Sungit Pilit kong tinatago ang nakasimangot kong mukha sa stranger na nasa harap ko na kasabay kong kumakain. "Kamusta ang tulog mo?" Malamig na wika niya habang tinutusok ang tocino sa plato niya. "Tulog? Hindi pa nga ako nakakatulog eh," sagot ko. Wala lang naman 'yon sakanya dahil maganda ang tulog niya sa malambot niyang kama. Tahimik akong kumakain ng agahan. Ang sakit talaga ng leeg at braso ko. May naipit pa atang ugat dahil sa baluktot kong pagkakahiga. Pinukpok ko na ang likuran ko para naman mawala ang ngalay. "Anong plano mo?" Tanong niya at walang kaemo-emosyon akong tinignan. Nginuya at nilunok ko ang huling pagkain sa plato ko bago siya sinagot. "Pupuntang Del Cara?" Nagdadalawang isip kong sabi. Ayun naman ang totoong plano ko bago ako mapadpad sa lumang gusali na 'to

