Magaan ang naging gising ko ngayong araw kaya maaga akong nag-ayos upang pumasok na sa opisina. Pang-apat na araw na ngayon simula nang bumalik ako sa trabaho. Palagi nalang akong nakakatangap ng bouquet nang flowers mula sa kanya. Ginagawa ko ang lahat maiwasan lang siya. Sa tuwing magkakasalubong kami ay umiiwas ako. Paminsan-minsan naman ay pinupuntahan niya ako sa office ko pero hindi ko siya tinitignan. Kahit wala akong naririnig sa mga staff ko alam kong may idea sila sa nangyayari sa amin ni Riko. Hindi ako gaanong close sa kanila pero palagay ang loob nila sakin. Pinagbuti ko ang trabaho ko dahil ang daming development sa nakalipas na buwan. Isang simpleng black casual office dress ang suot ko at kaunting make-up at inayos ko ng messy bun ang buhok ko. Kailangan kong pumasok sa o

