Peaceful "May hiring po kayo?" Tanong ko sa nakatulalang guard ng isang kilalang restaurant. Tinignan ako ng guard na hindi man lang iginagalaw ang ulo. "May nakalagay bang hiring?" Pagsusungit nito. "Wala po." Tugon ko. "E 'di walang hiring." Nagtimpi akong inis at nagtanong sa mas maayos na paraan. "Kaya nga po nagtatanong para malaman." Paglilinaw ko. Sumandal ang guard sa malaking brown na lamesa at kinilatis ako. "Wala nga, Miss." Masama ang loob kong umalis doon. Ang manyak kasi tumingin ng guard sa akin. Pakiramdam ko hinuhubaran na niya ako sa isip niya. Wala akong perang dala-dala kaya nagpalakad lakad lang ako bitbit ang brown envelope na kinuha ko sa kwarto ni Master sungit, nakealam na rin ako sa printer niya para ma-print ang resume ko. I definitely had a concrete pl

