CHAPTER 19

1338 Words
CHAPTER 19  Rinne's POV "How's your sleep snow white?" isang pamilyar na boses ang yumanig sa pandinig ko. Ang boses na matagal ko ng gustong marinig. Napako ang paningin ko sa isang lalaki na nakaupo sa tuktok ng lamesa habang nakapamulsa. Malalim din itong nakatitig sa'kin. Nakakahiya. Bakit ako nakaupo este nandito sa opisina niya? at nakatulog pa ako dito sa loob ng office niya. Halos hindi ko maibuka ang mga bibig ko, hindi ko ata kayang labanan ang titig niya. Tumikim ako pero sa kaloob-looban ko, parang tinakasan ako ng puso ko. Hindi ko na naiisip kung sasagutin ko ang tanong niya. "A-hh, Heid---" kapos kong sambit pero tumayo kaagad ako dahil sa realisasyon na nakaupo nga talaga ako sa swivel chair niya. Kinakabahan ako at napayuko dahil sa hiya. "I-m sorry Sir hindi ko na po uulitin, ang matulog----" Napagtanto ko nalang na hinila niya ako at napalanding ako sa mala-bato nitong dibdib. Malalim siyang nakatitig sa'kin habang ako ay lasap na lasap ko ang mabango niyang hininga. Ang mga kamay niyang nakapalibot sa beywang ko ang dahilan kaya umiinit ang buong katawan ko. Bahagya akong napaiwas ng tingin. "Hey, I want you to be honest with me, can you do that?" Saka niya binaba sa labi ko ang mga titig niya. I nodded instantly. "Have we already met way back before by any chance?" tanong niya na hindi parin inaalis ang titig sa'kin. Bahagya kong naiangat sa kanya ang titig ko. May alam ba siya? may nalalaman na ba siya? naghihinala naba siya? ano ang gagawin ko? Halos hindi ko maigalaw ang dila ko. Saglit akong umiwas ng tingin. "I don't know Sir" pakunwari na wala akong hinala sa sinsabi niya. "Tayo lang andito diba?" bahagyang tumaas kilay nito. "Call me Heiden then" I nodded and gulped. Uminit pisnge ko dahil sa mga titig niya. "Heiden" panimula ko ulit. "About sa tanong mo, ano ang ibig mong sabihin?" medyo malumanay ang boses ko pero sa kaloob-looban ay nagtataranta na ako na ewan. Tumingala muna siya sa mukha ko bago gumalaw ang ibabang labi nito. Nakaramdam ako ng init sa dugo nung nakita kong gumalaw ang adams apple niya. "Before I hired you as my secretary, nagkakilala, no, I mean nagkita naba tayo?" direstso niyang saad sa akin habang mahigpit parin ang pag-haplos nito sa beywang ko. Bakas sa mga mata ko ang pagkalito at pagtataka sa tanong niya pero agad kong binawi. Hindi ko maiwasan hindi kabahan dahil nanlalamig ang buo kong katawan. Eto naba ang araw na kinatatakutan ko? ang malaman ni Heiden ang katotohanan? sasabihin ko na ba sa kanya? pero nangingibabaw parin sa akin ang katakutan na baka hindi niya matanggap si Ameerah, at malaman niya na tinago ko ang anak ko bilang kapatid at iisipin niya na ang sama kong Ina para gawin yun. Pero, bahala na! para kay Ameerah. I'll take the risk. Mahalin niya lang si Ameerah bilang anak, sapat na sakin kahit huwag na niya akong isipin na mamahalin pa. dahil alam kong hinding-hindi yun mangyayari "Answer me Love, nagkita naba tayo noon?" Binaba ko muna ang tingin bago binuka ang tiklop at nanunuyo kong mga labi. "Heiden actually,---" Knock knock knock Agad nakuha ng atensiyon namin ang ingay mula sa labas. KNOCK KNOCK KNOCK! Mas naging malakas ang katok sa pintuan. Inis na nagpakawala ng hininga si Heiden bago ako binitawan. Maski ako nakaramdam ako ng kaginhawahan. Kaagad kong inayos ang sarili saka tumayo sa kanan banda ng kanyang lamesa. Habang siya ay inis na umupo sa swivel chair niya. "I'll kill that mothafvcker!" mahinang pagmura niya. Muntikan na yun ah. Pinipisil-pisil ko ang aking kamay para pakalmahin ang sarili. Kahit gustong-gusto ko ng sabihin sa kanya ang katotohan, hindi ko parin maiwasan ang hindi matakot na baka si Ameerah lang ang importante sa kanya at baliwala lang ako. Bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang inip na aura ni Jeyo. Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako kay Jeyo. Kundi dahil sa kanya baka nasabi ko na ang katotohanan, which is I'm really scared of. "What the hell do you want galung-gong?" medyo iritadong bungad kaagad ni Heiden sa kanya. Pero imbis na sumagot si Jeyo ay pinasadahan niya kami ng matalim na titig. Nakapameywang lumapit ito sa'min saka binigyan niya kami ng makahulugan na titig bago nagsalita. "You are fvcking ten minutes late Mr. CEO. Ikaw nalang ang hinihintay sa session hall, have you forgot?" sumulyap sa gawi ko si Jeyo bago nagsalita ulit. "Nangangalay na ang puwet ng mga tandang gurang sa loob n'on" Ako naman ay umiwas ng tingin pero naaksidente akong napalingon kay Heiden na kaagad din umiwas ng tingin mula sa akin. "Fine. We'll be there" malamig na wika niya kay Jeyo saka tumayo. "Siguraduhin niyo lang na bilis-bilisan niyo ... " bakas sa mukha ni Jeyo ang pagkasimangot at umirap bago umalis. Lumapit ulit sa kinaroroonan ko si Heiden. "About my question earlier, just don't mind it. Nagbabasakali lang ako na baka ikaw yung babaeng nakita ko noon" tumawa ito ng mahina saka umiling. Hah? babae? napakurap ako dahil sa narinig pero... sino ang ibig niyang sabihin? "Sabi ko na nga, mali ang hinala ko at malayong maging ikaw ang babae na yun" huling sambit niya bago ako nilampasan. "Let's go" Ang totoo hindi ko masink-in sa loob ng isip ko ang mga sinabi niya. Nagka-letse let'se na ata ngayon ang sistema ko. After 8 years, akala ko wala lang sa kanya ang one night stand na nangyari sa'min. Pero malay mo, ibang babae ang ibig niyang sabihin diba? Naiwan parin akong nakatulala when someone sudden snapped on my face. "Hey, do you mind if," nakatitig lang ako sa aura niya at ngayon ko lang napansin ang malamlam nitong mata na nagpapahiwatig kulang ito sa tulog. "Love, do you mind if I steal a kiss?" Hindi pa ako nakasagot nang nararamdaman ko ang maiinit na kagat ng bubuyog sa labi ko. That was a smack kiss. Takte hindi ako nainform. Naaninag ko naman ngayon ang ngisi ni Heiden. "Kanina pa kasi ako nagtitimpi kagatin ang labi mo. I guess I needed an energizer, hindi pa kasi ako nag-lunch" saka siya nag-kibit balikat habang nakangisi. Energizer? pinagloloko niya ba ako? Nilingon ulit kami ni Jeyo. Akala ko ba umalis na siya? "Bilis-bilisan niyo na, mamaya nalang muna ang kababalaghan okey? nanggigil na sa inyo ang mga gurang" "Just let them fvcking wait!" Heiden yelled. *** "Good afternoon everyone" panimula ni Mr. Ramos. Siya ang head chairman ng mga stockholders. Medyo napuno ang nasa loob ng session hall which is mga may matataas na posisyon ang mga taong nakaupo sa my oblong shape na table. Anong meron? bihira lang mangyari ang meeting na ganito. Nasa may center nakaupo si Heiden. Of course siya ang CEO saka ako naman ay sa may kaliwa na banda. Taking notes as always. "In behalf of our CEO, we would like to acknowledge your presence for coming in this important session" nagsitango-tango ang mga nasa loob at nakikinig kay Mr. Ramos. "For our agenda, first on the list is the GRAND OPENING OF OUR NEWEST HOTEL RESORT IN PAMPANGA. Blaaa blaaa blaaa........." hanggang sa matapos ang diskusyon at argumento nila tungkol sa malaking event. Seryosong nakaupo lang si Heiden at matiim na nakikinig sa mga Board members niya. "I'm expecting everyone to be more percipient on their task, less hassle is what I'm aiming for the grand opening of our newest Hotel Resort, I need immediate actions and summary of all the operations to be made, once again thank you for coming" seryosong wika nito. "Meeting adjo---" "Not yet, Mr. CEO" lahat ay napalingon kay Mr. Salazar na siyang chairman of the Board. Matiim na tumitig sa kanya si Heiden at ganun din ang ginawa ni Mr. Salazar na para bang nag-uusap ang mga titig nila. Tumayo si Sir Salazar at prenteng tinignan ang lahat ng mukha sa loob. "We still have one more agenda left," binitin nito ang sasabihin. "The Engagement of our CEO" "Engagement?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD