HIndi ko alam na naksunod na pala sa akin si Mari. “Wag kang maki-alam dito Mari!” Wika ko sa kanya dahil lumapit na siya sa akin. “Tama na, parang awa niyo na!” Umiiyak na wika ni Mari. Lumingon ako sa kotse na lulan si Julyen. Ngunit lalo lang siyang napaluha sa amin. “J-Julyen…..” Sambit ko sa kanya. Nakita na niya ang lahat. Alam na niya na nagsisinungaling lang ako sa kanya. Pinilit kong tumayo upang puntahan siya. Ngunit pinigilan ako ni Mari. “Tama na Riko…!” Sigaw ni Mari. “No! Kailangan ko siyang makausap!” Mariin kong sabi sa kanya. Hahakbang pa sana ako nang bigla na naman akong sinuntok ni Marco. “Riko! Ano ba! Tama na!” Sigaw ni Mari…Idinikit na niya ang sarili sa akin. “Wag ka ng magpumilit Riko. Malinaw na sa kanya ang ginawa mong panloloko!” Singhal ni Marco.

