CHAPTER 16

2241 Words
Rinne's Pov After 1 month Medyo nagbago ang takbo ng buhay namin ni Ameerah nang mawala si Lola Maring. Namimiss ko parin si Lola dahil hindi ako sanay kung wala siya sa tabi namin. Katotohan 'yan lang ang ibinilin niya sakin. Ano ang gagawin ko La? Kung ako mismo ang nagpakait ng katotohan? Alam kong selfish ang tawag sa ginagawa ko but, I'm afraid to risk everything right now. Hindi ko gustong malagay sa alanganin si Ameerah at lalong ayaw ko siyang masaktan. Dahil baka hindi siya matanggap ng Tatay niya at ang katotohan na hindi ko maiibigay sa kanya ang kumpletong pamilya. Hindi naman ako magugustuhan ni Heiden at alam kong nakalaan na ang puso niya sa iba simula't sapul palang. Kung iisipin ko ng maigi, malabo ang sitwasyon namin sa buhay ni Heiden. Hindi naman kasi madaling sabihin kay Heiden ang lahat e. Ang hirap simulan dahil nababalot ako ng katakutan at kawalan ng lakas ng loob. Look, tinago ko siya bilang kapatid dahil lang sa pera para may pambayad ako ng utang at para makapag-trabaho diba? Ang sama ko sa anak ko but you can't blame me. Mas mabuti pang manahimik muna ako sa ngayon. Nagsisikap akong ipapaintindi ngayon kay bulilit na wala na si Lola pero palagi parin niya ito hinahanap. Minsan hindi ako makakatulog sa gabi dahil sa patuloy niyang paghikbi at pananabik kay Lola. Maski ako nakisabay sa hikbi niya hanggang sa dala-dala nalang namin sa pagtulog ang umaagos na mga luha namin. Ngayon medyo kinakain parin ako ng konsensiya ko. Nung gabing dinala namin sa hospital si Lola, agad na umalis si Heiden dahil my biglang tumawag sa kanya. It's a business matter. Binisita din niya kami nung araw na inilibing si Lola. Laking pasasalamat ko dahil binigyan niya ako ng 1 month leave sa trabaho para daw makapag-hinga muna ako dahil sa pagkawala ni Lola. Bigla akong napaisip, how thoughtful he was that time when he offered me a break. Wala akong lakas na loob pumasok sa opisina noong araw na 'yon. Pero bukas na bukas babalik na ako sa Ingrid's company bilang secretary ulit at nag-hire nadin ako ng babysitter ni Ameerah. *** May yumugyog sa tela ng pantalon ko kaya ako napabalik sa huwesyo. "Mamashie, gusto ko po ng candy" nilingon ko kaagad ang batang cute na cute habang niyugyog ang tela ng maong ko na pantalon sa may binti habang naglalakad kami ngayon sa gilid ng kalsada. Napabuntong hininga ako. "I told you diba? bawal ka kumain ng candy? baka masira ang ngipin mo" pangangaral ko kay Ameerah. Puro kendy lang kasi ang pinapabili sakin. "Mamashie naman, hindi po kinakain ang candy, nginunguyam po" napasimangot na pamabara sa'kin ni Ameerah. Jusko! paano naging pilosopo ang batang 'to? Lumuhod ako at magkatapat na ang mga mukha namin. "Ameerah pareho parin yun nginunguyam mo kasi kinakain mo" malumanay kong pag-papaintindi sa kanya. Nag-pout ang bulilit at binagsak ang balikat. "Mamashie sige na" pagpupumilit ni Ameerah. "Candy mint lang naman po yun e, hindi ko po kakainin promise po Mamashie gusto ko lang bumili, dun po Mamashie oh?" tumuro siya sa gawi ng isang tindera si Ameerah at naaninag ko ang mga makukulay na candy. Ano naman yun? sandali kong inikot ang mata bago nagpakawala ng hininga. Wala akong magawa kundi pagbigyan nalang ang anak ko. Yes, anak ko siya pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang katotohanan. Lalo na kay Heiden. Bumalik ako sa diwa ko nung nararamdaman kong my tumatapik sa binti ko. "Ano yan baby?" kunot noo kong tanong kay Ameerah na ngayo'y may inabot sakin na candy. "For you, Mamashie" malambing niyang sambit. Inabot ko ang candy. I can't help but to smile dahil nang nabasa ko ang nakalagay sa candy... "You're the best Mom in the world " Lahat ng uncertain feelings sa kaloob-looban ko, depression at anxiety, pakiramdam ko nawala ang lahat dahil sa nabasa ko. Lumuwag ang masikip kong dibdib at bahagyang napangiti. Pareho talaga sila ng Ama niya. They're so thoughtful. Binaling ko ang atensiyon kay Ameerah na ngayo'y parang may hinahanap sa balonan ng Candy. Kaya pala puro kalat ng Fresh mint candy ang makikita ko noon sa kwarto ko pero hindi ko man lang napapansin at basahin na may short cutline na naka lagay. "Look Mamashie, You're the best Dad ang nakalagay" masiglang sambit niya saka pinakita sa'kin ang Candy. Hindi ko alam kong paano ko sasabihin ang pakiramdam ko. Pero isa lang ang nararamdaman ko ngayon ang kirot sa dibdib ko ang narinig ko ang sinabi ni Ameerah na para bang sinasaksak ako ng ilang beses. Sino ba ang Ina na hindi masasaktan kapag nakikita mo ang anak mong nanabik sa kanyang Tatay? At ang katotohang hindi mo kayang maiibigay sa kanya ang pagkakaroon ng buong pamilya? Ang sakit sakit na... Mas lalo akong kinakain ng konsensiya ko. "Pero, wala pala akong Daddy" malungkot niyang binalik ang candy sa balonan. Bakit napakahirap? Sa salita palang na Daddy halos hindi ko kayang ipaintindi sa kanya. "Bayad ko po" napasimangot na sabi ni Ameerah saka inabot ang bayad sa tindera. Napakurap-kurap ako dahil nararamdaman ko na ang mga luha ko. Wag akong iiyak dito. Hindi pwede. Naramdaman kong yumakap sa binti ko si Ameerah. "Mamashie? Nasaan na po si Papabee? Nasan na kapatid ko Mamashie?" inosenteng tanong ni bulilit habang nakayakap sa binti ko na may halong lungkot sa mga mata nito. Kapatid? Jusko. Eto yung kinatatakutan ko ang hanap-hanapin niya si Heiden. Sa una palang, alam kong luksong dugo ang yumanig sa kanila. Kaya hindi man lang 'to naiilang kay Heiden. Actually Hindi lang niya ngayon hinahanap si Heiden. Kundi araw-araw niya naging bukambibig ang Ama niya. "Gusto ko na ng kalaro Mamashie" nakanguso at medyo magkasalubong ang kilay ni Ameerah. Kalaro? Ayan na naman tayo. Kasalanan kasi 'to ni Bubuyog e. Umaasa tuloy ang bulilit. Gusto kong sabihin sa kanya na ang Tatay at kapatid ay malabo kong maiibigay sa kanya. Napapikit ako saka lumunok muna bago siya kinarga palayo at hinahaplos nalang ang mga likod niya. "Psssh, matulog kana lang baby...Okey?" Nagapasalamat ako dahil hindi na ulit nagtatanong si Ameerah. Naglalakad parin kami sa may kalsada dito sa subdivision habang nasa bisig ko si Ameerah at nakayakap sa leeg ko ang braso niya. Kagagaling lang kasi namin mag-simba at namasyal. "Mamashie?" antok na boses ni Ameerah. "Hmmm?" mahinang tugon ko naman. "It's okey if I don't have Daddy and baby brother Mamashie," hinarap ako ni Ameerah at niluwag ang pag-yakap niya sa leeg ko "Kasi meron naman akong Mommy" saka niya hinigpit ulit ang pag-yakap sa'kin. Mommy? Napahinto ako. Hindi maikubli sa mukha ko ang pagkagulat at pagkalito. Paano niya nasabi yun? Mommy? Mabilis kong tinahak ang isang bench na nasa ilalim ng puno sa bandang unahan ng kalsada at agad pina-upo si Ameerah. Kinakabahan ako, natatakot na Ewan. "B-baby?" halos utal kong saad sa kanya. "Anong...may si-sinabi ka ba... Ano-" jusko! paano ko ba 'to sisimulan? Takte hindi ko alam ang sasabihin. Pero para akong nakarandam ng kaginhawahan nang yakapin ako ni Meerah. "I love you Mommy" matamis nitong boses ang yumanig sa aking pandinig. Mommy? Paano niya nalaman? Nagsitakbohan pababa sa aking pisnge ang aking mga luha. Halos napahagulhol nga ako. I don't know. Para akong estatwa sa kinauupuan ko. Eto na siguro ang pinaka masayang araw sa buhay ko. But above all, the feeling that I felt right now is vividly real. Everything was felt worthy because I deserved to be called Mommy by my daughter. Matagal ko na talaga to gusto ang tawagin niya akong Mommy. Pero nagtataka ako kung pano niya 'to nalaman? Bumitaw ako sa pagyakap. "B-baby" bakas sa boses ko ang pagkapaos dahil sa paghikbi. Malungkot na tumingala sa'kin si Ameerah at dahan-dahan inilapit ang mga kamay nito sa aking pisnge. "Mommy, wag kana pong umiyak, you look so ugly na po Mommy" bahagya akong napatawa ng mahina at nararamdaman ko ang maiinit niyang paghaplos sa pisnge ko na ngayo'y pinipisil ko na rin. "Lola told me everything Mommy," saka niya pinunasan ang mga luha ko. Lola? Sinabi ni Lola sa kanya? I blinked my eyes many times. Pero Paano? Parang nagmamatured na ang pag-iisip ni Ameerah. Jusko! Paano nalang kaya kapag isipin niya na ako mismo, pinapakait ko sa kanya ang makilala ang kanyang Ama? Niyakap niya ako ulit habang ako ay punong-puno ng pagkalito... Paano? "Sabi ni Lola sakin noon Mommy, Ikaw daw po ang Mommy ko saka pwede narin daw po kitang maging Ate or Mamashie" masuyong boses ni Ameerah. I can't help it at mas napahikbi ako. Halos hindi ko na mabilang ang mga luha na dumaloy sa'king pisnge. "Mommy wag mo po akong Iwan kagaya ni Lola" mas lalo akong nalungkot nang narinig ko ang paghikbi ni Ameerah. "Miss na miss ko na po kasi siya e" Alam kong malapit si Ameerah kay Lola dahil siya ang palagi nitong kasama. Pero ngayong wala na si Lola. hindi ko alam kung paano siya pasasayahin. Bumitaw ako sa pag-yakap saka tinuyo ang mga luha nito. "Baby, wag na wag mo yan isipin. Mommy won't leave you okey? Bakit ko naman iiwan ang pinaka magandang regalo sakin ni Papa God diba?" hinalikan ko ito sa noo pababa sa pisnge niya saka siya niyakap ulit. Patuloy parin ako sa paghikbi. Ang sama ko para itago siya bilang kapatid kaya pala noon, hindi hinahanap ni Ameerah si Mama dahil siya ang naiisipan kong pangtakpan sa kasalanan ko noon. Sinabi pala sa kanya ni Lola na ako ang Mommy niya. Maraming salamat Lola. Hindi na ako mahihirapan sabihin kay bulilit na ako ang mommy niya. ♡Flashback ♡ I'm preggy for almost 3 months at pinagpatuloy ko ang pag-aaral ko sa kursong business add. Dahil sa isipan na meron naman akong pambayad. Alam niyo na kung san galing. I sold myself for ten million which I paid for my parent's debt. Natawa ako noon dahil akala ni Heiden that I wasn't a virgin yet he can't help but to make love with me. At isa pa, I only had one semester left para maka-graduate ng kolehiyo. Sayang naman diba kung hindi ko tatapusin ang pag-aaral ko. After I labored Ameerah, I was happy and living peacefully that time until another predicament came. Binibwiset ulit ako ng bangkong pinag-kautangan nila Mama and Papa at saka ko pa nalaman na habang hinahabol pala sila, they can't stop crediting money. Umuutang parin sila at pangalan ko parin ang ginamit nila. Galit na galit ako noon, bakit kaya nagawa sa akin ng mga magulang ko yun? Halos maisumpa ko sila. But the worst among of all, nung nalaman kong may sakit sa puso si Ameerah when she was young at mas naging magulo at problemado ang pagkatao ko. Pakiramdam ko sinakluban ako ng langit at lupa dahil sa mga problema na dumating sa buhay ko. Sino ba ang Ina na gustong magkasakit ang anak niya? At isa pa, ako naman ang may Kasalanan kung bakit nagkasakit si Ameerah. I was planning to abort her with the use of drugs and other tips for abortions but I realized, she's too innocent para madamay sa kalokohan ko sa buhay. Unfortunately, it's too late dahil marami na akong naiinom na drugs kaya naapektuhan ang puso niya. Until the day came, nabasa ko ang hiring flyers from Ingrid's company for interested secretary with 50,000 salary per month but the qualification was single young woman. Bawal ang married. Laking pasasalamat ko nang nakita ko 'yon at dun nagsimula ang pagtago ko kay Ameerah bilang kapatid. Hindi naman ako makikilala ni Heiden in behalf of our past. Makapal ang make up ko noon na malayo sa simpleng aura ko lang. I wonder kung bakit single secretary ang gusto ni Heiden, and I found out that he just want no hassle. Gusto niya yung free at walang pamilya na secretary dahil anytime ay kakailanganin niya umano ito. And luckily, I am qualified as his secretary. Laking pasasalamat ko noon kay God dahil medyo nakaahon ng kunti ang mahirap naming pamumuhay nila Lola. Naging lumala ang lahat nang naging lomplikado ang sitwasyon ni Ameerah at epapakulong umano ako ng mga bangkong pinagka-utangan nila Mama kapag hindi ako babayad... So no choice. Kay Heiden ulit ako lumapit at another 5 million was given by him. But it's a big debt. Doon nagsimula ang pagiging alipin ko sa kanya. Noon, ay hindi niya ako madalas na kinausap, unless when he needed something and anything but after our deal was settled, he touch and hold me as he could at mas naging heartless pa siya sakin. Naging aktibo na ulit Si Ameerah at wala ng humahabol sakin dahil sa perang hiniram ko sa kanya. End of the flashback *** "Let's go na baby" pag-anyaya ko kay Ameerah sabay hatak sa kanya pauwi sa bahay. We both smile at nakaramdam ako ng kunting kasiyahan kahit nabo-bother parin ako kung paano ko sasabihin kay Heiden ang katotohanan. "Mommy nasa heaven na ba ang totoong Daddy ko?" biglang tanong ni Ameerah na napatulala sa akin. Ngumiti nalang ako kay Ameerah "Hindi baby. Andito lang sa earth yung Daddy Mo. Balang araw magkikita din tayo pero sa ngayon ay may importanteng ginagawa pa ang Daddy" totoo naman. Buhay na buhay pa si Heiden. Kumislap ang mga Mata ni Meerah. "Yeheeey! Sana makita ko na si Daddy Mommy" nagtalon-talon niyang sigaw sabay hatak sa'kin sa loob ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD