“Lady Sia, sandali lamang po.!” iritadong bumaling ako kay Miya.
Kanina pa kasi ito salita ng salita kesyo baka pagalitan daw kami ni Ama. Kesyo baka may mangyari saking masama.
Gusto ko kasing maggala lalo na't hindi ko pa nakikita ang kabuuan na sakop ng aking amang Duke.
“What?!”
“Young lady, hindi ko po ninais na ikaw ay mairita ngunit nag aalala lamang ako baka pagalitan ka ng iyong ama lalo pa't tayo ay tumakas lamang.”
Oo, tumakas lang kami ni Miya. Ayaw ko lang talaga mag pa alam kay ama, hassle lang kaya bigla ko na lang siya hinila at ngayon nga napapalibutan kami ng maraming tao.
Naka disguise lang ako ngayon na damit pang katulong kaya kampante ako na walang makakakila sakin.
“Don't worry, Miya. If ever na mapagalitan ako I promise you na hindi ka madadamay.”
“Ngu-ngunit----”
“Hep.! That's enough, Miya. Don't worry I will take the consequence of my action.”
“Magandang araw, binibini! Nais mo bang bumili sa aking paninda?”
Nakangiting sabi ng lolo sakin. Nasasaktan na naman, nalulungkot ako pag na kakakita ako ng matandang nag tatrabaho. Palagi kong iniisip saan na kaya ang mga pamilya nila? Para tulungan silang mag trabaho. Ang mga anak nila. Di ba nga kaya nag aanak ang isang magulang para may makatulong sa kanila sa pagtanda nila.
“Lo, magkano itong kwintas na ito.” maganda rin kasi talaga lahat ng paninda niya puro ito sa katawan. Tulad ng mga kwintas, pang-ipit sa buhok, singsing at marami pang-iba.
Nagtaka ako ng nginitian ako ng matanda.
“Para sa isang napakagandang dilag na ka tulad mo, ija. Ikaw ay marunong mangilatis ng mga magagandang bagay.”
“Po?!” natawa siya sa sinagot ko sa kanya na ikinakunot ng noo ko.
“Wala lamang, ija. Ngunit dahil sa kwintas na iyan ang napili mo kahit dalawang tanso na lang yan, ija.”
Napasinghap ako sa kamurahan ng kwintas, hindi mo kasi siya iisiping peke dahil sa ganda nito. Emerald ang kulay ng kwintas kaya nagustuhan ko ito. Noong unang buhay ko paborito ko talaga ang kulay emerald kaya hindi na'ko mag tataka na nakuha ng pansin ko ang kwintas na ito.
“Hindi ka po ba malulugi nito, lolo?” natawa ulit siya sa sinabi ko.
“Bakit naman ako malulugi? Napaka swerte ko na nga at may bumili sa paninda ko.” nakangiting sabi niya sakin.
“Isa kang anak ng maharlika hindi ba, ija?” nagulat ako sa sinabi niya, paano niya nalaman? Manghuhula ba siya?
“Hindi! Hindi, ija! Sadyang napapansin ko lang sa iyong wangis at kaputian. Alam mo, ija kaming mga dukha ay talagang madali makakilatis ng isang maharlika na katulad mo, ija. Ngunit mukang napaka swerte ko dahil isang maharlika pa ang siyang bumili ng aking paninda.”
“Pagpasensyahan mo na po, lolo ngunit maari ko bang hilingin na hanggang sa atin na lamang ang pagiging maharlika ko.” nakangiting siyang tumango sakin, binigay ko na ang bayad ko sa kanya, tama nga naman para sakin na may yaman ang dalawang tanso ay napakaliit na, pero sa mga mahihirap na ka tulad ni lolo napaka laki na nito.
“Maraming salamat,binibini! Sana ay makahanap ka ng taong mag mamahal sa iyo ng tapat.” nginitian ko siya at pinasalamatan nadin. Kakausapin ko na sana si Miya para tumuloy na kami sa pamamasyal ngunit naramdaman ko na lang ang aking sarili na nakaupo sa lupa pati na rin ng taong nakabangga sa akin.
Tumayo ako at nagpagpag ng dumi sa damit ko. Tiningnan ko ang taong nakabangga sakin, mukang may hinahabol siya?.
“Maayos lang ba ang iyong lagay, ija?” tumango ako kay lolo at binalikan ng tingin ang lalaking nakabangga sakin, naka tingin na siya ngayon sakin at ganon din ako sa kanya. Hindi ko maipagkakaila na napaka-gandang lalaki niya.
“Ayos ka lamang ba, ginoo? Halika at ika'y aking tutulungan.” tanong ko sa kanya sabay abot ng kamay ko sa kanya. Noong una Nag aalinlangan siya tanggapin ang kamay ko pero binigay niya parin ang kamay niya at tuluyan na siyang naka tayo.
“Pagpasensyahan mo na ang nangyari, binibini.” ngumiti ako sa kanya at sinabing ayos lamang iyon.
Napaka ganda ng mga mata niya. Hindi ko alam na may mga tao palang may mga matang kulay emerald, ang tangos din ng mga ilong niya, mapupulang mga labi, at walang kapintasan ang kaniyang katawan. Napaka kisig niyang lalaki.
“Ah? Binibini?”
“Huh?” ayys sana lang hindi ako naglaway
“ahm, bakit ginoo?”
“Ang sabi ko, hindi ko sinadya na ikaw ay aking mabangga may humahabol kasi sakin kaya ako tumatakbo.” sabi niya, habang nakatingin sakin ng matiim.
Naiilang ako sa uri ng tingin niya sakin, para bang hinuhukay niya ang buong pagkatao ko.
“Ayos lamang iyon, ginoo. Ang mahalaga ay hindi ako nasaktan at ikaw rin.” sabi ko sa kanya na may mahinhin na ngiti ko. Syempre dapat mahinhin para namang mag mukha akong karespe-respetong binibini. "Ene Be, Cremesia."
“Ang mahal na prinsipe!!”
“Nakita na ba siya? Paroon ang kanyang takbo.”
“Bilisan niyo ang pag hahanap dahil malalagot tayo sa kamahalan pag
nalamang tumakas na naman ang mahal na prinsipe!..”
Kumunot ang noo ko sa dami ng mga kawal na nakikita ko. "The Prince?"
Kung tama ang pagkakatanda ko palagi ngang tumatakas ang mahal na prinsipe sa palasyo. At yun ang naging dahilan ng pag kikita nilang dalawa ni Esperanza.
“Binibini?.”
Napatingin ako sa ginoo na nakabanggaan ko, ngayon, may nakalagay na taklob na ang kanyang ulo kaya mukha niya na lang yung nakikita ko.
“Kinagagalak kong makilala ka, Binibini. Hindi man maganda ang una nating pagkikita ngunit tinitiyak kong sa pangalawang pagkikita natin ito ay sa magandang lugar na.”
“Ano ang iyong ibig sabihin, Ginoo?” nakakunot noong tanong ko sa kanya, ngiti lang ang sinagot niya nagulat ako ng kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ito.
“Hanggang sa muli nating pagkikita, magandang binibini.” nakangiting sabi niya at tuluyan ng umalis.
“NAKITA KO NA ANG PRINSIPE!BILISAN NIYO KAILANGAN NATIN MAABUTAN ANG KAMAHALAN.!”
Laglag panga parin ako kahit nakita ko nang tumatakbo ang mga kawal ng palasyo sa harapan ko. Oh my god! Someone kissed my hand.
“Ah, young lady? Young lady? YOUNG LADY?” s**t! Tiningnan ko ng masama si Miya.
“Paumanhin, binibini ngunit kailangan na nating bumalik dahil natitiyak kong hinahanap ka na ng iyong ama at iyong mga kapatid.”
We're back at home but I didn't talk even a bit because until now I'm still feeling euphoria 'cause of what happened. Tsansing din ang isang iyon kahit na gwapo siya at maganda ako hindi niya dapat halikan ang kamay ko ng bigla-bigla. Napaka unprofessional niya dapat nag paalam muna siya sakin, ibibigay ko naman eh.
“CREMESIA SELENE HARVESTRA!”
Shit!!.
_________