Chapter 2 - Naughty and Nice

2728 Words
PABABA pa lang ng hagdan si Enzo nang mapansin niyang hinihintay siya ng kanyang ina at isinisenyas nito ang hawak na cordless telephone. Napilitan tuloy siyang bumaba nang mabilis. “Sino po ang tumatawag?” tanong niya sa ina nang makarating sa tabi nito. “Colonel Montoya daw,” sagot ng mama niya nang iabot nito ang telepono sa kanya. Nag-aatubili pa si Enzo na tanggapin ang telepono pero iniwan na siya ng ina bago pa siya makapagbuka ng bibig. Kung siya lang ang masusunod, ayaw sana niyang sagutin ang tawag dahil tiyuhin ni Regine si Colonel Montoya na nakasama niya dati sa SEAL bago ito nag-retire. Gayunman, umiral ang respeto niya sa matanda kaya sinagot na rin niya ito. Sana lang hindi tungkol sa ex niya ang dahilan nang pagtawag nito. “Hello, sir!” “Hello, Inferno!” Bahagyang natawa si Enzo nang marinig ang pangalang ginagamit niya sa SEAL. “How are you, sir?” nakangiting tanong niya. “I’m good. But I did not call you to talk about my well-being. I called because I want to ask a favor from you.” Biglang naglaho ang ngiti sa labi ni Enzo. Parang naaamoy niya ang panganib na darating. Nasisiguro niyang hindi pangkaraniwan ang hihinging pabor ng matanda sa kanya. “It’s about my daughter. Her plane will land in NAIA at exactly twelve this noon. I wanted you to watch over her.” Lumikot ang mga mata ni Enzo. “Huh? What do you mean? I’ll be her bodyguard?” Ayaw niya yata sa ideyang mag-alaga ng ibang tao lalo na’t babae ito. “No. Not exactly. Elaine hates bodyguard. But you can watch her from a distance. Just make it sure that she will be safe at all times.” Nalukot ang mukha ni Enzo sa huling sinabi ng matanda. “Why does she need a guard? Is she in danger?” “I hope she is not. But I’m just taking some precautions. Nakipaghiwalay kasi siya sa fiancé niya last month. Nag-aalala lang ako na baka gumanti ang lalaking iyon. I had him investigated and we found out that he is a member of a drug syndicate that operates in southeast Asia. That is why I am asking for your help.” Napabuga ng hangin si Enzo. Tama nga ang hinala niya. May parating na panganib. Mula noong umuwi siya ng Pilipinas dalawang taon na ang nakaraan, wala na siyang naengkuwentrong panganib. Mapayapa na ang buhay niya. Aaminin niyang nabo-bored siya sa buhay niya ngayon. Para kasing hinahanap pa rin ng katawan niya ang dati niyang trabaho na mapanganib at buwis-buhay. Pero hindi niya puwedeng gawin iyon sa estado niya ngayon. Dapat nga siyang umiwas sa gulo dahil sa pangyayaring bumago ng pagkatao niya. “Sir, alam naman po ninyo ang kalagayan ko. I am living under the shadow of my twin brother. I cannot be anywhere I want.” “I know that, Inferno. Pero ikaw lang ang mapagkakatiwalaan ko kaya ako lumapit sa iyo. If you cannot do it, then you ask help from somebody else. Basta masiguro lang ang kaligtasan ng anak ko. Hindi naman kailangang ikaw mismo ang magbantay sa kanya. Puwede namang ibang tao na mapagkakatiwalaan mo rin.” “Pero sir…” “Hindi naman magtatagal si Elaine sa Pilipinas. After one or two months, she will come back here. May kailangan lang siyang gawin diyan sa Manila.” Napahilot ng kanyang sentido si Enzo. Makulit talaga ang matandang ito. “Sir, I’m very far from Manila. I cannot do it,” katuwiran niya. “Nakikiusap ako, iho. Pagbigyan mo na ako. Pagkatapos nito, ibibigay ko sa iyo kahit anuman ang hilingin mo. Kakausapin ko si Regine na balikan ka kung iyon ang gusto mo.” Napaismid si Enzo. Hangga’t maari ayaw na niyang marinig pa ang pangalan ng dating nobya niya. “Alright, sir. I’ll do it. Pero hindi ko gagawin ito dahil kay Regine. Gagawin ko ito dahil malaki ang respeto at utang na loob ko sa inyo.” “Thank you, Inferno. Give me your email. I’ll send you her flight details, other info, and her latest picture.” Ibinigay ni Enzo ang kanyang email address sa matanda saka nagpaalam dito. Nagpapalatak siya nang tingnan niya ang suot na relo. Alas-diyes na ng umaga. Dalawang oras na lang at darating na ang babantayan niya. Paano siya makakapunta ng Manila sa ganoong kaikling oras? “May problema ba, iho? Anong sabi ng kausap mo?” usisa ng mama niya nang lumapit ito sa kanya “Kailangan ko po na lumuwas ng Manila dahil may importante akong aayusin. Puwede po bang si papa muna ang bahala sa rancho?” Alam niyang wala ang papa niya ng oras na iyon dahil nauna na ito sa niyogan. “Oo naman. Kailan ka ba aalis?” “Ngayon na rin po. Maghahanda lang ako ng gamit ko. May susunduin pa kasi ako sa airport.” Tumaas ang kilay ng mama niya. “Sino naman iyon?” “I’ll let you know later. Makikita ko pa lang siya mamaya.” Ayaw niyang sabihin na babae iyong pupuntahan niya sa airport dahil baka iba na naman ang iisipin ng kanyang ina. “Ganoon iyon, anak?” “Opo, ‘Ma. Pakisabi na lang kay papa. I’ll be back as soon as I can.” Hinalikan niya sa pisngi ang mama niya bago siya muling umakyat sa hagdan. “Iho, hindi ka ba mapapahamak sa gagawin mo?” Napahinto sa pag-akyat si Enzo saka nilingon ang ina. “Don’t worry, ‘Ma. I’ll keep myself safe.” “Tumawag ka kaagad kapag nakarating ka na sa pupuntahan mo.” “Sure, ‘Ma,” matamis ang ngiting sagot niya saka nagmamadaling umakyat. EKSAKTONG ALAS-DOSE na ng tanghali nang iparada ni Enzo ang Montero Sport sa parking lot ng NAIA. Hindi siya aabot sa airport kung ginamit niya ang kanyang Cullinam Black Badge. Baka mamayang hapon o kaya gabi pa siya makakarating. Kaya nagpasya siyang gamitin ang chopper ng Rancho Mercedes. Ibinaba niya ito sa helipad ng bahay nila sa Magallanes Village. Paglabas niya ng bahay naghihintay na sa kanya si Mang Marcelo sa tabi ng Montero Sport. Si Mang Marcelo at ang asawa nitong si Aling Senya ang caretaker ng bahay na bihira nilang puntahan. Nagpasalamat lang siya sa matanda saka nagmamadali na siyang umalis. Malamang isang oras pa siyang maghihintay kung walang VIP pass ang anak ni Colonel Montoya kaya nagpasya siyang dumiretso muna sa coffee shop. Um-order siya ng kape saka muli ring lumabas. Patingin-tingin siya sa paligid habang nagkakape at naghihintay. Napansin niyang hindi iilang beses siyang nilingon ng mga kababaihang dumadaan sa tabi niya. Hindi niya maintindihan kung bakit pa siya kailangang lingunin. Wala namang kakaiba sa kanya. Nakasuot siya ng black shirt na pinatungan niya ng black leather jacket. Black din ang denim pants niya, rubber shoes, at baseball cap. Tinernuhan din niya ito ng dark shades para itago ang totoong mukha niya. Mukha ba siyang goon sa suot niya kaya nililingon siya ng mga dumadaan? Maniniwala na sana siya na ganoon nga ang impresyon nila sa kanya pero nakapagtatakang mga babae lang naman ang napapatingin sa kanya. Ayaw niyang pinapansin siya o pinagtitinginan lalo na ng mga kababaihan. Naiirita siya at naalarma rin. He is trying to be incognito, but it looks like he is far from succeeding. Pagkaubos niya ng kape agad niyang itinapon ang paper cup sa basurahan saka bumalik sa kanyang kinatatayuang poste kanina. Wala siyang magawa kaya nagmamasid na lang siya sa paligid. Naghahanap siya ng taong kahina-hinala ang kilos. Pero wala naman siyang napapansin. Ilang beses na siyang tumingin sa suot niyang Rolex Submariner pero hindi pa rin lumalabas ang hinihintay niya. Nakaramdam siya ng panunubig. Sinipat niya ang suot na relo. Twelve-thirty na. Hindi pa naman siguro lalabas ang hinihintay niya. Nilapitan niya ang isang airport security at tinanong kung nasaan ang CR. Agad namang itinuro sa kanya ang isang pasilyo. Dumiretso na siya roon. After ten minutes, nakabalik din siya sa kanyang puwesto. Hindi na siya mapakali sa pag-aalalang nakalabas na ang hinihintay niya. Kung hindi niya ito makikita roon, susundan na lang niya ito sa Glorious Hotel kung saan ito naka-check in. Mabuti na lang at sa hotel na pagmamay-ari ng pamilya ni Edrian ito nag-check kaya madali na lang siyang makakapasok doon kung gugustuhin niya. Pero mas magandang makita muna niya rito sa airport ang anak ni Colonel Montoya para masigurong ligtas itong makakarating ng hotel. Ala-una nang mapansin ni Enzo ang isang babaeng nakasuot ng kapareho niyang damit. Itim ang lahat ng suot nito mula baseball cap hanggang sa sneakers nito. Tinitigan niya itong mabuti. Nakayuko ito kaya hindi niya makita ang mukha nito. Ngunit nang mag-angat ito ng ulo halos malaglag sa lupa ang mga mata niya. Kumurap siya ng ilang beses para siguruhing tama ang nakikita niya. Ngunit hindi nagbago ang mukha ng babae. Sa tanang buhay niya ngayon lang siya nakakita ng ganito kagandang babae. Malayong maganda pa ito kay Regine. Palaayos ang nobya niya. Pero ang babaeng ito napakaganda pa rin kahit walang make up. Hindi niya maalis ang tingin dito na para bang na-magnet ang mga mata niya. Nang magsawa siya sa katitingin sa mukha nito naglakbay ang mga mata niya sa kabuuan ng katawan nito. Fitted ang suot nitong shirt kaya bumabakat ang bilogan nitong dibdib na tama lang ang laki. Ngunit napakaliit ng baywang nito. Sigurado siyang kasya ang dalawang palad niya kapag pinagsalikop niya sa baywang nito. Hindi niya sigurado kung maganda rin ang pang-upo nito dahil nakaharap ito sa kanya. Ngunit kung pagbabasehan ang magandang korte ng hita at binti nito siguradong maganda rin ang likurang bahagi ng katawan nito. Nanunuyo ang lalamunan niya sa tanawing nakikita kaya binasa niya ang labi gamit ang kanyang dila. Napansin niyang huminto ang babae sa paglalakad nang malapit na sa lugar kung saan nakapuwesto ang mga naghihintay na tao. Palinga-linga ito sa karamihan ng tao hanggang magtama ang kanilang tingin. Halos kapusin ng hininga si Enzo nang magkatinginan sila ng babae. Naka-shades pa siya sa lagay na iyon pero pakiwari niya’y ang init ng mata ng babae na nakatingin sa kanya. Natigilan siya nang kumunot ang makinis nitong noo. Bigla naman siyang natauhan. Damn! Nakalimutan na niyang may hinihintay pala siyang dumating. Nagmamadaling kimuha niya ang kanyang cellphone mula sa bulsa ng kanyang pantalon. Hinanap niya ang picture ng anak ni Colonel Montoya na hindi niya masyadong pinansin kanina dahil sa pagmamadali niyang makaalis. Pabulong siyang napamura nang mapagmasdang mabuti ang larawan. Kahawig nito iyong babaeng kanina pa niya tinititigan. Mas maganda nga lang ito sa personal. The picture didn’t do her justice. Mabilis niyang ibinulsa ang kanyang cellphone saka hinanap ang babae. Shit! Tuluyan na siyang napamura nang hindi ito makita. Napatingin pa tuloy ang mga taong nasa tabi lang niya. Wala na siyang pakialam kahit pagtitinginan pa siya o pag-usapan. Kailangan niyang mahanap si Elaine. Palinga-linga siya habang naglalakad sa paligid hanggang sa mapadako ang mga mata niya sa hilera ng mga airport taxi. Nakahinga siya nang maluwag pagkakita niya kay Elaine na nakikipag-usap sa isang taxi driver. Mabilis niya itong nilapitan. “Manong, ako na ang bahala sa girlfriend ko. Pasensiya na po kayo. Nagtatampo kasi siya dahil hindi ko kaagad nilapitan,” nakangiting sabi niya sa driver na kausap ni Elaine. Pinandilatan naman siya ni Elaine ngunit nginitian lang niya ito nang matamis. “Ah, sir. Pasensiya na. Hindi ko kasi alam,” wika naman ng matandang driver. Akmang magsasalita si Elaine ngunit mabilis niyang hinawakan ang kamay nito at ang maletang dala nito. Tapos hinila niya ito papunta sa kanyang sasakyan. “Hey, mister! Get your hands off from me,” singhal nito habang nagpupumiglas. Napilitan siyang huminto saka binitiwan ang maleta ngunit hindi ang kamay nito. “Will you shut your beautiful mouth, Elaine?” inis niyang sabi saka niyuko ito. Tumahimik naman si Elaine. Tinanggal ni Enzo ang suot na shades gamit ang kaliwang kamay saka ito isinuksok sa kanyang shirt. “Have we not met before, Jenna Elaine Abesamis Montoya?” seryosong tanong niya rito nang mapansin na nanlaki ang mga mata nito. Napalunok ang dalaga. “R-Renzo Nick?” “Correction, it’s Rubenson Fiel Garcia Penullar, sweetie,” nakangising sagot niya. Kumurap ng ilang beses si Elaine saka siya nito pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. Tumaas ang isang sulok ng labi niya nang mapansin kung paano siya titigan ni Elaine. May paghanga at pagkamangha siyang nababasa sa mga mata nito. “Did I come up to your expectation, sweetie?” Inirapan siya ni Elaine. “Stop calling me, sweetie. I’m not your sweetheart. Hindi naman ako si Regine.” Napaismid si Enzo. “I know. Hindi naman kita tinawag na Regine, ah. Ikaw lang naman ang nag-isip ng ganyan.” “Kaya nga, eh. Alam mo naman palang hindi ako ang girlfriend mo. Bakit iyon ang sinabi mo doon sa driver? Saka bakit mo ako tinatawag na sweetie gayong hindi mo naman ako girlfriend?” Nag-alis siya ng bara sa lalamunan. “As far as I can remember, you’re sweet and nice. Hindi katulad ng pinsan mong sinungaling at walang isang salita,” seryosong saad niya. Umiwas ng tingin si Elaine. “Bitiwan mo na ako,” sabi nito sa mahinang boses. “Okay,” sambit niya saka ito binitiwan ngunit dinampot niya ang maleta nito. “I’ll take you to your hotel,” dagdag pa niya saka nauna nang naglakad papunta sa Montero. Inilagay niya sa likuran ang maleta ni Elaine saka niya binuksan ang passenger seat. “Kinausap ka ba ng daddy ko?” tanong nito bago sumakay sa loob. Hindi siya umimik. Isinara lang niya ang pinto bago umikot papunta sa driver seat. “Enzo, tinaanong kita,” pangungulit ni Elaine nang makapasok na siya sa loob. Imbes na sagutin ang tanong nito, iba ang sinabi ni Enzo. “Wear your seatbelt. We’re going for a rough ride.” Sinimangutan lang siya ni Elaine. Pero ikinabit pa rin nito ang seatbelt. “Alam mo ba kung saan tayo pupunta? Pangit ba ang daan papunta sa Glorious Hotel?” Bahagya siyang tumawa sa sinabi nito. “I’m talking about the traffic here in Manila. Masyadong mabigat ang daloy ng mga sasakyan kaya para sa akin nakakakonsumisyon iyon. Baka abutin tayo ng dalawang oras sa kalsada bago tayo makarating sa hotel na tutuluyan mo.” “Hindi ka ba nakatira dito sa Manila kaya hindi ka sanay sa traffic?” Umiling si Enzo. “Hindi ba sinabi ni Regine na sa Masbate ako nakatira?” “Wala siyang nabanggit sa akin kaya hindi ako aware. Pero hindi mo pa sinasagot iyong tanong ko, ah. Pinadala ka ba ni daddy para bantayan ako?” “Kinausap nga ako ng daddy mo pero sabi niya ayaw mo raw ng bodyguard kaya ihahatid lang kita sa hotel. Tapos aalis na rin ako,” sagot niya nang hindi lumilingon dito. “That’s good. Ayoko talagang may nagbabantay sa akin lalo na kung ikaw.” Marahas niyang nilingon ang dalaga. “Ayaw ni Regine. Magagalit siya kapag lalapitan kita.” Napasimangot si Enzo sa sagot nito. “Bakit naman? Hindi mo pa ba alam na matagal na kaming hiwalay? Iniwan na niya ako dahil mas mahalaga ang ambisyon niya kaysa sa akin.” “I know. But still, you are off limits,” walang kangiti-ngiting saad ni Elaine. “Oh! Sayang naman. Plano ko pa namang dalhin ka sa langit isa sa mga araw na ito.” “Langit?” nakakunot ang noong tanong nito. “Langit sa ibabaw ng kama,” nakangising sabi niya. Nanlaki ang mga mata ni Elaine. Pinaghahampas siya nito nang malakas sa braso kaya dumiin ang hawak niya sa manibela at kamuntik nang tumagilid ang Montero. “Hey! Stop that!” saway niya rito. Tumigil naman si Elaine. Pero hindi ang bunganga nito. “Baliw ka! Bastos!” “Wow! Nice words coming from a nice lady, huh?” sarkastikong saad niya nang sulyapan ito. “Hindi ako nice. Akala mo lang iyon,” nakasimangot nitong sabi. “We’re even. I’m not nice either. I’m naughty especially in bed,” malapad ang ngiting wika niya. “Ah!” impit na hiyaw ni Elaine sabay takip sa tainga nito. Humagalpak na lang siya ng tawa sa itsura nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD