“OOOH! PLEASE help me!” hiyaw ng babae na tumataas at bumababa sa p*********i ni Enzo.
He was lying down while the woman was straddling him. Nakakapit sa magkabilang braso niya ang dalawa nitong kamay. Habang gumigiling ito sa ibabaw niya, nagba-bounce ang magkabilang dibdib nito bagaman hindi naman ganoon kalakihan.
He wanted to touch those beautiful breasts but her gripped on his biceps were so firm that he could hardly move his hands. Pakiwari niya’y pinanggigilan ng babae ang mga braso niya. Sigurado siyang magmamarka ang mahigpit nitong pagkakapit sa kanya.
“Please…please help me!” muling sigaw ng babae.
Napilitang bumangon si Enzo. Nabitiwan naman siya ng babae kaya malaya na niyang naigagalaw ang mga kamay. Hinawakan niya ang pang-upo ng babae saka inayos ang pagkakapatong nito sa kanya. Inilipat niya ang mga kamay sa baywang nito at iginiya ang babae sa pagtaas at pagbaba sa kanyang p*********i.
“Oh! My goodness! I’m c*****g!” sigaw ng babae.
Kahit siya man ay malapit na ring labasan kaya humigpit ang pagkakahawak niya sa baywang ng babae at lalo niyang binilisan ang pagkilos. Napuno ng ungol ang buong kuwarto nang sabay nilang marating ang rurok ng kaligayan.
Bumagsak siya sa kama kasabay ng babae.
Biglang napamulat si Enzo. s**t! Panaginip lang pala ang lahat. Pakiwari niya’y totoong nangyari na may kasiping siyang babae.
Sinilip niya ang translucent na table clock sa bedside table. Alas-dos pa lang ng madaling araw. But he needed a cold shower. Ang init at ang lagkit ng pakiramdam niya.
Mabilis siyang bumangon saka inalis ang comforter na nakapatong sa katawan niya. Nanlaki ang mga mata niya nang mapansin na basang-basa ang suot niyang boxers. Napamura na naman siya.
Bumaba siya ng kama at nagmamadaling nagtungo sa banyo. Pagpasok niya sa loob, agad niyang hinubad ang suot na boxers at basta na lang ito ihinagis sa laundry basket. Saka niya binuksan ang shower at tumapat rito.
Ilang minuto rin siyang naligo bago niya hinablot ang tuwalya at nagpunas ng kanyang katawan. Muli niyang isinabit ang tuwalya bago siya lumabas siya ng banyo at dumiretso sa kanyang walk-in closet.
Akmang kukuha siya ng damit sa cabinet nang mapalingon siya sa life-size na salamin. Kitang-kita niya ang hubad na sarili. Matangkad siya sa pangkaraniwang Pinoy. Ganoon din ang kanyang pangangatawan na bahagyang mas malaki kaysa sa karaniwan. Bukod sa ipinanganak na siyang matipuno, lumaki pa ang katawan niya noong nag-aral siya sa West Point Academy hanggang mag-training siya sa Navy SEAL.
Kaya nga noong nagbibinata pa lang siya, marami ng babae ang nahuhumaling sa kanya. Mas matured kasi ang mukha at pangangatawan niya kaysa sa kanyang tunay nae dad. Hindi na rin nakapagtataka na ang unang s****l experience niya ay noong katorse pa lang siya.
Anak ng pulitiko sa bayan nila si Claire. Bente-uno na ito noon at katatapos lang sa kolehiyo. Nakilala niya ito sa wedding anniversary ng mga lolo at lola niya. Hindi naman siya lasing noon pero nakainom ang babae nang lapitan siya nito at pakiusapan na samahan siya sa banyo. Sinamahan naman niya ito sa pag-aakalang iihi lang ito. Ngunit doon na pala naganap ang unang karanasan niya sa s*x, sa mismong banyo sa bahay ng lolo niya.
Hindi na nasundan ang nangyari sa kanila ni Claire. Pero ilang buwan lang ang nakalipas nang magsimula siyang managinip tungkol sa isang babae na kasiping niya. Pare-pareho lang ang panaginip niya na nasa ibabaw ng katawan niya ang babae habang gumigiling ito. Ngunit kahit kailan hindi niya nakita ang mukha nito. Blurred ang mukha ng babae. Tanging ang katawan nito ang malinaw niyang nakikita. Malinaw din ang boses nito pero wala pa siyang nakilalang babae na kahawig ng boses nito.
Inisip niya tuloy na produkto lang ng imahinasyon niya ang panaginip na iyon. Pero sa paglipas ng panahon, madalas siyang dalawin ng panaginip na iyon. Natigil lang ang panaginip niya noong makilala niya si Regine. Inakala pa nga niya noong una na si Regine ang babaeng iyon pero magkaiba ang boses nilang dalawa maging sa kanilang pangangatawan. Bagaman, wala namang namamagitang sekswal sa kanila dahil nirerespeto niya ang nobya, ilang beses na rin niya itong nakita na nakasuot ng two-piece. Kaya alam niyang malayo ang pangangatawan nito sa babaeng napapanaginipan niya.
Payat si Regine, kayumanggi ang balat, at kulot ang hanggang balikat nitong buhok. Samantalang mas maganda ang pangangatawan ng babae. Nasa tamang lugar ang mga kurba nito sa katawan. Mas maputi at makinis din ito na para bang mag-iiwan ng marka sa balat nito kahit mahawakan lang. Maitim din ang tuwid nitong buhok na umabot hanggang sa baywang.
Kaya palaisipan pa rin sa kanya kung sino ang babaeng iyon. Nagtataka rin siya kung bakit muli na naman siya nitong dinalaw sa panaginip samantalang halos tatlong taon na ang nakalipas mula noong huli niya itong mapanaginipan.
Tinitigan niya ang sarili sa salamin. Hindi nagbago ang katawan niya simula pa noong nagtapos siya sa West Point.
He still had those broad shoulder, firm muscles, and eight-pack abs. Thanks to his father’s genes. He is a mixture of American, Australian, and Filipino making him more attractive to most women. Bukod kasi sa matipuno niyang pangangatawan at magandang height, malaki rin ang kanyang alaga na kinababaliwan ng mga naka-one night stand niya. Ni hindi nila kayang isubo ng buo ang alaga niya. Kaya mas gusto niyang ipasok na lang iyon sa hiwa ng babae kaysa sa bunganga nito.
Tulog ang alaga niya ngunit malaki pa rin ito. Mas lumalaki pa ito kapag tinigasan siya. Kadalasan nga nasasaktan ang mga babaeng nakasiping niya sa sobrag laki ng alaga niya. Natakot siya tuloy na magka-girlfriend kaya hanggang one-night stand lang ang ginagawa niya. Tanging si Regine lang ang naging girlfriend niya pero kahit ito nawala pa.
Nakasimangot na lumayo siya sa salamin. Kumuha siya ng boxers saka bumalik sa kanyang kama.
Nakahiga na siya nang muling maalala ang babae sa kanyang panaginip. Sino kaya ang babaeng iyon? Bakit ayaw siya nitong lubayan sa panaginip? Kung totoong tao ito, dapat niya itong mahanap. Baka ito ang kukumpleto sa pagkatao niya. Nararamdaman niya kasi na hindi lang sa sekswal na aspeto sila magkasundo ng babae. Parang may malalim silang relasyon at mukhang mahal nila ang isa’t isa. Pero ang problema, saan niya hahanapin ang babaeng iyon kung hindi niya alam ang mukha nito?
Mababaliw yata siya sa kanyang iniisip. Napabuga siya ng hangin at napasabunot sa kanyang ulo.
May problema na nga siya kay Elaine tapos dumagdag na naman ang babaeng iyon. Wait! Bakit ba niya pinoproblema si Elaine gayong puwede namang ipabantay na lang ito kay Xyrus. Puwede rin niyang ipabantay sa iba kung ayaw ni Xyrus. Maghahanap na lang yata siya ng security na magbabantay kay Elaine para hindi na niya ito problemahin. Nakatulog siya na iyon ang kanyang iniisip.
ALAS-SAIS Y MEDYA na ng umaga nang magising si Enzo. Nagmamadali siyang naligo at nagbihis. Makalipas ang kalahating oras, bumaba na siya para kumain.
Nang makita siya ni Aling Senya, agad siya nitong ipinaghain.
“Tinanghali ka yata ng gising, iho?” puna ng caretaker habang naghahain ito.
“Namamahay lang po siguro ako, nanang. Matagal din kasi akong hindi nagagawi rito,” katuwiran ni Enzo. Maaga kasi talaga siyang gumigising. Alas-singko pa lang ay bumabangon na siya ng higaan. Pero dahil sa panaginip niya kaninang madaling araw kaya na-late na siya ng gising.
“Siguro nga, iho. May lakad ka ba mamaya?”
“May pupuntahan po ako, nanang. Baka gabi na ako makauwi pag-alis ko mamaya.” Pupuntahan niya kasi si Elaine sa hotel na tinutuluyan nito. Ayaw man niyang bantayan ang dalaga, wala namang siyang magagawa. Nang kausapin niya si Xyrus kagabi, busy daw ito. Pero tatawagan daw siya nito kapag nakahanap ito ng ipapadalang tao para magbantay kay Elaine.
Hindi pa ito tumatawag hanggang ngayon kaya malamang siya na muna ang magbabantay sa dalaga habang wala pa itong bodyguard.
Pagkatapos kumain ni Enzo, pinuntahan niya si Mang Marcelo.
“Lalabas po ba kayo, sir?” tanong ng matanda nang makita siya nito.
“Opo, tatang.”
Inabot naman ng matanda ang susi ng sasakyan. “Ingat kayo, sir,” paalala pa nito nang sumakay na sa loob si Enzo.
“Salamat po, tatang,” wika niya bago niya inilabas sa gate ang SUV. Maluwag naman ang kalsada hanggang makalabas siya ng village. Pero nang makarating siya ng highway, ma-traffic na. Rush hour na kasi kaya siguradong aabutin na siya ng isang oras o higit pa bago makarating sa Glorious Hotel. Kung tutuusin, kalahating oras lang biyahe niya papunta roon.
Malapit na siya sa hotel nang biglang sunod-sunod ang pagpasok ng mensahe sa cellphone niya. Inilabas niya ito mula sa bulsa ng suot niyang jacket.
Napukaw agad ng atensyon niya ang mensahe sa group chat nilang magkakaibigan.
Edmark: SOS @everyone! May hostage-taking sa hotel ko dito sa Makati. Sinong puwedeng tumulong?
Xyrus: s**t! Papunta pa lang ako diyan!
Jak: What the hell! Ano bang nangyayari dito sa ‘Pinas? Pati hotel mo, hindi na safe!
Raiden: Bro, @Edmark, nasa hotel ang asawa ko! Safe ba siya?
Edmark replied: Bro, I’m sorry. Pero iyong asawa mo ang na-hostage.
Raiden: What! @Railey, help!!!
Enzo: @Edmark, saan banda iyong hostage-taking? Malapit na ako diyan!
Edmark replied: Sa Majesty Restaurant, dito sa first floor. Gaano ka pa kalayo sa hotel?
Enzo: Ten to fifteen minutes pa siguro.
Xyrus: Buy him some time, @Edmark. Malapit na rin ako, na-stuck lang ako sa traffic.
Melvin: Hey! Anong nangyayari dito?
Raiden replied: Na-hostage ang misis ko! Nasa Glorious Hotel siya sa Makati. Baka puwede kang tumulong!
Melvin: Okay. I’m coming!
Joshua: Nag-backread pa ako ng napahaba. Pero pupunta na rin ako riyan.
Dave: Kailangan n’yo rin ba ng moral support? Iyon lang kasi ang maibibigay ko. Tatawagin ko na rin si @Jed. Sorry, hindi available si @Jerome. Nasa Iran siya ngayon.
Phoenix: Hey, folks! I’m on my way there, too.
Levi: Magmo-motor na lang ako para makarating agad ako riyan kahit pang-moral support lang ako! You know, I hate guns!
PJ replied: Ang dami mo pang sinasabi! Pumunta ka na lang! @Raiden, sorry, bro. Hindi ako makakatulong. Nandito ako ngayon sa Malaysia. Ipapanalangin ko na lang ang kaligtasan ng misis mo. Kasama ko si Kricel na mananalangin.
Nang matanaw na ni Enzo ang karatula ng Glorious Hotel, ibinalik na niya sa loob ng kanyang jacket ang cellphone. Nagmamadali niyang ipinarada ang kanyang sasakyan. Paglabas niya, inabutan niya ang maraming tao na nasa labas lang ng hotel. Nakipagsiksikan siya rito.
Tumatakbo siya papunta sa restaurant nang makasalubong niya si Edmark.
“Thanks, God! You’re here!” saad nito nang makita siya.
“Nasaan iyong hostage taking?”
Hinila siya ni Edmark saka ito may itinuro sa loob ng restaurant. Wala ng tao roon maliban sa hostage taker at biktima nito saka isang customer.
Napalunok siya nang makita ang asawa ni Raiden na umiiyak habang may nakatutok na baril sa leeg nito. Akmang lalapitan niya ito nang bigla siyang mapahinto. Si Elaine pala ang customer na nakita niya.
Biglang umakyat ang dugo sa ulo niya. Kinapa niya ang baril na nakasuksok sa kanyang baywang. Lagi niya itong dala kahit saan siya magpunta. Wala sana siyang balak gamitin ito pero mukhang hinihingi ito ng pagkakaon.
Hindi siya sanay gumamit ng maliit na baril. Ngunit wala naman siyang ibang pamimilian. Inilabas niya ang baril at mabilis itong ikinasa.
Napatingin sa kanya ang hostage taker. Pero bago pa ito makakilos, pinaputok na ni Enzo ang baril na hawak. Tumama ang bala nito sa baba ng balikat ng lalaki. Nabitiwan nito ang asawa ni Raiden bago ito bumagsak sa sahig.
Nakita niyang hinila ni Elaine ang asawa ni Raiden. Nagsilapitan naman ang mga security personnel ng hotel sa hostage taker.
“Hey! Tapos na ba?” humahangos na tanong ni Xyrus nang lumapit ito sa kanila ni Edmark.
“Yes, I shoot him.” Inilahad ni Enzo ang baril na hawak.
Napailing si Xyrus. “Itago mo muna iyan. Pag-usapan na lang natin iyan sa presinto,” wika nito bago lumapit sa kinahihigaan ng hostage taker.
Nagsidatingan na rin ang iba pa nilang kaibigan. May tumawag pa ng ambulansiya na siyang kumuha sa katawan ng hostage taker.
Nang makita siya ni Elaine ay agad itong lumapit sa kanya.
“Did you shoot guy?” usisa nito sa mahinang tinig.
Tango lang ang isinagot ni Enzo.
“I didn’t expect Lyndon to follow me here in the Philippines. Desperado na talaga siya.”
Tumaas ang kilay ni Enzo sa sinabi nito.
“So, ikaw pala ang dahilan kung bakit na-hostage ang asawa ng kaibigan namin?”
“Hindi ko naman alam na mangyayari ito.”
“Kailangan nating pumunta sa presinto para doon ka magpaliwanag,” sabi niya rito.
Namutla ang mukha ni Elaine.
Napailing si Enzo. “Don’t worry, sasamahan kita. Kailangan ko ring ipaliwanag sa mga pulis kung bakit ko binaril ang ex mo.”
Napakagat-labi si Elaine. “I’m sorry. Hindi ko naman kasi alam na ganito ang gagawin ni Lyndon. Nakakatakot pala siya.”
“That should be a lesson to you. Never give your one hundred percent trust to anyone. Hindi mo alam kung ano ang kayang gawin ng mga taong desperado sa kanilang buhay.”
“I’ll remember that.”
“Let’s go,” ani Xyrus nang dumaan sa tabi nila.
Agad namang hinawakan ni Enzo si Elaine. Ngunit nagkatinginan silang dalawa nang maramdaman niya ang pagdaloy ng kuryente sa pagkakadaiti ng kanilang mga balat. Bigla niyang binitiwan ang kamay ng dalaga na para bang napaso siya.
Kunot-noo namang tinitigan siya ni Elaine. Hindi siya umimik pero isinenyas niyang sundan nila si Xyrus. Hindi rin naman nagsalita ang dalaga kaya sabay silang naglalakad kahit walang imikan.