Nakayuko ako habang pinapagalitan ng aking ama.
Opo ang aking ama lang naman ang tumawag ng buong pangalan ko kanina.
Naawa nga ako kay Miya dahil muntik maparasuhan buti na lang at pumagitna na'ko dahil kung hindi baka matanggal bilang personal maid ko si Miya. And I don't want that to happened because it's my fault din naman eh.
"Cremesia!" nagulat ako sa sigaw ni Ama, napaangat ako ng wala sa oras, nanlilisik ang kaniyang tingin sa sobrang galit.
"Pa, I-I'm sorry. Gusto ko lang naman pong mag lakad-lakad but it's not my intention to make you all worry." Napayuko na ulit na sabi ko. No!Hindi maaring mapasama ang tingin sakin ng Duke, baka eto pa ang maging dahilan ng maaga kong pagkakamatay.
Nagulat ako ng may anino sa harapan ko umaangat ang tingin ko, malumanay na tingin ng Duke ang nasalubong nang aking mga mata. Napasinghap ako at nag iwas ng tingin.
"Princess, I'm sorry I didn't mean to shout at you, I was-- I. I'm sorry. Akala ko ay may nangyari nanaman sayong masama. Papano kung may nangyari nanaman sayo. Hindi ko mapapatawad ang aking sarili pag nangyari yon ulit."
Tumulo ang isang butil ng luha sa aking kaliwang mata sa sinabi ng Duke. I felt my heart melted because of what the Duke said. Yon na ata ang pinaka malambot na salita galing sa kanya ang narinig ko.
Napatingin ako sa kanya ng lumuhod na siya sa harapan ko para mag pantay kaming dalawa, hinawakan niya ang aking kabilang pisngi at pinahid ang luha na tumulo galing sa mga mata ko.
"I'm not mad. I'm just very worried at you. I'm sorry. Shhh... Don't cry. Papa's just worried at her only princess." at tuluyan na nga akong napahagulgol sa tinuran ng Duke. T*ngina. This is the first time I cried like this. Hindi ko rin naramdaman ang pakiramdam nato noong nabuhay pako sa totoong mundo.
"Hush now, my princess. Papa is not mad. Okay. "
Niyakap niya ako at nilagay sa dibdib niya ang aking ulo. Mas lalo ko pang siniksik ang ulo ko sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.
"Ah. When did the last time I felt this thing.?"
Hindi ko namalayang nakatulog ako sa dibdib ng aking ama sa kakaiyak, na gising na lamang ako sa aking kwarto at mukha ni Miya na nakangiti ang aking unang nakita.
"Young lady, gising kana!"
Natutuwa niyang sambit. Nginitian ko siya, napasapo ako sa ulo ng bigla itong kumirot ramdam ko rin ang pamumugto ng aking mga mata.
"Ayos lamang ba ang aking binibini?" Nag aalalang tanong ni Miya sakin. Tiningnan ko siya at nginitian nag papahiwatig na ayos lamang ako.
"Anong nangyari,Miya?"
"Hindi mo po ba na tandaan ang nangyari, young lady?" kinunotan ko siya ng noo at inilingan.
"Nakatulog ka sa bisig ng iyong ama, young lady. Kay tagal ko nang hindi nakita ang ngiti ng Duke ngunit nung nakita ka niyang nakatulog nakita ko ang labis na tuwa sa kanyang mata, ang mga ngiti sa kanyang labi na kay tagal na din naming di nakita ngunit dahil sayo, young lady bumalik ang mga ngiti sa mahal na Duke. " naluluhang kwento ni Miya sakin. Napangiti din ako dahil doon. Is that mean? I'm now save on the cruelty of my own father? Am I?
"Talaga, Miya? I'm happy to know that because I've made my father smile. " I smiled at her, she smiled back.
"Hindi pa pala ako nakahingi ng pag papasalamat sa iyo, young lady. Maraming salamat, lady sia sa pagtatangol sa akin kanina. Tatanawin kong utang na loob iyon paglilingkuran kita hanggang sa huli ng aking buhay, young lady."
"You don't need to thank me about what happened, Miya. Kasalanan ko ang nangyari dahil pinilit lamang kita na lumabas. Ngunit panghahawakan ko ang iyong pangako, Miya." malumanay at may ngiti na sabi ko sa kanya. Napayuko siya sakin bilang pag bibigay galang.
" Ngunit.... Hindi ko matatanggap ang pang habang buhay dahil nais ko ring makita kang maging masaya kasama ang iyong minamahal, hiling ko, Miya na ika'y makahanap ng lalaking mag mamahal sa iyo ng tapat."
Nakita kong namuo ang mga luha sa kanyang mga mata, nginitian ko siya para lang malaman niya ako'y nagsasabi ng totoo.
" Young lady... Hindi ko alam kung ano ang ginawa kong mabuti noong nakaraang kong buhay dahil napaka swerte ko dahil ikaw ang naging aking amo."
Natawa naman ako sa turan niya. Miya, if you just know. Masasabi mo parin kaya iyan sa akin.
"Sigurado akong napaka buti mo sa una mong buhay, Miya." may halong biro kong sabi sa kanya na ikinatawa niya. Nagulat ako ng may tumikhim. Si kuya Apex.
"Kuya!!." he chuckled because of my reaction.
"Did I startled my lil'sis ?" nangingiti niyang turan.
"Ako po ay mauuna na, young lady at sayo din po young master Apex."
Nanliit ang mata ko ng mapansin ko ang mariin na titig ng aking kapatid kay Miya.
"What's with that look?" sabi niya na natatawa.
"I'm telling you, kuya don't ever play with her." Napahalakhak siya sa aking tinuran. Tss... Sipain ko kaya to.
"I don't know that my baby sister is a little possessives huh!"
"Hey, I'm not baby anymore." sabi ko na may pag ka brat attitude. He just chuckled. Lumapit siya sakin at umupo sa kabilang kama ko.
"Of course you are. I thought hindi ko na makikita ang side mo na ito. I'm happy though, that my lil'sis is back." napa-pout naman ako sa sinabi niya, pinanggigilan niya ang ilong kong matangos kaya sinamaan ko siya ng tingin. Napatawa lang siya.
"Princess, you know that Papa will never be mad at you right?" napatango lamang ako habang nakayuko, hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.
My brother is one of hella Greek god. Amber eyes same with mine actually lahat kaming magkakapatid Amber ang mata namin na namana namin kay Papa. My brother has this thing called charisma, alam mo yon yung tipong isang tingin mo pa lang sa kanya "wow, gwapo, hirap abutin."
"The next time na gusto mong lumabas just tell us, you can go to Papa's library to tell him or go to me, or kuya Alex. Papayagan ka din naman namin. We won't be to hard for you. But...You can't go out without someone. Hindi pwedeng wala kang bantay. "
Napasimangot ako sa huling sinabi niya, kaya pinitik niya ang noo ko napa" ouch" lang ako he just chuckled at me kaya sinamaan ko na naman siya ng tingin.
"But I want to go out with out company, tsaka anjan din naman si Miya eh." nanliit na naman ang mata ko sa naging reaksiyon ni kuya parang nabuhayan kasi siya ng sinambit ko si Miya. Pero kalaunan tumigas din ang tindig niya.
"No! You are both women. Hindi kayo pwedeng lumabas ng kayo-kayo lang lalo na't may possibility na may mangyari masama sa inyo. I mean sayo."
Feeling ko mas nag aalala pa siya kay Miya kesa sakin napailing na lang ako sa isip.
“But--”
"No, buts!" matigas na ani niya na ikinasimangot ko.
"Tss, stop being grumpy, gusto mo bang sumamang mag lakad-lakad.” lumiwanag ang mukha ko ng narinig yon.
"Sa labas? "tumango siya kaya nayakap ko siya ng mahigpit.
"Thank you, kuya. Magbibihis lang ako.” dali-dali akong bumaba sa kama ko at akmang papasok na sana ng cr.
" Wait!! "napatingin ako kay kuya apex na nakakunot noo.
"Isama mo si Miya. Okay."nanliit na naman ang mata ko sa sinabi niya. Why do I feel magiging third wheel ako. Natawa siya sa reaction ko.
"Okay. Okay, relax. Isasama lang natin siya dahil personal maid mo siya. "Di parin ako kumbinsido sa rason niya.
"What happening here? "
"Kuya Alex! "
__________________