RIKO POV Kunot noo akong umupo sa swivel chair nang malaman kong hindi pumasok si Julyen. Bumili pa naman ako nang boquet ng red roses para sa kanya. Alam ko hindi niya ako madaling mapapatawad ngunit maghihintay ako at araw-araw ko siyang susuyuin mapatawad lang niya ako. Hindi ako papayag na mawala pa siya sa akin. Tumawag ako sa phone niya ngunit ring lang ng ring hindi ako mapakali hindi ko alam kung nasan ba siya kung okay ba siya at kung bakit hindi siya nagpakita ngayon sa opisina dahil sa nangyari kagabi. Maya-maya ay tumunog ang cellphone ko. “Hello Ma? Bakit po?” Wika ko kay Mama. “Anak….Pupunta ako mamaya kina Mari. Gusto mo bang sumama?” “Okay Ma…” Sagot ko sa kanya. Buong maghapon akong wala sa mood. Pakiramdam ko kulang ang araw ko kapag hindi ko nakikita si Julyen.

