Chapter 5 - The Visitor

1338 Words
“MA, SINO po ang bisita ko?” seryosong tanong ni Enzo nang makarating siya sa bahay nila. Galing siya sa rancho at mamayang gabi pa sana ang uwi niya pero ipinatatawag daw siya ng mama niya kaya napilitan siyang umuwi nang maaga. Alas-kuwatro pa lang ng hapon kaya marami pa sana siyang maaring gawin bago siya umuwi ng alas-sais o alas-siyete ng gabi. Nadatnan niya ang kanyang ina na nasa kusina at mukhang may inuutos sa mga maid. “Anak, nandiyan ka na pala,” nakangiting baling ng mama niya. “Mabuti pa maligo ka muna at magbihis. Amoy baka ka, anak. Nakakahiya naman sa bisita mo na kasabay nating mag-early dinner.” Mabilis na inamoy ni Enzo ang kanyang sarili. Amoy pawis na nga siya pero hindi naman siya amoy baka na gaya nang sinabi ng mama niya. “You’re so mean, ‘ma. Mas mabaho naman ang mga baka sa rancho kaysa sa akin,” depensa niya sa sarili. “Whatever! Basta dumiretso ka na sa kuwarto mo at maligo. Ipapatawag na lang kita mamaya. Nagpapahinga pa naman ang bisita mo.” Itinuro pa ng kanyang ina ang pintuan palabas ng kusina. Ngunit hindi pa rin umalis ang binata. “Sino po ba iyong bisita ko?” pangungulit niya. Sa halip na sagutin siya ng ina, hinawakan nito ang isang kamay niya at pilit siyang hinihila palapit sa pintuan. “Mamaya na, anak. Please lang, maligo ka muna.” Napakamot na lang ng kanyang ulo si Enzo. Wala na siyang nagawa kung hindi umalis at dumiretso sa kanyang kuwarto. Mabilis lang siyang naligo. Eksaktong twenty minutes ay nakabihis na siya. Pero hindi muna siya lumabas ng kuwarto dahil maaga pa para sa dinner nila. Saka ang bilin ng mama niya ay ipapatawag siya nito. Hihintayin na lang niya na sunduin siya ng maid. May hinala na kasi siya kung sino ang bisitang tinutukoy ng mama niya. Baka isa na naman ito sa mga anak na babae ng mga kaibigan ng kanyang ina. Irereto na naman siya ng kanyang ina sa ibang babae. Hindi na talaga nagsawa ang mama niya. Palibhasa atat na atat na magkaapo kaya ipinagtutulakan na siya nitong mag-asawa. Solve na sana ang problema ng mama niya kung hindi lang umatras sa kasal nila si Regine. Dahil sa nangyari, nawalan na siya ng gana sa mga babae. Sa totoo lang hindi rin naman talaga siya mahilig sa babae lalo na sa linya ng dati niyang trabaho, wala siyang nakakasalamuhang babae. Kung may pangangailangan man siya bilang lalaki, kaya niyang kontrolin iyon kahit abutin pa siya ng ilang buwan o isang taon. Iyon nga lang napapanaginipan niyang babae ang nagpapaala sa kanya na kailangan niya ng babae sa buhay. Madaals na naman kasi niya itong napapanaginipan simula nang iniwan siya ni Regine. Dinampot niya ang kanyang cellphone na inihagis niya kanina sa kama. Saka siya umupo sa swivel chair na nasa harapan ng study table sa loob ng kanyang kuwarto. Binuksan niya ang kanilang GC at naghanap nang makakausap. Enzo: Knock! Knock! Anybody home? Raiden: Ulol! Anong akala mo sa GC natin, bahay? May nalalaman ka pang knock, knock diyan. Enzo: Bakit ba kasi ikaw ang sumasagot? Busy ka sa trabaho mo, hindi ba? Raiden: Tumunog kasi itong cellphone ko. Akala ko may emergency na naman kaya binuksan ko ang GC. Enzo: Wala namang emergency. Naghahanap lang ako ng kausap. Raiden: Hindi ako pwede. May meeting ako in five minutes. Iyong iba na lang ang istorbohin mo. Goodbye! Napakamot ng kanyang batok si Enzo. Wrong timing yata ang paghahanap niya ng kausap. Mukhang busy ang lahat. Ilang minuto pa ang lumipas ngunit walang nagsi-seen sa iba nilang kasama. Mukhang kailangan niyang mag-mention ng pangalan, ah. Nagta-type na siya ng mensahe nang bigalang may nag-reply sa naunang mensahe niya. Raizer: @Enzo, may problema ba? May na-hostage na naman? Napangiti nang malapad si Enzo. Binura niya ang kino-compose na mensahe saka gumawa ng bago. Enzo: Wala naman, @Raizer. Nabo-bored lang ako. Baka may hindi busy sa inyo. Kailangan ko ng kausap. Raizer: Sorry, bro. Busy rin ako. May hinihintay akong bisita. Pasensiya na. Enzo: Okay lang, bro. Balik ka na lang sa trabaho mo. Jak: Sinong nangangailangan ng kausap diyan? Enzo: Ako. Hindi ka ba busy? Jak: Nope. Gusto mo inom na lang tayo. Sagot ko na. Enzo: Nah? Hindi ko kailangan ng alak. Kausap lang ang hinahanap ko. Besides, nandito ako sa Masbate ngayon. Jak: Problema ba iyon? Pwede mo namang gamitin ang chopper mo para makarating ka kaagad dito sa Manila. Enzo: Kasasabi ko lang, hindi ba? Hindi alak ang kailangan ko. Jak: So, kausap lang ang gusto mo? Paano naman ako kailangan ko ng kausap habang umiinom? Enzo: Huh? Bakit? May problema ka ba? Jak: I can’t find my wife. Enzo: What? Come again? Jak: Actually, umalis na ng bahay si Lyla, three months ago. Akala ko kaya kong mawala siya. Hindi pala, bro. Kailangan ko pala ang misis ko. Hindi agad nakaimik si Enzo. Napatingala siya sa kisame. Ilang segundo siyang nakatitig doon bago niya muling binalikan ang usapan nila ni Jak. Enzo: I understand how you feel. I’ve been there before. Mahigit kalahating oras silang nagpalitan ng mensahe ni Jak. Kung hindi pa siya kinatok ng maid ay hindi pa sana siya magpapaalam sa kaibigan. Nangako na lang siyang babalikan ito pagkatapos ng family dinner nila. Paglabas ni Enzo sa kanyang kuwarto nagmamadali niyang tinungo ang hagdan. Naabutan na niya sa dining room ang mga magulang niya kasama ang isang babae. Nakatalikod ito sa kanya kaya hindi niya makita ang mukha nito. Ngunit kapansin-pansin ang mahaba at tuwid nitong itim na buhok. Halos umabot na sa baywang ng babae ang dulo ng buhok nito. Maputi at makinis din ang balat nito kung pagbabasehan ang kamay nitong naka-expose. Biglang sumagi sa isip niya ang babae sa kanyang panaginip. Pareho silang may mahaba at maitim na buhok. Maging ang kulay ng kanilang balat ay magkapareho. Nabuhay na ba ang babae sa panaginip niya? Imposible yata iyon. Ipinilig niya ang ulo at pilit na iwinawaksi ang laman ng kanyang isip. “Anak! Nandiyan ka na pala! Halika ka na rito para makakain na tayo. Nakakahiya namangpaghintayin natin nang matagal ang ating bisita.” Napangiti si Enzo nang marinig ang tinig ng kanyang ina. Lumapit siya agad sa mesa. Akmang hihilain na niya ang upuan sa tabi ng babae nang sumulyap ito sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya nang makilala ang babae. “Elaine?” “Hi, Enzo!” pilit ang ngiting wika ng babae. “What are you doing here?” Napalingon si Elaine sa mama niya bago ito muling bumaling sa kanya. “Tita Ruth invited me here,” matipid nitong sagot. Ibinaling ni Enzo ang kanyang tingin sa ina. “Ma, what are you planning to do?” may pagdududang tanong niya. Ngunit hindi siya pinansin ng kanyang ina. Iba ang lumabas sa bibig nito. “Hey! Let’s eat now. Baka mamaya lumamig pa ang pagkain.” Walang nagawa si Enzo kung hindi tuluyan nang hilahin ang upuan sa tabi ni Elaine. Tahimik silang kumakain. Ngunit paminsan-minsan nililingon niya ang kanyang katabi. Napansin niyang hindi siya nililingon ni Elaine. Nakatutok lang ang tingin nito sa pagkain. Pagkatapos nilang kumain, muling inusisa ni Enzo ang ina. “Ma, why is Elaine here? Don’t tell me, she’s gonna stay here.” “Tama ka diyan, anak. Dito na talaga titira si Elaine kasi magpapakasal na kayo.” “What?” Parang may bombang sumabog nang marinig niya ang sinabi ng ina sa kanya. Nang mapatingin siya kay Elaine ay umiiwas naman itong tumingin sa kanya. “You must be kidding, ‘ma,” apela ni Enzo. Napailing ang kanyang ina. “No. I’m dead serious. You and Elaine are getting married. No ifs, no buts because that’s final.” Napipi si Enzo sa sinabi ng mama niya. Walang siyang maapuhap na sasabihin o pangontra rito. Tuluyan na yata siyang magpapaalam sa pagkabinata niya. Pero bakit si Elaine gayong pinsan nito si Regine? s**t!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD