RIKO POV Pumunta ako sa bahay nila upang maka-usap sana si Julyen. Ngunit nakita ko ang ginawa ni Marco sa kanya pagkahatid sa bahay nila. Gusto ko siyang sugurin, gusto kong suntukin si Marco ngunit baka mas piliin niya ito kaysa sa akin. Mas pinili kong lumayo at magpakalunod sa alak hangang magdamag kagaya noong araw na iniwan niya ako nasaktan ako sa ginawa niya. Dahil sa pagkakamali ko pareho kaming nagdurusa. Hindi ko nagawang makapasok sa trabaho dahil nagkasakit ako. Siguro ay sa labis na stress na din at ilang araw na pagpupuyat dahil simula nang dumating si Julyen wala na akong ibang inisip kundi ang mapatawad niya ako. Upang bumalik na kami sa dati. Ngunit hindi ko inaasahan na pupunta siya dito sa bahay namin. At nasa maling posisyon kami ni Erica nang dumating siya. Natalap

