Paano ba magpatawad sa nakasakit sa’yo? Paano mo ba masasabing kaya mo nang magtiwala ulit sa isang tao? Na kaya mo ng tignan ang hinaharap at kalimutan ang lahat ng mga nangyari. Kung patuloy pa ring nasasaktan ang puso mo sa tuwing naaalala mo kung paano ka niya sinaktan. Kung paano ka lumuha gabi-gabi ng dahil sa kanya kung paano mo pinilit na bumangon sa araw-araw kahit nasasaktan ka. Ang hirap diba? Lalo na kung nasaktan ka na sa una. At nagtiwala kang muli na aalagaan ang puso mo nang iba. Madaling magpatawad ngunit mahirap na magtiwala. Gustuhin ko man patawarin si Riko hindi pa sapat ang paghingi niya ng tawad sa akin. Hindi ko din alam kung bakit ako nagkakaganito pero parang hindi pa rin ako kumbinsido na bumalik sa kanya. Napabuntong hininga na lamang ako habang pinagmamasda

