"Because we are both gifted with same eyelashes" sabi ni Heiden na nagpakurap sa akin ng ilang beses saka siya bumaling kay Ameerah. "Right baby?"
Sumang-ayon naman si Ameerah. "Yess po Daddy!" saka tinitigan sa malapitan ang mukha ni Heiden.
"Pero kay Mamashie, ang pangit"
"Tss. silly"
Sinamaan ko ng titig ang dalawa. Pinag-kaisahan niyo ba ako?
"Your Mamashie is beautiful baby" sabi naman ni Heiden saka sumulyap sa akin. My heart jumped on that moment.
Wala sa sarili akong napabuntong hininga at kinuha nalang ang cellphone.
"Tingin na kayo dito"
Pareho silang ngumiti sa cellphone. They are both looking remarkable.
After many shots, binalik ko kaagad ang cellphone kay Heiden at kinuha mula sa bisig nito si Ameerah na bakas parin ang kasiyahan.
"So, was she your youngest sister? Siya ba yung kapatid mong kailangang operahan sa puso?" seryoso nitong tanong. Akala ko ba nakalimutan mo na ang tanong na yan? Tumango ako.
"Yes she is" tugon ko kaagad.
"Good, I'm happy for her. She definitely survived the surgery" ngitian niya ako. "And please take good care of her , she don't deserve to be sicked again" saad niya na hindi parin inaalis ang titig sakin.
Bahagya akong napaiwas ng tingin. For the first time, he pleases me in behalf of taking good care of Ameerah.
"I always do ---" bahagya akong napatungo bago nagsalita ulit. "Siya nga pala salamat sa tulong mo"
Tumango-tango nalang siya pero ngumisi din kaagad.
"Hmm tulong ba yon or utang?" may bahid na panunudyo ang boses ni niya
Sabi ko na nga ba e. Napasimangot pa ako.
"Kahit na parang tulong na din 'yon saka na lang kita babayarin" sabi ko nalang saka siya nginitian. "Give me more time"
"Don't worry about it. We save money and spend afterwards" sabi niya.
Tumikim ako at tumatango "Well, Heiden mukang late kana ata sa pag-uwi"
Ginalaw nito ang ibabang labi "Yeah, you're right pero kahit late ako uuwi wala naman akong asawa na magmamaktol sa bahay" natatawa nitong saad.
He stared at me for a seconds then he slowly nodded.
"I'll go now" wika niya. "Good night to you baby girl" baling niya kay Ameerah bago dahan-dahan na tumalikod para umuwi.
Booooooooooggggggs!!!!
Sabay kaming lumingon ni Heiden kung saan direksyon galing ang ingay. Anong nangyayari? Napahinto sa pag-pasok sa loob ng sasakyan niya si Heiden at tumingin sa akin na may halong pagkalito. Kinutuban ako ng masama at tumitindig pa ang mga balahibo ko na tila bang may masamang nangyayari? Mabilis ko muna pinababa si Ameerah saka kami mabilis pumanhik sa loob ng bahay.
"Upo ka muna dito baby. H'wag kang aalis diyan" pinaupo ko muna si Ameerah sa may sala bago tumungo sa kusina. Halos hindi ko magawang tignan ang nakita ko. No, it couldn't be. Napatakip ako sa aking bunganga.
LOLA MARING?
"Lola? a-anong nangyari sa inyo?" naaninag ko ang isang matanda na walang malay na naka higa sa sahig habang nakakalat sa katabi niya ang nabukang baso at ang natapon na tubig.
"Lola!" nagsisikap ang boses ko dahil sa kawalan ng hininga. Mabilis akong lumuhod at agad kinapa ang ulo ni Lola.
"La? gising! La? naririnig mo ba ako?" sigaw ko habang sinusubukang gisingin si Lola. Ang mga luhang hindi ko inaasahang dadaloy ay bahagyang umagos sa aking pisnge.
"La? wag mo tong gawin sa'kin. Maawa po kayo, LoLa? naririnig mo ba ako?" sabay yugyog kay Lola na ngayo'y nakapikit ang mga mata hanggang sa napahagulhol nalang ako.
"La? wag mokong iwan La, hindi ko kaya ang mag-isa"
"What happened?" nag-alalang boses ni Heiden saka lumapit sa amin.
"I don't know, wala na siyang malay"
"We need to bring her at the hospital" sambit ni Heiden at kaagad kinarga si Lola Maring palabas ng bahay.
"Mamashie, what happened to Lola?" inosenteng tanong naman ni Ameerah nang nakita niya si Lola na karga ngayon ni Heiden.
Nagmamadali kong sinaklut ang sweater ni Ameerah malapit sa may sala at kaagad sinuot sa kanya. Hinatak ko naman ang bag kong may laman na envelope kanina at mabilis sumunod kay Heiden.
"Come on, get inside first" sambit niya kaagad nang nakita niya kami papunta sa sasakyan niya. Ako na ang nagbukas ng pintuan ng sasakyan at sumunod sa'kin si Ameerah.
Inihiga ni Heiden sa lap ko si Lola na ngayo'y wala ng malay.
"Mamashie, is Lola dying?" malungkot na tanong sa'kin ni Ameerah na ngayo'y nagpupunas ng luha.
"No... she's not, Lola isn't dying okey?" pagsisikap kong pag-paintindi kay Ameerah. Nararamdaman ko nalang ang nabubuhay na makina ng sasakyan bago pinaharurot ito ni Heiden.
"Doc? ano na po ang kalagayan ni lola? okey na po ba siya? pwede ko po bang malaman kung bakit bigla nalang siya nawalan ng malay?" sunod-sunod kong tanong kay Doc nang punong-puno ng pag-aalala.
Napabuntong hininga si Doc bago nagbuka ang mga bibig nito.
"Actually, Ms. Sandievo, I can't say that her condition will be getting better for now, but she's now stable with the uses of some painkiller medicines. However, that won't take so long due to her decrepitude. Some part of her body are numb as well as immobilized because of paralysis"
Paralysis? Paralyzed si Lola? How?
Ang totoo, wala akong naiintindihan sa sinabi ni Doc. I was doomed by my guilt. Nangyari kay Lola 'to dahil sa akin. Alam kong hindi na niya masyadong kaya pang alagaan si Ameerah pero nagsisikap parin siya.
Ang sama ko talaga sa kanya. Sana noon pa, kumuha na ako ng babysitter. Bumalik ako sa huwesyo nang nagsalita si Doc. "She's been having a heat stroke more than a years Ms. Sandievo that causes her a paralysis. We find out also that she seemed in a terribly shock before she was paralyzed"
Shock? ano naman ang nakita niya kaya siya nagulat ng ganito? Heat stroke? yan lang ang nakuha ko at alam ko na ang ibig sabihin niyan.
"Don't worry, we'll do our best to make her better. Sa ngayon, mauuna na ako sayo" 'yan nalang ang huli kong narinig sa mga sinabi ni Doc.
Tumango nalang ako at umupo ako sa tabi ng bed ni Lola. Napasubsob sa ako sarili kong mga braso. Alam ko kung bakit nagulat si Lola dahil nangyari ang kinatatakutan niya simula't sapul. Iyon ay ang mag-krus ang landas namin ni Heiden at ni Ameerah.....
Walang alam si Lola na nagtatrabaho ako sa kanya. Natatakot si Lola na malalaman ni Heiden na siya ang Ama ni Ameerah.
Yes. Heiden Fathered Ameerah. Ang masaklap sa lahat yung katotohanan na itinago ko si Ameerah bilang kapatid ko at hindi bilang anak. Yes, Ameerah was the fruit of our one night stand. Iyon ang kinatatakutan ni Lola. Ano nalang daw kaya kung hindi kami matanggap ni Heiden? Ang sama ko talagang ina no? tinago ko pa siya bilang kapatid dahil sa mga kagagahan ko sa buhay.
Hindi ko naman masisi ang sarili ko dahil yun lang ang naisip kong paraan noon para masolusyunan ang paglubog namin sa utang at sa pagpapa-opera kay Ameerah.
♥Flashback♥
Umiiyak ako noon sa bar kahit ang kapal ng make up ko. Sinadya kong pakapalin ang corete sa mukha at nag-suot ng red off shoulder na dress hanggang sa hita. Walang makakilala sa'kin because this wasn't the usual me. This is my first time to get drunk. Never pa akong pumunta sa bar at ngayon lang. Uminom ako hanggang sa malasing at saglit na makalimutan ang kalungkutan.
"I was so unlucky with this life" saad ko bago uminom ng alak at sarkastikong tumawa.
Ako ang hinabol ng mga bangkong pinagka-utangan ni Mama at Papa na ngayo'y pareho silang nawala na parang bola.
Tumigil ako sa pag-aaral para humanap nalang ng trabaho. Nagbabasakali na mabayaran ang utang namin pero? anong magagawa ng tatlong libo laban sa milyon na utang ng magulang ko?
Napapa-iling nalang ako. Bahagya akong natigilan nang nahagip ng mga mata ko ang isang kagwapuhang lalaki naglalakad ngayon sa gawi ko.
"He's the answer for all my debt" iyan ang huli kong sambit bago ko napagtanto na sinalubungan ko ang gwapong lalaki at mapusok at nangaakit ko siyang hinalikan.
Pareho namin hinahabol ang hininga habang nakatitig at tulala si Heiden sa akin.
"My first Crush" I know he's wealthy enough kaya siya ang naiisipan kong solusyon sa problema ko.
"Sleep with me for 10 mIllion"
♥End of the flashback ♥
Bigla akong naalarma ng gumalaw ang kamay ni Lola. Mabilis kong inangat ang paningin sa kanya. Bumukas ang nakapikit na mata ni Lola.
"La? Okey na ba ang pakiramdam mo?" mixed emotions ang nararamdaman ko ngayon. Saya, kalungkutan, at guiltness.
Dahan-dahan na tumango si Lola at medyo hindi siya makapag-salita dahil nga umanoy paralyzed ito at yun ang isang dahilan kung bakit ako nawawasak ngayon dahil sa konsensiya.
"Iha--" bakas sa boses ni Lola ang pag-hina pero nagsusumikap parin siya sa pagsasalita. Pinahid ko muna ang mga luhang kanina pa patuloy na dumadaloy sa pisnge ko.
"La? wag kana mag-salita baka makakasama sayo" halos paos kong saad kay Lola.
"R--rinne" sikap ulit ni Lola.
"La, magpahinga nalang po kayo, makakasama po sa inyo kapag pilitin mo pa ang sarili mong mag-salita" pero parang may gustong sabihin si Lola. Ang napangiwi niyang labi ay nagsisikap maibuka.
"Yung k--ka-to--toha... nan"
Iyan ang isang salita na galing sa bibig ni lola dahilan kaya ako mas humahagulhol. Tinuyo ko ulit ang mga luha ko saka ko naaninag ang dahan-dahan na pag tiklop ng mga mata ni Lola.
"La?" Nagtataranta kong tanong sabay yugyog sa kanya. "La? matutulog lang ba kayo?"
"LOLA!" wala sa sarili akong napatayo at mabilis na pumasok sa loob ang mga doctor at nurses at kung ano-ano ang ginawa nila kay Lola.
Bakit hindi mo sinabi sa'kin La? Bakit mo naman itinago sa'kin na matagal kana palang my heat stroke? La? Nagi-guilty ako, hindi ko kaya kung mawala ka. Ang sama ko sayo La. Pinagod kita ng sobra!
Wala akong magawa kundi nakatitig lang sa doktor at nurse. Nakahikbi ako ng binaling ang atensiyon kay Ameerah na ngayo'y mahimbing na natutulog sa my couch. Mahimbing na natutulog na tila bang magandang panaginip ang gabi na 'to.
"Tayo nalang ang magkasama baby" pabulong kong sabi habang humihikbi. "Wala na si Lola Maring"